Pakinggan ang mga salita ni Jonas: “Inihulog mo ako sa pusod ng dagat…at natabunan ng malalaking alon. Sinabi ko: hinigop ako ng kalaliman hanggang sa tuluyang lumubog…natabunan ako ng mga yagit…ako’y nalubog sa ilalim ng mga bundok…sa daigdig ng mga patay” (Jonas 2:3-6)
Si Jonas ay nalubog sa kailaliman, nalibing sa sikmura ng balyena. Siya’y nasa pakikipaglaban para sa kanyang buhay—punong-puno ng kabiguan, kahihiyan at pagkakasala. Mabigat ang kanyang puso—sagad na pinakamababa na maaring bagsakan ng isang tao. Akala niya siya ay pinabayaan na ng Diyos.
Kayat, paano nakalabas si Jonas sa kanyang hukay? Sa madaling sabi, nakapasa siya sa pagsubok! “Nang maramdaman kong mapupugto na ang aking hininga, naalala kita Yahweh…Ngunit magpapasalamat ako sa iyo sa aking mga awit…”(Jonas 2:7-9)
Hindi nakarinig si Jonas ng salita ng kaligtasan. Siya ay nasa kalagayang wala ng pag-asa, na ang lahat sa kanya ay madilim at malungkot. Handa na siyang mawalan ng malay. Gayunman, nang dumating siya sa ganoong kalagayan, sinabi niya, “Magpapasalamat ako sa Panginoon!”
Sa kalagitnaan ng lahat ng kanyang kagipitan, pumasok si Jonas sa presensiya ng Panginoon at nag-alay ng pasasalamat! Sumagot ang Diyos, “Iyan ang hinihintay kong marinig sa iyo na sabihin mo Jonas, nagtiwala ka sa akin sa gitna ng lahat ng ito. Nakapasa ka sa pagsubok!”
Sinabi ng Kasulatan, “Kinausap ni Yahweh ang isda, at si Jonas ay iniluwa nito sa dalampasigan (berso 10). Sa isang utos mula sa langit, iniluwa si Jonas sa dalampasigan. At ang nabibigatang tao na ito ay maaring nagpagulong-gulong sa dalampasigan nagsusumigaw, “
Kapag wala ka nang patutunguhan, magtungo ka sa pasasalamat. Magpasalamat ka sa Panginoon sa kapatawaran—mula sa paglaya mo sa lahat ng mga pinagdaanang kasalanan. Magpasalamat ka sa kanya sa pagkakaligtas mo sa ngipin ng leon…sa pagbibigay sa iyo ng bagong tahanan ng kaluwalhatian…sa lahat ng mga nakalipas na biyaya, sa lahat ng kanyang mga pangako, sa lahat ng kanyang gagawin. Sa lahat, magpasalamat ka!
“Ang magpasalamat sa Panginoong Diyos ay mabuting bagay, umawit na lagi purihin ang ngalang Kataastaasan” (Awit 92:1)
“Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasasalamat; ang pangakong handog ninyo ay tuparing lahat. Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo’y aking ililigtas, ako’y inyong pupurihin” (Awit 50:14-15)