Lunes, Agosto 24, 2009

KABILANG KA BA SA PITONG-LIBO?

Alam natin na sa kabuuan ng Bibliya, ang bilang na pito ay pantayan ng walang-hanggang layunin ng Diyos. Samakatuwid, naniniwala ako na ang bilang na pitong libo (7000) na binanggit ng Diyos kay Elijah sa 1 Mga Hari 19:18 ay palatandaan nang lahat na bumubuo ng mga natitira para sa kanya. Ang mga tao na ipinag-isangtabi niya para sa kanya ay maaring may bilang na pitumpo (70) o pitong milyon (7,000,000). Ang mahalaga ay sila ay buong ipinagkaloob sa kanya.

 

Kaya, ano mga katangian ng mga natitira? Narito ang tatlong makahulugang mga katangian:

 

1.   Ang walang pagbabagong pangako na kumapit sa Panginoon. Ang mga natitirang mananampalataya ay gumawa ng isang saradong-pag-iisip ng pagpili na lumangoy pasalungat sa agos ng diyablo. At sa ilang punto, kailangang mangako  ka, nagpapahayag, “Wala akong paki-alam kung ano ang sasabihin o gagawin ng iba. Ako ay nasa  Panginoon. At hindi ako magpapadala sa buktot na espiritu ng  panahong ito.”

 

2.   Isang pagpayag na makilala kasama nang mga dukha. Habang  ang takbo ng lipunan ay mapasama sa mga mayayaman at mga tagumpay, ihahanay mo ang iyong sarili sa nagdurusang uri. Si Obadiah ay isang makadiyos na tao na naglilingkod sa tahanan ni Jezebel. Yari ang loob niya na matakot sa Diyos at hindi kanino pa man at pinatunayan niya na ang puso niya ay matuwid at kasama ang mga dukha na pinangalagaan ang isandaang malabasahang, nagdurusang mga propeta

 

3.  Isang pagtitiwala sa pag-asa. Ang pitong-libo sa panahon ni Elijah    ay nagpakatatag dahilan sa kanilang pag-asa sa padating na araw ng kaligtasan. Katulad ngayon, ang biyayang pag-asa ng iglesya ang nalalapit na pagbabalik ni Hesus. Sa isang tunog ng trumpeta, lahat ng kabuktutan ay magwawakas. Ang ating Panginoon ay palalampasin ang pagpatay sa mga sanggol, lahat ng bastos na kalisyaan, lahat ng pauubos ng lahi.

 

Ang tatlo bang mga katangiang ito ay maglalarawan sa iyo bilang isa sa mga banal na natitira ng Diyos? Kung gayon, ipinagmamalaki ka ng Diyos, “Ang isang ito ay ipinagkaloob ang puso niya sa akin. Siya ay nakatutok sa akin. At siya lubos na akin lamang.

 

Kailangan natin ang mangaral, at gumawa habang araw pa. At tayo ay mamumuhay sa pag-asang ang Haring Hesus ay babalik. At dala niya ang bagong sanlibutan, kung saan siya ay mamumuno mula sa kanyang walang hanggang trono.