Si Haring David, na may akda ng maraming Awit, ay napagal sa kanyang mga paghihirap. Siya ay labis na pagod sa kaluluwa niya, labis sa pakikidigma at batbat ng kaguluhan, ang nais lamang niya ay makatakas patungo sa isang pook na tahimik at ligtas: “Yaring aking puso’y tigib na ng lumbay, sa katakutan kong ako ay pumanaw… Parang kalapati, ako ay lilipad, ako’y hahanap ng dakong panatag… Ako ay hahanap agad ng kanlungan upang makaiwas sa bagyong daratal” (Awit 55:4-8)
Isang aral mula sa kalikasan na nagsisiwalat kung ano ang mangyayari kapag ating ipinagpalit ang isang mabuting laban sa isang magaan na paraan at lumakad palayo mula sa ating pagpapakahirap. Kamakailan ay nabasa ko ang pag-aaral ng isang biyologo tungkol sa mga krustasya, mga nilikhang namumuhay sa mga magagaspang, mapanganib na kapaligiran sa mga uka-ukang mga bato. Ang mga krustasya ay araw-araw na inaanod ng mga alon at sinasalakay sa bawat paligid ng mga nilikha mula sa lalim ng dagat. Patuloy silang nakikipagdigma upang maipagtanggol ang kanilang sarili, at sa kalaunan nabuo sa kanila ang matibay na kabibi at makapangyarihang galing para manatiling buhay.
Ang nakakagulat, ilan sa mga pamilya ng krustasya ay huminto sa pakikipaglaban sa buhay. Naghahanap ng ligtas na matitirhan, sila ay nanirahan sa inalisan ng kabibi ng ibang nilikha na galing sa dagat. Ang mga krustasyang ito ay kinilala bilang mga ermitanyong krustasya. Nanirahan ng ligtas, sila ay ay umatras sa pakikidigma at tumakas patungo sa mga gamit nang tirahan na yari na.
Subali’t ang “ligtas na tirahan” ng mga ermitanyong krustasya ay nagpatunay na ito ay magastos at sirain. Dahil sa kanilang kakulungan sa pakikidigma, ang mga malubhang bahagi ng kanilang katawan ay unti-unting nanghihina. Maging ang kanilang mga sangkap ay natuyot dahil sa kakulangan ng paggamit. Sa ilang panahon ang mga ermitanyong krustasya ay nawalan ng lakas para gumalaw, pati na ang mga mahalagang sangkap na gamit sa pagtakas. Ang mga bisig nito ay unti-unting nagbagsakan, nanatili na malayo sa kapahamakan ngunit walang silbi para gumawa maliban sa manatiling buhay.
Samantala, ang mga krustasya na patuloy sa pakikidigma ay lumaki at lumakas. Ang kanilang limang pares ng mga paa ay naging matataba at malakas upang mapaglabanan ang mga malalaking alon. At natutunan nilang magtago mula sa kanilang mga maninila sa pamamagitan ng mahusay na pagtakbo ng mabilis sa ilalim ng mga kayarian ng mga bato.
Ang batas ng kalikasang ito rin ay naglalarawan ng batas ng Espiritu. Bilang mananampalataya, tayo ay pinagtutulakan at binabayo ng mga alon ng mga paghihirap. Humaharap tayo sa mga malupit na maninila ng kapangyarihan ni Satanas. Ngunit habang tayo ay nakikipaglaban, tayo ay lalong lumalakas. At nalalaman natin ang mga panlilinlang ng mga diyablo kapag ito ay ginagamit sa atin. Natuklasan natin ang tunay na kanlungan, ang “biyak sa mga bato,” sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Hesus. At doon lamang tayo tunay na ligtas sa gitna ng ating pakikidigma.