Martes, Agosto 11, 2009

MAGTANIM NG PUNO

Hindi ipinangako ng Diyos na ilalayo niya ng kanyang mga anak sa paghihirap. Hindi niya ipinangako na tayo ay hindi mahaharap sa oras ng pangangailangan. Hindi tayo napangakuan ng kapayapaan sa mundo, katiwasayan, kapanatagan, o patuloy na may matatag na pananalapi. Pinangakuan tayo ng kapayapaan at katiwasayan ng kaluluwa at isipan—kahima-himalang panustos para sa bawat tunay na pangangilangan—at kasiguruhan na hindi tayo mamamalimos ng pagkain. Mas gugustuhin ng Diyos na tayo ay magtungo sa pook na kung saan ang disipulong si Pablo ay nagtungo na kung saan sinabi niya, “Kaya dapat na tayong masiyahan kung tayo’y may kinakain at dinaramit” (1Timoteo 6:8)

 

Ang hinaharap ay tinatanaw na nakakapinsala at nagbabanta. Ngunit sinabi ni David sa Awit 23 “Hindi ako matatakot.” Ito ang pahatid sa mga mananampalataya ngayon. Maging ang hinaharap ay nasa kanyang pangangasiwa, kayat hindi tayo dapat matakot. Ang lahat ay napagbalakan na ng Diyos. Alam niya ang takdang oras ng pagbabalik ni Kristo. Ang Diyos na may hawak ng pangangasiwa ng langit at lupa ay nagsabi: “Di ba ninyo alam,  sa harap ni Yahweh  ang alinmang bansa ay walang kabuluhan? Tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan, ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang…Sa kanyang harapan ay walang halaga ang lahat ng bansa” (Isaias40:15,17)

 

Nais ng Diyos na tayo ay patuloy na gumagawa hanggang sa pagbabalik ni Kristo. Ito’y nangangahulugan na tayo’y gagawa na parang hindi na darating ang katapusan, at mamuhay na parang ito ay padating na kinabukasan. Ang dakilang ebanghelista na si D.L. Moody ay natanong, “ano ang gagawin mo ngayong araw na ito kung alam mo na si HesuKristo ay darating na kinabukasan? Ang sagot niya ay, “Magtatanim ako ng puno.” Kaya hayaan natin. Hayaang ang tunay na Kristiyano ay humayo magtanim at mag-ani ng buto ng Diyos at magsipag na gawin ang gawain ng Diyos. Sa kanyang pagbabalik, hayaan natin na matagpuan niya tayo na “ginagawa natin ang kalooban niya.”

 

Ang Diyos ay patuloy na nagbibilang ng bawat hibla ng ating buhok sa ating mga ulo. Patuloy niyang binibilang ang mga ibong pipit na nahuhulog. Naririnig niya ang bawat kahilingan bago pa ito hilingin. Siya ay patuloy na sumasagot bago pa siya tawagin. Patuloy siyang nagbibigay ng higit pa sa ating kahilingan o iniisip. Kayat bakit matatakot?