Miyerkules, Agosto 26, 2009

ANG MAKAMUNDONG SISIDLAN

Isa sa mga nakakapagpasigla sa Banal na Kasulatan ay 2 Corinto 4:7: “Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak—kung baga sa sisidlan ay palayok lamang—upang ipakilalang ang di malirip na kapangyarihan ay sa Diyos, at hindi amin.” At nagpatuloy si Pablo sa paglalarawan sa mga sisidlan bilang mga taong malapit ng mamamatay, naguguluhan sa buong kapaligiran niya, magulo ang isipan, inuusig, nasiraan ng loob. Kahit na hindi naman tinalikdan o nawalan ng pag-asa, ang mga taong ito na ginamit ng Diyos ay paulit-ulit na dumadaing sa ilalim ng pasanin ng kanilang katawan, balisang naghihintay  na mabihisan ng bagong damit.

 

Hiniya ng Diyos ang kakayahan ng tao. Pinagtawanan niya ang ating pagsisikap na may pagbubuhat-bangko na maging mabuti. Hindi niya ginamit ang mataas at malakas, ngunit sa halip ginamit niya ang mga bagay na mahina ng mundong ito upang lituhin ang mga marurunong. “Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan nang kayo’y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang sa paningin ng sanlibutan ay marunong, makapangyarihan at maharlika. Subalit pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas. Pinili niya ang mga itinuturing na hamak, walang halaga, at walang halaga sa sanlibutang ito upang pawalang-halaga ang mga itinuturing na dakila sa sanlibutan. Kaya’t walang maaring magmalakai sa harapan nhg Diyos” (1 Corinto 1:26-29)

 

Wow! Iyan ba ay naglalarawan sa akin! Mahinang bagay! Hangal na bagay! Hamak na bagay! Mababang-uring bagay! Isang bagay na hindi maharlika, hindi makisig, hindi malakas! Anong kabaliwan na isipin na ang Diyos ay gagamit ng ganyang nilikha! Gayunman iyon ay kanyang dalisay na layunin at ang pinakadakilang misteryo sa sanlibutan. Tayo ay tinawag ng Diyos sa ating mga kahinaan, kahit na alam niya mali nating magagawa ito. Inilagay niya ang kanyang yaman na walang katapat na halaga sa ating makamundong sisidlang ito, sapagkat siya ay nalulugod sa paggawa ng di-maari sa pamamagitan ng wala.

 

Yari ang loob ng Diyos na maisakatuparan ang kanayang hangarin, dito sa sanlibutan, sa pamamagitan ng mga taong may mga kahinaan. Si Abraham ay may kahinaan: siya ay nagsinungaling, at halos nagawa niya na ang kanyang asawa ay makiapid, ngunit si Abraham “nanalig sa Diyos si Abraham. Dahil dito, siya’y pinawalang sala ng Diyos” (Roma 4:3)