Habang nabasa natin sa Daniel 3:15-16, ang tatlong Hebreong lalaki na dinala sa naglalagablab na pugon na ang kanilang katawan ay patay na sa mundo. Nagawa nilang iaalay ang kanilang mga katawan ng may kagalakan, bilang buhay na sakripisyo. At tunay na sinagip sila sa kanilang paghihirap!
Ano sa palagay mo ang sinabi nila kay Hesus nang magpakita siya sa naglalagablab na pugon? “Salamat hindi mo hinayaang maramdaman namin ang kirot. Salamat sa pagbibigay nang isa pang pagkakataon—sa ilan pang mga taon!”
Hindi—hindi kailanman! Naniniwala akong yaon ang kanilang binigkas, “Panginoon, isama mo kami! Huwag mo kaming iwan dito. Nadama naming ang lubos na kagalakan, ang kaluwalhatian—at ayaw na naming bumalik! Akayin mo kami pauwi nang makapiling ka namin.” Higit pa nilang pinili na makasama siya! Alam ni Hesus ang ganitong uri ng puso—at sa ganitong uri niya ipinagkaloob ang sarili niya.
Nagawa mo na bang sabihin, “Panginoon akayin mo ako pauwi”? Marahil hindi mo pa natutunan na ipagkaloob ang iyong katawan, ang iyong negosyo, ang iyong buhay may asawa, ang iyong kagipitan sa kamay ng Diyos. Oo, kailangan tayong palagiang manalangin ng may pananampalataya, nananalig na sasagot ang Diyos; gayunman kailangan tayong lubos na magtiwala sa kanya sa ating kalagayan, sasabihin ng ating puso, “Kahit hindi Panginoon—patuloy pa rin akong magtitiwala sa iyo!”
“Panginoon, nagawa mo akong sagipin dito sa naglalagablab na pugon. Ngunit kung hindi, ako’y patuloy na mananalig! Kahit na pagdaanan ko ang nakapanghihilakbot na pagsubok na ito—kung kailangang harapin ko pa ang maraming paghihirap, maraming pagsubok—ipinagkakaloob ko ang lahat sa iyo. Lamang ay samahan mo akong maglakad patungo dito!” Maari mo bang ipanalangin ang ganitong dasal?
Ako’y nangangako sa iyo—si Hesukristo ay dadating sa iyong kagipitan. Hahawakan niya ang iyong mga kamay at aakayin ka niya lampasan sa gitna ng apoy!
Isinaalang-alang ko ang pagdating ni Kristo sa aking kagipitan bilang pinakadakilang kasagutan sa mga panalangin, sapagkat kapag siya ay dumating, ang kanyang presensiya ang mag-aangat sa akin sa lahat ng pasakit sa akin, sa lahat ng kirot, sa lahat ng kaguluhan. Kapag dumating si Hesus sa iyong tabi, hahawakan ka niya sa iyong mga kamay at ikaw ay palalakasin niya.