“At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng para sa inyo?” (Lucas 16:12). Sinasabi ni Hesus, “Sabi ninyo nais ninyo ng pagpapahayag, bagay na magtutulot sa inyo upang makagawa ng mga dakilang bagay. Gayunman, paano kayo mapagkakatiwalaan sa ganoong uri ng pananalig, kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga bagay na ibinigay sa inyo?”
Maaring ang mga salita ni Hesus ay nakapagpakamot sa ulo ng mga disipulo. Alam ng Panginoon nila na wala silang pag-aari, mas lalong wala na galing sa ibang tao. Tinalikdan nila ang lahat upang maging mga disipulo niya. At sumunod sila sa abot ng kanilang makakaya. Kaya lamang ang mga salita niya ay mistulang hindi angkop para sa kanila.
Ano ang ibig sabihin ni Hesus nang sinabi niya, “sa kayamanan ng iba” (16:12)? Siya ay nagpapahayag tungkol sa ating mga katawan at kaluluwa, na tinubos ng kanyang dugo. “Binili niya kayo sa malaking halaga. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos” (1 Corinto 6:20).
Sinasabi sa atin ni Hesus, “Ang katawan mo ay hindi mo pag-aari, at kung hindi mo pag-iingatan ang katawang iyan—kung hindi mo ako papayagan na tingnan ang kalooban mo, harapin mo ang iyong kasalanan, at kasantuhan ka—paano mo aasahan na pagkakatiwalan kita ng mas dakilang bagay?”
Ang mga disipulo ay humiling ng dagdag na pananalig at si Hesus ay may nakahandang sagot para sa kanila: “kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang iyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, ‘Mabunot ka, at matanim sa dagat!’ at tatalima sa iyo ito” (Lucas 17:6)
Ano ang iminumungkahi ni Hesus sa larawang ito? Naniniwala ako na ang pahayag na ito patungkol sa pagbunot ng ugat sa ating mga puso. Si Hesus ay tumutukoy sa ugat ng kasalanan, sa mga nakatagong bagay na kailangang harapin natin bilang kanyang tagasunod. Sinasabi niya, “Noon nananalig ka na ang Diyos ay kayang pagalawin ang mga bundok, kailangan mong alisin ang mga ugat. At hindi mo kailangan ang dakila, apostolikong pananalig upang magawa iyon. Ang kailangan mo lamang ay munting pananalig. Hinihiling kong gawin mo ang isang bagay na madaling gawin: Bunutin mo ang mga ugat ng kasalanan. Nais kong suriin mo ang iyong puso at alisin ang lahat na hindi kanais-nais para sa akin.