Kapag sinabi ng Kasulatan na ang Banal na Espiritu ay “naninirahan” sa atin, ito ay nangangahulugan na Espiritu ng Diyos ay pumasok at nagmamay-ari ng ating mga katawan, ito ay ginawa niyang templo. At sapagkat alam ng Banal na Espiritu ang isipan at boses ng Ama, siya ang nagsasalita ng kalooban ng Diyos sa atin: “Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang sa kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipapahayag ang mga bagay na darating” (Juan 16:13) ang banal na Espiritu ay ang boses ng Diyos sa loob at sa atin!
Kung sa iyo naninirahan ang Banal na Espiritu, ay pansarili ka niyang tuturuan. Unawain ninyo na hindi lamang siya nangungusap sa mga pastor, propeta at mga guro, kundi sa lahat ng tagasunod ni Hesus. Ito ay malinaw sa Bagong Tipan, habang ang Banal na Espiritu ay nangunguna at gumagabay sa kanyang mga tao, madalas na sinasabi sa kanila, “Magtungo ka dito, magtungo ka doon…pumasok ka sa bayan, pahiran mo ng langis ang taong iyan…” Ang mga naunang mananampalataya ay pinangunahan sa bawat dako at sa lahat ng bagay ng Banal na Espiritu!
At ang Banal na Espiritu ay hindi bumigkas ng isa mang salita laban sa Kasulatan. Sa halip, ginagamit niya ang Kasulatan para mangusap ng malinaw sa atin. Hindi niya tayo binigyan ng “bagong pahayag” maliban sa Salita ng Diyos. Ibinubukas niya sa atin ang kanyang pahayag na Salita, para manguna, gumabay, at aliwin tayo, at ipakita ang mga bagay na darating.
Ako ay naniniwala na ang Diyos ay nangungusap lamang sa mga, katulad ni Moses, “ay lumapit at naninindigan sa kanya.” Ito ay nangangahulugan na tayo ay dapat na magbigay ng mahalagang panahon sa Panginoon araw-araw—naghihintay sa kanya na buksan ang ating puso upang lubos na marinig ang kanyang tinig, hindi nagmamadali sa kanyang presensiya, nananalig na ninanais niyang mangusap sa atin.