“Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos” (Lucas 17:5). Ang mga kalalakihang bumubuo ng mga malapit na nakapaligid kay Kristo ay nagtatanong ng mahalagang bagay sa kanilang Panginoon. Nais nilang higit na maunawaan ang kahulugan at gawain ng pananalig. Sinasabi nila, “Anong uri ng pananalig ang ninanais mo para sa amin? Ibigay mo sa amin ang pahayag ng uri na makakalugod sa iyo. Nais namin na mapanghawakan ang pananalig sa kabuuan ng kahulugan nito.”
Sa pang-ibabaw, ang kanilang kahilingan ay wari bang kapuri-puri. Gayunman, naniniwala ako na ang mga disipulo ay itinanong ito kay Hesus sapagkat sila ay naguguluhan. Sa nakalipas na kabanata, sila ay nilito ni Hesus, sinasabing, “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay…kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?” (16:10-11)
Alam ni Hesus na ang kalmnan ng kanyang mga tagasunod ay nais na makaiwas ang isang bagay na ipinapalagay nila na mababang sangkap ng pananalig. Kaya’t sinabi niya sa kanila, “kung ikaw ay mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay, ang pangunahing sangkap ng pananalig, ikaw ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay. Kaya’t, patunayan mo na ikaw ay mapagkakatiwalaan sa mga mahalagang kinakailangan ng pananalig. Kung hindi, paano ka pagtitiwalaan sa mga malalaking bagay?”
Kung tayo ay tapat, ating aaminin na tayo ay kahalintulad ng disipulo ni Hesus. Nais din natin na tumukoy ng tuwiran sa malaking sangkap ng pananalig, na makuha ang pananalig na makakapagpagalaw sa bundok. At, katulad ng mga disipulo, madalas nating hinuhusgahan ang pananalig sa nakikitang mga kinalabasan.
Ang tunay na pananalig, sa mata ng Diyos, ay walang kinalaman sa sukat o halaga ng gawain na nais mong magampanan. At sa halip, ito ay may kinalaman sa gitna at patutunguhan ng iyong buhay. Nakita mo, ang Diyos ay hindi nababahala sa iyong malakihang pananaw na gayon din sa kung ano ang kalalabasan mo.
Ang Diyos ay mas higit na may pagnanais na mapagwagian niya ako kaysa sa mapagwagian ko ang sanlibutan para sa kanya.