Ninanais ng Banal na Espiritu na madala ang mga tao ng Diyos pabalik sa Panginoon na may kasamang kaluguran at kagalakan. Gaano kaya ang pagdadalamhati ng langit na masaksihan ang basang kumot ng kawalan ng pag-asa at kalungkutan na bumalot sa napakaraming mga mananampalataya. Ipinahayag ng mang-aawit, “Mapalad ang bansang ito’y nangyayari, mapalad ang bayang ang Diyos ay si Yahweh” (Awit 144:15)
Sinabi ni Isias, “Malugod kayong sasalok ng tubig sa batis ng kaligtasan” (Isias 12:3)
Nang hinarap ako ng Banal na Espiritu tungkol sa paglilingkod sa kanya ng may kaluguran, nahirapan akong harapin ang kahalagahan ng usapin. Hindi ko lubos na naunawaan ang saloobin ng Diyos. Ako’y nag-isip gaano kahalaga ito kung ihahalintulad sa lahat ng nakapanlulumong suliranin ng mundo ngayon.
Ilan lamang sa mga Kristiyano ang nakakaalam sa katotohanan tungkol sa kasarinlan at makaligtas-buhay na pagpapakasakit sa Kalbaryo. Hindi nila hinayaang ang krus na palayain sila mula sa lahat ng takot at kaalipnan. Hindi tayo maaring magsaya at labis na malugod sa ating pakikipag-ugnayan sa Panginoon kung wala tayong sapat na kaalaman kung ano ang nangyari sa krus ng kalbaryo.
Hindi mo kinakailangan na maunawaan ang lahat ng simulain ng pagtatakip-sala, pagkakasundo, biyaya, paghahandog, at iba pa. Ang kailangan mo lamang malaman ay para mabuhay ng malugod sa Panginoon ito ay isang sinimulang katotohanan: ANG DIYOS AY LUBOS NA NASIYAHAN SA PAGPAPAKASAKIT NI KRISTO SA KRUS!
Iyon lamang ang kinakailangan! Ang Diyos ay kusang-nalulugod-nagpapatawad sa lahat ng nag-sisisi.
Kapag hindi nagbunyi sa kapatawaran ni Kristo ay pinagdudahan ang kabayaran ng ating mga kasalanan! Hayaang ang Espiritu ay magbigay ng pang-unawa sa katotohanang—tayo ay tinawag sa kasarinlan. Nais ng Diyos na tayo ay magkaroon ng kasaganaan ng kaluguran, kaluguran na puno at ganap. Nakahiga at nanagasa!
Ang Salita ng Diyos ay ginawa itong ganap na maliwanag na ninanais ito na ikatuwa ng kanyang mga taong-banal.
“Upang mapuspos sila ng aking kagalakan…” (Juan 17:13).
“Ang mga tinubos ni Yahweh ay babalik sa