Laging ninanais ng Diyos na ibuhos niya ng higit pa ang kanyang kaluwalhatian sa kanyang mga tao. Lagi niyang hangad na gawin para sa atin “Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maaari nating hilingin at isipin” (Efeso 3:20). Ito ang dahilan kung bakit nais niyang ang tao na may masibang gana ng higit para sa kanya. Nais niyang puspusin sila ng kanyang nakasisindak na presensiya, lampas pa sa kanilang naranasan sa buong buhay nila.
Sinabi ni Hesus, “Naparito ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay—isang buhay na ganap at kasiya-siya” (Juan 10:10). Gayunman, upang makamit ang masaganang buhay , kailangang higit na masagana nating malugod ang Panginoon. Isinulat ni Pablo, “Mga kapatid, isa pang bagay ang ipinapayo namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Hesus. Sana’y lalo pang pagbutihin ninyo ang pamumuhay ninyo ngayon—pamumuhay na ayon sa inyong natutuhan sa amin—upang kayo’y maging kalugod-lugod sa Diyos” (1Tesalonica 4:1). “Kaya nga, mga kapatid, magpakatatag kayo at huwag matitinag. Magpakasipag kayo sa gawain para sa Panginoon” (1 Corinto 15:58)
Ang salitang Griyego para sa masagana ay nangangahulugan ng “para makahigit, magpakagaling, higit-na managana—para magkaroon ng sapat at mamahagi, lampas at higit, labis na labis, labis na higt na masagana, walang sukatan.” Sinasabi ni Pablo, “Ang kaluwalhatian ng Diyos sa buhay mo ay hihigit pa sa munting sandali na nakuha mo hanggang ngayon. Ngunit ang mga panalangin mo ay nararapat na higit pa sa paghingi ng biyaya sa iyong mga pagkain.”
“Yamang tinanggap ninyong Panginoon si HesuKristo, mamuhay kayo sa paraang karapat-dapat sa kanya. Manatili kayo sa kanya at isalig sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at laging magpasalamat sa Diyos” (Colosas 2:6-7). Itinuturo sa atin ni Pablo, “para magkaroon ng masaganang buhay ng kaluwalhatian ng Diyos at presensiya, kailangan maglingkod ka sa kanya ng walang sukat—nang may pag-ibig at pakikipagkasundo higit pa sa tamad, na natutulog na utusan.”
“Binigyan niya tayo ng karunungan at kabatiran” (Efeso 1:8). Nais ng Diyos na takalan ka ng kaluwalhatian at pahayag na lampas pa sa pinagdaanang sukatan. “upang lubos nating maunawaan ang kanyang lihim na panukala na isasakatuparan sa pamamagitan ni Kristo (1:9). Sinasabi ng Panginoon, “Bubuksan ko sa inyo ang malalim na pang-unawa sa aking Salita. Nais kong bigyan kayo ng pahayag ng mga hiwaga nito.