Ang tagumpay sa mata ng Diyos ay ang lubusang ganap sa pangangaral para kanya. Ang ganitong lingkod ay hindi nagsisikap na maging tagumpay o naghahanap ng makamundong kapanatagan. Nais lamang nilang makilala ang Panginoon at mangaral para sa kanya.
Isipin ang tungkol sa isandaang propeta na itinago ni Obadiah (1 Mga Hari 18:4). Sila ay nanirahan sa isang hiwalay na pananatili sa mga yungib sa loob ng tatlo hanggang apat na taon, sa panahon ng malubhang taggutom. Ang mga kalalakihang ito ay walang panglabas na ministeryo. Sila ay lubusang wala sa paningin ng madla, nalimutan na nang mga tao. Ni hindi man lamang sila nakibahagi sa tagumpay ni Elijah sa bundok ng Karmel. Walang duda, ang sanlibutan ay tatawagin silang bigo, mga walang kabuluhang kalalakihan na walang naisakatuparan kahit ano.
Gayunman binigyan ng Diyos ang mga debotong lingkod na ito ng mahalagang handog ng panahon. Mayroon silang mga araw, mga linggo, maging mga taon upang manalangin, mag-aral, lumago at mangaral para sa Panginoon. Sila ay inihahanda ng Diyos para sa araw na sila ay pakakawalan upang mangaral sa mga tao ng Diyos. Sa katunayan, ang mga kalalakihang ito ay mag-aakay sa mga muling nagbalik-loob sa Diyos sa ilalim ng ministeryo ni Elijah.
Ilang mga taon na ang lumipas, ako ay biniyayaan ng Panginoon ng handog na panahon. Bago pa ako nangaral sa isang iglesya, ako ay nagtungo sa kagubatan upang mangaral sa mga ibon at mga puno. Wala akong layunin, walang talausapan, walang pangarap. Nais ko lamang malaman ang saloobin ng Diyos. Kayat ako’y nanalangin araw-araw, hinahanap ang Panginoon at nangaral para sa kanya. At aking minarkahan ang aking Bibliya mula umpisa hanggang sa dulo. Ako ay nakatago, hindi nakikita ninuman. Ngunit alam ng Diyos ang tirahan ko.
Ang payo ko ay, “Tigilan ang paghahanap ng ministeryo. Sa halip ay gamitin ang iyong panahon upang hanapin ang Diyos. Alam niya kung saan ka makikita. Tatawagin ka niya kapag nakita niya na ikaw ay handa na. Kalimutan kung ano ang ginagawa ng iba. Magsikap upang magtagumpay sa trono ng Diyos. Kung ikaw ay nangangaral para sa Panginoon at nanalangin para sa iba, ikaw ay ganap ng tagumpay sa kanyang mga mata!