Huwebes, Agosto 13, 2009

AKO NGA

Hiniling ko sa Banal na Espiritu na bigyan ako ng isang talataan ng paglalarawan ng pananampalataya upang ito ay maunawaan ng mga kabataan sa kinalalagyan ng Hamon Pangkabataan (Teen Challenge). Mayroon akong aklat sa aking silid aklatan na gumagamit ng mahigit sa tatlong-daang pahina para ipaliwanag ang kahulugan ng pananampalataya, at hindi ko maunawaan ito. (Sa aking palagay maging ang sumulat nito ay hindi rin niya ito naunawaan.)

 

Minsan itinanong din ni Moses ang tanong na ito: “Sino Ako?—Sino ang Diyos?—Ipaliwanag mo siya.” Sinagot ng Diyos si Moses sa dalawang salita. Sinabi ng Diyos, “Ako’y si Ako Nga. Sabihin mong sinugo ka ni Ako” (Exodo 3:14). (Ayon sa makabagong pag-iisip, labis na pinagaanan ng Diyos ang sarili niya)

 

Isipin mo si Moses na nagsasabi sa mga tao nang magtanong sila, “Sino ang nagsugo sa iyo?” na “Sinugo ako ni Ako Nga”?

 

Ako ay sino? Ano ang kailangan mo? Kaligtasan? Kung gayon Ako ang kaligtasan, Ako lamang ang iyong kailangan.

 

Pananampalataya ay ang Diyos na nagsasabi, “Ako Nga” at ang sagot ko ay, “Siya Nga.” Ang pananampalataya ay magaan na tinatanggap ang paliwanag ng Diyos tungkol sa kanya. Sinabi ng Diyos, “Ililigtas kita sa unos.” Sabi ko, “Ililigtas niya ako sa unos.”

 

Ang pananampalataya ay ang tanggapin ang Diyos kung ano ang sabi niya na Siya.

 

Ano ang unos sa buhay mo? Paano mo ito hinaharap?

 

Hingin mo sa kanya na bigyan ka ng pananampalataya upang manalig ka. Hingin mo sa kanya kahit anupaman ang mangyari—kahit ano pa ang katayuan na iyong hinaharap. Ang unos ang daan palabas.

 

Sinabi ni Pablo, “Sinasabi ko ito hindi dahil sa kayo’y hinahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan anuman ang aking kalagayan” (Filipos 4:11). Naniwala ako na sa sandaling kumapit kay Pablo ang pananampalataya, siya ay nasiyahan na. Siya ay nasa gitna ng kalooban ng Diyos at nasa kanya ang pangako ng Diyos. Nanalangin siya ng lubos. Hindi mahalaga ang anumang nangyari ng mga sandaling iyon. Inalis ng Diyos ang lupit ng unos.

 

Kaya niyang alisin ang takot ng unos maging para sa iyo. Hahayaan mo ba siya? Lampasan mo ang iyong unos—hindi hahayaan ng Diyos na ikaw ay malubog.