Habang humaharap si Pablo sa kanyang paglilitis sa hukuman sa Roma, siya ay hawak sa kalagayang nakapanghihilakbot (tingnan Filipos 1:13-14). Siya ay dalawampu’t apat na oras na binabantayan ng mga kawal ng Pretoria, ang kanyang mga paa ay nakakadena sa tig-isang kawal sa kanyang tabihan. Ang mga lalakingito ay mga luwaloy, matitigas, madalas magmura. Nakita nilang lahat, at para kanila sa kanilang uri ng gawain, bawat nakakulong na tao ay mga salaring nagkasala, kasama na si Pablo.
Isipin ang mga kaalipustaan na dinanas ni Pablo sa ganoong kalagayan. Wala siyang oras na mapag-isa, kahit na isang sandali ng kalayaan. Bawat pagdalaw ng mga kaibigan ay mahigpit na binabantayan, na maaring kinukutya ng nga bantay ang kanilang mga pinag-uusapan. Napakadali na mawala na ng tuluyan ang karangalan ng makadiyos na lalaking ito sa ganoong uri ng pakikitungo.
Isipin ito: narito ang isang lalaki na naging masipag, malugod na naglalakbay sa hindi mataong daraanan, at malawak na karagatan upang makipagkita at makipag-isa sa mga tao ng Diyos. Kinukuha ni Pablo ang lubos na kagalakan mula sa pagdalaw sa mga iglesya na kanyang itinatag sa lahat ng dako ng rehiyon ng sanlibutan. Ngunit ngayon siya ay nakakadena, tunay na nakagapos sa mga luwaloy at matitigas at pinakalapastangang lalaki na nabubuhay.
Si Pablo ay may dalawang pagpipilian sa kanyang kalagayan. Maari siyang magpaikot-ikot sa isang nakapangingilabot, maasim na disposisyon, nagtatanong ng makasariling tanong ng paulit-ulit: “Bakit ako?” Maari siyang gumapang sa balon ng kawalan ng pag-asa, mangatuwiran sa sarili sa kalagayan ng kawalan ng pag-asa, lubos na nilipol ng kaisipang, “narito ako nakagapos, ang aking ministeryo ay sarado na, habang ang iba sa labas ay nagbubunyi sa pag-ani ng kaluluwa. Bakit?”
Sa halip, pinili ni Pablo ang magtanong, “Paano makapagdadala ng kaluwalhatian kay Krsito ang aking kasalukuyang kalagayan? Paano ito magbubunga ng kabutihan mula sa aking pagsubok na ito?“ Itong lingkod ng Diyos na ito ay nakapagpasiya na sa kanyang isipan: “Hindi ko mababago ang aking kalagayan. Maari na rin akong mamatay sa katayuang ito. Gayunman, alam kong ang aking mga hakbanag ay inutos ng Panginoon. Dahil doon pararangalan ko si Kristo at upang maging patotoo sa sanlibutan habang ako ay nasa mga kadenang ito.” Ang aking pinakananais at inaasahan ay huwag akong magkulang sa aking tungkulin, kundi magkaroon ako ng lakas ng loob sa lahat ng panahon upang, sa mabuhay o sa mamatay, mabigyan ko ng karangalan si Kristo” (Filipos 1:20).
Ang saloobin ni Pablo ay naglalarawan ng nag-iisang paraan upang tayo ay makalaya mula sa ating madilim na balon ng kalungkutan at pag-aalala. Nakita mo, ito ay maaring maaksaya ang lahat ng ating kinabukasan na balisang naghihintay na mailigtas mula sa ating paghihirap. Kapag ganoon ang ating naging pagtutok, tiyak na lubusan nating di-matatamo ang himala at kagalakan ng paglaya sa ating pagsubok.
Isa-alang-alang ang pahayag ni Pablo: “Ibig kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Mabuting Balita” (Filipos 1:12). Sinasabi ni Pablo, “Huwag kayong maawa sa akin o isipin na ako ay nawalan ng pag-asa sa aking kinabukasan. At pakiusap ko na huwag sabihin na ang gawain ko ay tapos na. Oo, ako’y nakakadena at naghihirap, ngunit ang ebanghelyo ay naipangangaral sa pamamagitan ng lahat ng ito.”