Martes, Mayo 20, 2008

LANGIT

“Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo” (1 Corinto 15:57). Maraming mananampalataya ang bumabanggit sa bersikulong ito araw-araw, ginagamit sa kanilang mga pagsubok at mga pagtitiis. Gayunman ang kahulugan na kung saan winiwika ito ni Pablo ay nagpapahiwatig ng mas malalim na kahulugan. Sa pinagdaanang dalawang bersikulo, ipinahayag ni Pablo, “Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay! Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?” (15:54-55).

Si Pablo ay mabisang nagsasalita tungkol sa kanyang pagkasabik sa langit, “Talos natin na kapag nasira ang toldang tinatahanan natin ngayon, ang ating katawang-lupa, tayo’y may tahanan sa langit, hindi nasisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, hindi ng tao. Dumaraing nga tayo sa tirahan nating ito at labis nating pinanabikan ang tahanang panglangit” (2 Corinto 5: 1-2, aking italika).

At idinagdag ng apostol, “Malakas nga ang loob kong iwan ang katawang ito na aking tinatahanan upang mahirahan sa piling ng Panginoon” (5:8).

Ayon kay Pablo, langit—ang maging nasa presensiya ng Panginoon ng walang-hanggan—ay isang bagay na dapat nating hangarin ng buong puso.

Habang iniisip ko ang mga bagay na ito, isang maluwalhating larawan ang nagsimulang lumitaw. Una, Naisip ko ang paglalarawan ni Hesus ng malaking pagtitipon, nang ang mga anghel “susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na panig ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang, mula sa lahat ng dako” (Mateo 24:31). Kapag ang lahat ng mga hinirang na ito ay napagsama-sama, nakita ko ang isang larawan ng isang dakilang paglalakad na nagaganap sa langit ng may milyun-milyong maluluwalhating mga bata na umaawit ng hosana sa Panginoon, na katulad ng ginawa minsan ng mga bata sa templo.

At pagkatapos ay magsisidatingan ang mga martir. Yaong mga minsang dumadaing ng katarungan sa sanlibutan ay tumatangis ngayon ng, “Banal, banal, banal!” Ang lahat ay magsasayawan ng may kagalakan, tumatangis, “tagumpay, tagumpay kay Hesus!”

Pagkatapos ay may napakalakas na sigaw ang darating, tunog na hindi pa narinig kailanman. Ito ang iglesiya ni Hesu-Kristo na kasama ang mga hinihirang mula sa lahat ng bansa at mga lipi.

Maaring ang lahat na ito ay hindi kapani-paniwala sa iyong pandinig, ngunit si Pablo mismo ang sumaksi tungkol dito. Nang ang matapat na apostol ay nakarating ng langit, “nakarinig siya roon ng mga bagay na di kayang ilarawan ng salita at di dapat bigkasin ninuman” (Corinto 12:4). Sinabi ni Pablo na siya ay sumuray sa kanyang narinig doon. Naniniwala ako na ito mismo ang tunog na narinig niya. Binigyan siya ng halimbawa ng mga awitan at papuri sa Diyos ng mga nalulugod sa kanyang presensiya, ang kanilang mga katawan ay muling ginawang buo, ang kanilang espiritu ay pinuno ng kagalakan at kapayapaan. Isa itong tunog na lubos na maluwalhati na naririnig ni Pablo ngunit hindi niya ito maulit.