Alam ni Hesus na kailangan ng mga disipulo ang kapayapaan na magdadala sa kanila sa lahat kalagayan. Sinabi niya sa kanyang mga disipulo, “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo” Ito’y isang di-kapani-paniwalang pangako: Ang kapayapaan ni Kristo ang kanilang magiging kapayapaan.
Ang labindalawang mga lalaking ito ay namangha sa kapayapaan na nasaksihan nila kay Hesus sa mga nakalipas na tatlong taon. Ang kanilang Panginoon ay hindi kailanman natakot. Siya ay palaging mahinahon, hindi kailanman naguluhan kahit na sa anong kalagayan.
Alam natin na si Kristo ay may kakayahang magalit na espirituwal. May panahong siya ay pinukaw, at alam niya ang tumangis. Ngunit dinala niya ang buhay niya sa sanlibutan bilang isang lalaki ng kapayapaan. Mayroon siyang kapayapaan kasama ang Ama, kapayapaan sa mukha ng tukso, kapayapaan sa panahon ng pagtanggi at panunuya. May kapayapaan siya maging sa panahon ng bagyo sa dagat, natutulog sa sahig ng bangka habang ang iba ay nangangatog sa takot.
Nasaksihan ng mga disipulo si Hesus na hinihila siya papunta sa mataas na tuktok ng galit na taong-bayan nakahandang patayin siya. Gayunman siya ay mahinahong naglakad palayo sa tagpong iyon, hindi nagalaw at puno ng kapayapaan. Ang lahat ng ito ay nagdulot ng talakayan sa gitna ng mga disipulo: “Paano siya nakakatulog sa gitna ng bagyo? At paano siya naging mahinahon habang ang taong-bayan ay malapit na siyang ihulog sa bangin? Tinuya siya ng mga tao, ininsulto siya, nilaslas siya, ngunit hindi siya lumaban. Walang anuman ang gumambala sa kanya.
Ngayon ipinangako ni Hesus sa mga lalaking ito ang katulad na kapayapaan. Nang marinig nila ito, nagkatinginan ang mga disipulo na puno ng pagtataka: “Ang ibig mong sabihin, magkakaroon kami ng katulad na kapayapaan na mayroon siya? Ito ay di-kapani-paniwala.
Idinagdag ni Hesus, “Hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan” (Juan 14:27). Hindi ito ang magiging tinatawag na kapayapaan ng mga manhid, mga itinapong lipunan. O ito ang magiging pansamantalang kapayapaan ng mga mayayaman at mga bantog, na sumusubok bumili ng kapayapaan sa pamamagitan ng materyal na bagay. Hindi, ito ang kawangis ng kapayapaan ni Kristo mismo, isang kapayapaan na hindi abot ng isip ng pang-unawa ng tao.
Noong ipinangako ni Hesus ang kanyang kapayapaan sa mga disipulo, ito ay parang sinasabi niya sa kanila at sa atin ngayon: “Alam ko na hindi ninyo nauunawan ang panahon na kinakaharap ninyo. Hindi ninyo nauunawaan ang Krus at ang pagdurusa na aking kinakaharap. Ngunit nais kong dalhin ang inyong mga puso sa isang kalagayan ng kapayapaan. Hindi ninyo kakayanin harapin ang mga padating na wala ang aking matatag na kapayapaan sa inyo. Kinakailangan ninyo ang aking kapayapaan.”