Martes, Mayo 13, 2008

MAGALAK SA PANGINOON

“Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko: magalak kayo” (Filipos 4:4). Ito ang pagtatapos na pananalita ni Pablo sa mga taga Filipos. Hindi niya sinasabi, “Ako’y nasa piitan at ang mga kadenang ito ay mga pagpapala. Maligaya ako sa mga kirot na ito.” Naniniwala ako na si Pablo ay araw-araw na nananalangin para sa kanyang paglaya at sa ibang pagkakataon ay dumadaing ng lakas na makayanan niya ito. Maging si Hesus sa sandali ng kanyang pagsubok at kirot, dumaing sa Ama, “Bakit mo ako pinabayaan?” Iyan ang una nating simbuyo sa ating mga kagipitan, ang dumaing, “Bakit?” At ang Panginoon ay matiisin sa daing na iyan.

Ngunit ang Diyos ay naghanda upang ang ating mga “paano kung” at “bakit” ay matugunan ng kanyang Salita. Isinulat ni Pablo, “Sapagkat hangad nilang pasakitan ako samantalang nakabilanggo…Ang mahalaga’y naipangangaral si Kristo kahit sa anong paraan, tapat man o hindi ang hangarin ng nangangaral” (Filipos 1:17-18). Sinasabi niya sa atin, sa ibang salita, “Ako ay nakatitiyak na ang Salita ng Diyos ay mapatututnayan sa aking pagtugon sa aking mga kagipitan. Itinalaga ko ang aking isipan na hindi ko ikahihiya ang ebanghelyo o gawin itong magmukha na parang walang kapangyarihan.

“Ang katotohanan ay, si Kristo ay ipinangangaral sa pamamagitan ng aking mahinahong pagmumukha, sa aking kapahingahan sa gitna ng lahat ng ito. Ang lahat ng nakakakita sa akin ay alam na ang ebanghelyo na ipinangangaral ko ang nagdadala sa akin sa lahat ng mga kagipitang ito. Pinatunayan nito na ang Panginoon ay kayang dalhin kahit sino sa anumang kalagayan, anumag sunog, o baha, at ang kanyang ebanghelyo ay ipangangaral sa pamamagitan ng karanasan.

Narito ang mensahe na narinig ko sa pamamagitan ni Pablo at Abram: Hindi natin kailangan gumawa ng kadakilaan para sa Panginoon. Kailangan lamang natin na manalig sa kanya. Ang ating gagampanan ay ilagay ang ating buhay sa kamay ng Diyos at manalig na kakalingain niya tayo. Kung gagawin natin ito, ang kanyang ebanghelyo ay naipangaral, anuman ang ating katatayuan. At si Kristo ay ipahahayag sa atin lalo na sa ating mga mahigpit na katayuan.

Si Sam na isang nakatatanda sa aming iglesya ay minsan nagsabi sa akin, “Pastor David, ang paraan ng iyong pagharap sa mga kagipitan ay isang patotoo sa akin.” Ang hindi naisip ni Sam ay ang kanyang buhay ay isang aral para sa akin. Siya ay natutulog na may talamak na kirot na nagbibigay ng kaunting oras na tulog lamang bawat gabi. Sa kabila ng pirmihang kirot, nagngangalit na kirot, ang kanyang panata sa Panginoon ay isang patotoo sa aming lahat. Ang kanyang buhay ay ipinangangaral si Kristo na kasing kapangyarihan ng anumang mga pangaral ni Pablo.

Kaya’t, si Kristo ba’y ipinangangaral sa iyong pangkasalukuyang pagsubok? Ang iyo bang mag-anak ay nakikita ang ebanghelyo na kumikilos sa iyo? O takot at sindak lamang, kawalan ng pag-asa at pagtatanong sa katapatan ng Diyos? Paano mo tinutugunan ang iyong kagipitan?