Martes, Mayo 27, 2008

ANG MINISTERYO NG KASARIWAAN

Sa Gawa 27, si Pablo ay nasa isang sasakyang-pandagat na patungong Roma nang ang sasakyang-pandagat ay huminto sa Sidon. Si Pablo ay humingi ng pahintulot sa namumunong senturyon upang dumalaw sa ilang mga kaibigan sa lunsod, at “ Si Julio’y nagmagandang-loob kay Pablo; pinahintulutan siyang makadalaw sa kanyang mga kaibigan upang matulungan ng mga ito” (Gawa 27:3). Narito gayunman ang isang pagkakataon na ang Diyos ay gumamit ng mananampalataya upang aliwin ang ibang mananampalataya.

Nakita din natin ito sa 2 Timoteo, na kung saan sumulat nang tungkol sa isang mananampalataya: “Pagpalain nawa ng Diyos ang sambahayan ni Onesiforo; maraming pagkakataon ako’y kanyang inaliw. Hindi niya ako ikinahiya, kahit ako’y isang bilanggo. Katunayan, pagdating niya sa Roma, pilit niya akong hinahanap hanggang sa ako’y kanyang matagpuan…Alam na alam mo kung paano niya ako pinaglingkuran sa Efeso” (2 Timoteo 1:16-18).

Si Onesiforo ay isa sa mga espirituwal niyang anak at malalim ang pag-ibig kay Pablo at puspusan na kanyang hinanap sa kanyang pagdurusa. Minsan, nang makulong si Pablo, si Onesiforo ay naghanap sa buong lunsod hanggang sa makita siya. Ang kanyang motibasyon ay, “Ang aking kapatiran ay nagdurusa. Nagdusa siya sa sindak na dulot ng pagkabagbag sa barko, at ngayon siya ay pinagsasampal ni Satanas. Kailangang aliwin ko siya.

Ang minsteryo ng kasariwaan ay malinaw na isinasama ang lahat ng mga nasa kagipitan. Marami tayong naririnig na pag-uusap tungkol sa kapangyarihan sa iglesya sa mga panahong ito: kapangyarihan makapagpagaling ng may sakit, kapangyarihan na maakit ang mga nawawala, kapangyarihan upang mapangibabawan ang kasalanan. Ngunit sinasabi ko na mayroong makapangyarihang magpagaling na dumadaloy sa isang inaliw at nanariwang tao. Pagkalumbay, ang pagdurusa ng isipan o naguguluhang espiritu ay maaring magdulot ng lahat ng uri ng sakit, ngunit ang espiritung sariwa at nahikayat—isa na nakadama ng pagtanggap, pag-ibig at pangangailangan sa kanya—ay ang nakapagpapagaling na pamahid na higit na kinakailangan.

Nakita din natin ang ministeryo ng kasariwaan sa Lumang Tipan. Nang si David ay tinutugis ni Haring Saul, siya ay lubos na pagod at nanakit ang katawan, pilit na tumatakbo araw at gabi. Sa mga panahong iyon, ang pakiramdam niya ay siya ay iwinaksi ng mga pinuno ng Diyos. Pagkatapos, sa isang malubhang sandali, ang kaibigan niyang si Jonatan ay pumunta s kanya: “Pinuntahan siya ni Jonatan at pinalakas ang kanyang loob sa pangalan ni Yahweh. Sinabi nito, ‘David, huwag kang matakot at hindi ka mapapatay ng aking ama. Ikaw ang magiging hari ng Israel, magiging pangalawa mo naman ako; alam na ito ng aking ama” (1 Samuel 23: 16-17).

Iyon lamang ang kailangan ni David na marinig at madalian ang kanyang espiritu ay nanariwa at nagpatuloy. Nakikita natin ang ganitong halimbawa sa maraming pagkakataon sa Kasulatan: Ang Diyos ay hindi nagpapadala ng anghel o ng bisyon, ngunit ng isang kapwa mananampalataya para aliwin ang kanyang mga minamahal.