Ano ang masasabi ng pulutong ng mga saksi mula sa Hebreo 12:1 para sa iyo at sa akin? Ano ang sinasabi ng Kasulatan sa atin na ang kanilang mensahe sa mga kapwa nangibabaw sa katawan ni Kristo? Ito lamang, “Ang mata ng Panginoo’y nakatuon sa matuwid, panalangin nila’y malugod na agad dinirinig” (1 Peter 3:12).
Hindi ako naniniwala na ang napakaraming mga makalangit na saksi ay magsasalita sa atin tungkol sa mga magulong teolohiya o mga paniniwala. Naniniwala ako na magsasalita sila sa kaalwanan ng katotohanan:
· Ang may akda ng Hebreo ay sumaksi sa atin na dapat nating ituon ang tingin kay Hesus, ang may akda at tumapos ng ating pananalig. Dapat nating ipagpatuloy ang pangangaral ng tagumpay sa krus, nakayanan ang mga bintang ng mga makasalanan laban sa atin at iwaksi ang ating mga batbat na kasalanan, tumakbo ng may tiyaga sa karera na itinakda para sa atin (tingnan ang Hebreo 12:1-2).
· Sumaksi si Haring David sa atin na maari nating pagtiwalaan ang kapatawaran ng Panginoon sa atin, at hindi niya aalisin ang Banal na Espiritu sa atin. Si David ay nakapatay at isang mangangalunya at isang sinungaling. Ngunit siya ay nagsisi at ang Ama ay di siya pinayagan na mawala sapagkat itinuon niya ang ang kanyang puso kay David.
· Sumaksi si Pedro sa atin na siya ay nagkasala laban sa pinakamagaan na maaring makamit ng tao. Ang disipulong ito ay naglakad sa presensiya ni Hesus; nahipo niya ang Panginoon at tinanggap niya ang tawag mismo ni Kristo. Ang taong ito ay maaring namuhay sa pagkakasala at sa sumpa, ngunit itinuon ng Diyos ang puso niya sa kanya.
· Sinabi ni Pablo sa atin na huwag katakutan ang ating mga paghihirap. Si Hesus ay nagdusa sa araw-araw ng kanyang ministeryo, at siya ay namatay sa pagdurusa. Ang nang tinawag ni Kristo si Pablo na mangaral ng ebanghelyo, ipinakita niya kung gaano kadami ang mga paghihirap na naghihintay sa kanya.
Sa lahat ng mga taon ng kanyang ministeryo, ang katunayan ay nagdusa si Pablo. Gayunman ang pagdurusa ay nagpatunay na ang Diyos ay itinuon ang kanyang puso sa iyo. “Para hindi manlupaypay ang sinuman sa inyo dahil sa mga pag-uusig,. Alam naman ninyong ang mga pag-uusig ay bahagi ng kalooban ng Diyos” (1 Tesalonica 3:3).
Nakita rin natin ang mga saksi ni Job: “Sino ang tao, upang dakilain mo siya? At dapat na ituon mo ang puso mo sa kanya? At dapat mong dalawin siya tuwing umaga, at subukin siya sa bawat sandali?” (Job 17-18,ang aking italika).
Kapag itinuon ng Diyos ang puso niya sa iyo, ikaw ay madalas na susubukin. Ngunit ang katotohanan ay, habang tumatagal at bumibigat ang iyong pagdurusa, ay lalong mas malalim ang pagtuon ng puso ng Diyos sa iyo, upang ipakita niya sa iyo ang kanyang pag-ibig at pagkalinga. Iyan ang saksi ng buhay ni Pablo at ng buhay ni Hesus. Maaring dumating ang kalaban laban sa iyo, ngunit ang Diyos ay nagtayo ng pamantayan laban sa kanya. Nakita natin ang lubusang kapahingahan kay Hesus.