Mayrooon akong isang bagay na kinatatakutan ng higit pa sa lahat at iyon ay kapag ako’y unti-unting itinutulak palayo kay Kristo. Ako ay nanginginig sa paniwala na baka ako ay maging tamad, pabaya sa espirituwal, abutan sa hindi pananalangin, at dadaan ang mga araw na hindi magbubulay ng Salita ng Diyos. Sa aking mga paglalakbay sa buong sanlibutan nasaksihan ko ang isang “espirituwal na dambuhalang alon” ng maladimonyong pagkaanod. Ang pangkalahatang mga denominasyon ay inanod ng dambuhalang alon na ito, iniwan sa kanilang kamalayan ang giba-gibang pagwawalang-bahala, Ang Bibliya ay malinaw na nagbabala na di-maaari para sa mga debotong mananampalataya na maitulak palayo kay Kristo
Ang isang Kristiyano na ang hanap lamang ay “kapayapaan at kaligtasan kahit sa anong paraan” at mistulang nakakapit lamang sa kaligtasan ay magbabayad ng malaking espirituwal na halaga. Kaya’t, paano natin mababantayan ang paglayo kay Kristo at pagbabale-wala sa “isang dakilang kaligtasan?” Sinabi sa atin ni Pablo paano, “Kaya nga, dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin upang hindi tayo maligaw” (Hebreo 2:1).
Ang Diyos ay hindi nababahala sa ating “pagiging mabilis magbasa” ng kanyang Salita. Ang magbasa ng maraming kabanata sa isang araw o subuking basahin ng mabilisan ang Bibliya ay maaring magbigay sa atin ng magandang nadarama ng kahusayan. Ngunit ang mas mahalaga ay ating “narinig” ang ating nabasa, ng ating espirituwal na pandinig, pinag-nilay-nilay ito upang ito’y “marinig” ng ating mga puso.
Ang manatiling matatag sa Salita ng Diyos ay hindi isang maliit na bagay para kay Pablo. May pag-ibig na siya ay nagbabala, “Kaya nga, dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin upang hindi tayo maligaw” (Hebreo 2:1). Sinabi rin niya, “Tiyakin ninyong mabuti kung kayo’y namumuhay ayon sa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo nadaramang sumasainyo si Kristo-Hesus? Maliban na lang kung kayo’y mga itinakwil” (2 Corinto 13:5).
Hindi ipinahiwatig ni Pablo sa mga mananampalatayang ito na sila ay mga itinakwil. Sa halip, hinihikayat niya sila, “Bilang umiibig kay Kristo, subukin ninyo ang inyong sarili. Tuusin ninyo ang inyong espirituwal na kalagayan kung kayo’y namumuhay ayon sa pananampalataya. Sapat ang inyong kaalaman tungkol sa inyong paglalakad kasama si Hesus para malaman na kayo ay iniibig niya, na hindi niya kayo tinatalikuran, na kayo ay tinubos. Ngunit tanungin ninyo ang inyong sarili: Kumusta ang inyong pakikipag-isa kay Kristo? Binabantayan ninyo ba ito ng may lubusang pagsisikap? Kayo ba ay sumasandal sa kanya sa inyong mga kagipitan?”
Maaring naisakatuparan mo, “Nakita ko ang munti kong paglayo sa aking buhay, may hilig na maaring maidlip. Alam ko na unti-unting nababawasan ang aking pananalangin. Ang aking paglalakad kasama ang Panginoon ay hindi katulad ng nararapat.” “Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Kristo, kung mananatili tayong matatag hanggang wakas sa ating pananalig sa kanya” (Hebreo 3:14).