Huwebes, Mayo 8, 2008

MAGPAKATATAG AT HUWAG MATITINAG

Natutunan natin sa Isaias 49 na alam ng Panginoon ang ating pakikipaglaban. Napaglabanan na niya ito bago pa sa iyo. At hindi kasalanan na manatili sa isipan na ang iyong pagsisikap ay nabigo, o mawalan ng pag-asa na may pakiramdam ng pagkabigo sa kanyang mga durug-durog na inaasahan. Maging si Hesus ay naranasan ito at hindi nagkasala.

Ito ay mapanganib, gayunman, na hayaang ang mala-impiyernong mga kasinungalingang ito ay palalain at pag-alabin ang iyong kaluluwa. Ipinakita ni Hesus sa atin ang daan palabas sa ganitong panlulupaypay sa pahayag na ito: “Ako ay nabigo sa aking pagisikap…Gayunma’y itinitiwala ko kay Yahweh ang aking kalagayan, na ako’y gagantimpalaan sa aking nakayanan” (Isaias 49:4). Ang salitang Hebreo dito ng paghuhusga ay “pasiya,” sinasabi ni Kristo, na may kakanyahan, “Ang huling pasiya ay nasa aking Ama. Siya lamang ang maaring humusga sa lahat ng ginawa ko at kung gaano ako naging kabisa.

Tayo ay hinihikayat ng Diyos sa pamamagitan ng bersikulong ito: “Ihinto ang pagpapasiya ng iyong gawain para sa akin. Wala kang karapatan na husgahan kung gaano ka naging kahusay. At wala kang karapatan na tawagin mo ang iyong sarili na isang bigo. Hindi mo pa alam kung anong uri ng impluho ka mayroon. Wala ka nga lamang imahinasyon upang alamin ang mga pagpapala na padating sa iyo.” Sa katunayan, hindi natin malalaman ang ganyang maraming bagay hanggang sa tayo ay tumayo sa harapan niya sa walang hanggan.

Sa Iasias 49, narinig ni Hesus ang Ama na sinabi sa maraming salita: “Bago pa ako ipanganak ay hinirang na ni Yahweh, pinili niya ako para maging lingkod niya upang tipunin ang nangalat na mga Israelita, at sila’y ibalik sa bayang Israel. Binigyan ako ni Yahweh ng karangalan, sa kanya nagbubuhat ang aking karangalan. Sinabi ni Yahweh sa akin: ‘Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipagagawa sa iyo. Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi ay gagawin kitang tanglaw ng mga bansa upang lahat sa daigdig ay maligtas” (tingnan Isaias 49:5-6).

Habang ang dimonyo ay nagsisinungaling sa iyo, sinasabi na ang lahat ng iyong ginawa ay nabigo, na hindi mo na makikita ang iyong mga inaasahan na makamit, ang Diyos sa kanyang kaluwalhatian ay naghahanda ng mas dakilang pagpapala. Mas marami siyang inihahanda, higit pa sa iyong maaring isipin o hilingin.

Hindi na tayo dapat makinig sa mga kasinungalingan ng kaaway. Sa halip, tayo ay mamahinga sa Banal na Espiritu, manalig sa kanya na gampanan niya ang gawain na tayo ay gawing kawangis ni Kristo. At tayo ay tatayo mula sa ating kabiguan at manindigan sa salitang ito: “Magpakatatag kayo, at huwag matitinag. Magpakasipag kayo sa gawain para sa Panginoon yamang alam ninyong di nasasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya” (1 Corinto 15:58).