Ang propetang si Isaias ay nagpahayag ng mangyayari kapag ang Banal na Espiritu ay ibinuhos sa mga tao. Hinulaan ni Isaias, “Ngunit minsan pang ibubuhos sa atin ang Espiritu. Kung magkagayon, ang ilang ay magiging matabang lupa at ang bukirin ay pag-aanihan nang sagana” (Isaias 32:15).
Sinasabi ni Isaias, “Kapag ibinuhos ang Banal na Espiritu, ang minsang tuyot na ilang ay mgiging masaganang bukirin. Ang tagpi-tagping patay na lupa kaginsa-ginsay mag-uumapaw sa bunga. At ito ay hindi minsanang pag-aani lamang. Ang bukirin ng prutas ay tutubo sa kagubatan. At makakakuha ka ng pinutol na sanga mula sa kagubatang ito taon-taon, at magbuo ng pamumunga tuluy-tuloy.”
Idinagdag ni Isaias, “Ang katuwiran at katarunga’y maghahari sa lupain” (32:16). Ayon sa propeta, ang Banal na Espiritu ay nagdala rin ng pahayag ng paghuhusga laban sa kasalanan. At ang mensaheng iyan ay magbubunga ng katuwiran sa mga tao.
Si Isaias ay hindi nagsasabi ng minsanang pagbuhos ng Espiritu, na iniisip ng ibang tao na “pagmumuling-buhay.” Inilalarawan ni Isaias ang isang bagay na nananatili. Ang pag-aaral ng mga Kristiyanong sosyolohiyo ay nagpapakita na ang maraming kapanahunang pagmumuling-buhay ay tumatagal lamang ng limang taon, at iniiwan sa kanilang daanan ang labis na pagkalito at paghihidwaan. Alam ko ang ilang mga iglesya na kung saan ay nangyari ang pagmumuling-buhay, ngunit ngayon, sa loob ilang taon lamang, wala nang bakas ng Espiritu ang natitira. Ang mga iglesyang iyon ay mga patay na, tuyo, walang-laman. Bahay na naglalaman ng isang libo ay mga hungkag na puntod na ngayon, na may limampung dumadalo na lamang.
Ipinapagtuloy ni Isaias: “Pagkat pawang katuwiran ang gagawin ng bawat isa kaya iiral ang katahimikan at kapanatagan magpakailanman. Ang bayan ng Diyos ay malayo sa kabalisahan at namumuhay ng tiwasay” (Isaias 32:17-18).
Ang kapayapaan ay darating sapagkat ang katuwiran ay umiiral. Ang Banal na Espiritu ay abala sa pagwawalis ng lahat ng kaguluhan at kaparusahan. Ang sumunod ay kapayapaan ng isip, kapayapaan sa tahanan, at kapayapaan sa tahanan ng Diyos. At kapag ang mga tao ng Diyos ay may kapayapaan ni Kristo, hindi sila basta nagagalaw mula dito: “Ngunit sa kagubatan ay uulan ng yelo at ang lunsod ay mawawasak. Magiging maligaya ang lahat dahil sa saganang tubig para sa pananim at malawak na pastulan ng mga kawan” (32:19_20).
Ang hula ni Isaias tungkol sa Banal na Espiritu ay nakaturo sa Israel sa panahon ng paghahari ni Uzziah. Gayunman ito ay nagpapatungkol din sa mga tao ng Diyos ngayon. Ito ay alam na dalawahang hula. Ang katunayan ay, ang bawat salinlahi ay nangangailangan ng pagbuhos ng Banal na Espiritu. At naniniwala ako na ang iglesya ngayon ay hindi pa nakakita ng anumang bagay na maaring ihambing sa mga nagampanan na nang Banal na Espiritu.