Biyernes, Mayo 9, 2008

NABIGO ANG AKING PAGSISIKAP

Mabibigo ka ba na malaman mo na si Hesus ay nakaranas ng pakiramdam nang wala halos siyang nagawa?

Sa Isaias 49:4 nabasa natin ang mga salitang ito: Ako ay nabigo sa aking pagsisikap, hindi nagtagumpay…” Itala na ang mga ito ay hindi mga salita ni Isaias, na tinawag ng Diyos na may gulang nang edad. Hindi, ang mga ito mga sariling salita ni Kristo, winika ng Isa “Pinili na ako ni Yahweh bago pa isinilang…bago pa ako ipinanganak ay hinirang na ni Yahweh, pinili niya ako para maging lingkod niya upang ibalik ang mga Israelita at sila’y ibalik sa bayang Israel (at tipunin ang mga nangalat na Israelita)” (49: 1,5).

Nang mabasa ko ang talatang ito, isa na maraming ulit ko nang nabasa, ang aking puso ay nagtataka. Hindi ko halos mapaniwalaan ang aking binabasa. Ang salita dito ni Hesus tungkol sa “pagsisikap na bigo” ay isang tugon sa Ama na kapapahayag lamang, “Ikaw ay lingkod ko…sa pamamagitan mo Ako’y dadakilain ng mga tao” (49:3). Nabasa natin ang nakabibiglang tugon ni Kristo sa sumunod na bersikulo: “Ako ay nabigo sa aking pagsisikap, hindi nagtagumpay” (49:4).

Pagkatapos basahin ito, ako’y tumayo sa aking silid-aralan at nagwika, “Kamangha-mangha. Hindi ko halos mapaniwalan na si Kristo ay ganito kabulnerable, nangungumpisal sa Ama na siya ay dumadanas ng kung ano ang ating kinakaharap. Sa kanyang pagkatao, natikman ang katulad na pagkasira ng loob, katulad na panlulupaypay, katulad na pagkasugat. Nagkaroon siya ng katulad na isipin na mayroon ako tungkol sa aking buhay: ‘Hindi ito ang aking nadama na ipinangako. Sinayang ko ang aking lakas. Ang lahat ay nauwi sa kabiguan.

Ang mabasa ang mga salitang iyon ay binigyan ako ng dahilan upang lalo kong inibig si Hesus. Naisip ko na ang Hebreo 4:15 ay hindi isang salitang pauli-ulit lamang: ang ating Tagapagligtas ay tunay na hinipo ng damdamin ng ating mga kahinaan, at natukso ng tulad natin sa maraming pagkakataon, ngunit ng walang kasalanan. Alam na niya itong katulad na panunukso mula kay Satanas, narinig ang katulad na nagbibintang na tinig: “ang iyong gawain ay hindi naisakatuparan. Ang iyong buhay ay isang bigo. Wala kang maaring ipakita mula sa iyong mga pagsisikap.”

Naparito si Kristo sa sanlibutan upang gampanan ang kalooban ng Diyos na muling maibalik ang bansang Israel. At ginawa niya ayon sa utos sa kanya. Ngunit siya ay tinanggihan ng Israel: “Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan” (Juan 1:11).

Bakit magsasalita si Hesus, o sino mang lalaki o babae ng mga mga kabiguang pananalita katulad ng: “Nabigo ang pagsisikap ko?” Paanong ang Anak ng Diyos ay magsasalita ng ganitong pahayag? Ang lahat ng ito ay bunga ng pagsusukat ng mga munting bunga laban sa matayog na mga inaasahan

Maari mong isipin, “Ang pahayag na ito ay may himig na parang ipinatutungkol sa mga mangangaral lamang, o sa mga tinawag upang gumanap sa mga dakilang gawain para sa Diyos. Nakikita ko ito na nakalaan sa mga misyonaryo o sa mga propeta ng Bibliya. Ngunit ano ang kinalaman nito sa akin?” Ang katotohanan ay, tinawag tayong lahat para sa isang dakila, isang layunin, at sa isang ministeryo: at ito ay, ang maging kawangis ni Kristo. Tinawag tayo upang lumago sa pagiging kawangis niya, upang pagbaguhin patungo sa kanyang malinaw na larawan.