Sabado, Mayo 3, 2008

ANG TAGAPAGLIGTAS

Si Apostol Pablo ay nagsasabi sa atin na, “Hindi pinatawad ng Diyos ang mga anghel na nagkasala…ginunaw ng Diyos ang daigdig sa pamamamagitan ng baha. Wala siyang iniligtas maliban kay Noe…sinumpa at tinupok ng Diyos ang mga lunsod ng Sodom at Gomorra, upang ipakita sa masasama ang kanilang kasasapitan. Ngunit iniligtas ng Diyos ang mabuting si Lot na labis na nababahala sa kahalayang ginagawa ng masasama” (2 Pedro 2:4-7).

Sa kabila ng malupit na mga halimbawa, ang Diyos ay nagpadala ng malinaw na mensahe ng kaginhawahan sa kanyang mga tao, parang sinasabi, “Binigyan ko kayo ng dalawa sa pinakamalaking halimbawa ng aking kahabagan. Kung, sa gitna ng baha na sasalikop sa daigdig, ay maililigtas ko ang isang matuwid na tao at ang kanyang mag-anak palabas ng pagkapuksa… kung ganon hindi ko ba kayo kayang iligtas? Hindi ko ba kayang magbigay daan sa isang mahimalang pagtakas?

“Kung kaya kong magpadala ng paghuhusga ng pagkatupok na sasalikop sa kabuuan ng lunsod sa bawat pagkakataon, gayunman kaya kong magpadala ng anghel sa gitna ng kaguluhan upang iligtas si Lot at ang kanyang mga anak na babae…kung ganon hindi ko ba kaya magpadala ng mga anghel upang iligtas kayo sa inyong mga pagsubok?”

Ang aral dito para sa mga matuwid ay ito: Gagawin ng Diyos ang lahat para mailigtas ang kanyang mga tao sa mga nag-aapoy na pagsubok at tukso. Isipin mabuti ito: Kinailangan ang pagbuka ng Pulang-Dagat upang mailigtas ang mga Israelitas sa kamay ng kanilang mga kaaway. Kinailangan ang tubig galing sa mga bato upang mailigtas ang mga Israelitas mula sa kanilang pagsubok sa desyerto. Kinailangan ang mahimalang tinapay, pagkain ng mga anghel na tunay na ipinadala mula sa langit, at “bantay na mga anghel” upang iligtas si Lot sa mapamuksang apoy. Ang malinaw na usapin ay alam ng Diyos kuna paano ililigtas ang kanyang mga tao, at gagawin niya ang sukdulan upang magampanan ito, kahit ano pa ang kalalagayan.

Ang parirala ni Pedro “Alam ng Diyos kung paano magligtas” ay nangangahulugan, “Mayroon na siyang nakahandang mga plano.” Ang nakamamanghang katotohanan ay ang Diyos ay mayroon ng mga plano para sa ating kaligtasan bago pa man tayo dumaing sa kanya. At hindi niya kinalilimutan ang mga planong iyon, hinihintay lamang niya ang ating pagdaing ng tulong. Maari tayong nagkakabuhul-buhol sa mga paghihirap na pang-habang-buhay, iniisip kung paano tayo ililigtas, gayunman siya ay nakahanda sa lahat ng sandali upang isagawa ang kanyang mga plano.

Nakita natin na ito ay inilarawan sa Jeremias 29, nang ang Israel ay nasa pagkakabihag ng Babilonya. Narito ang marahil ay ang pinakamabigat na pagsubok na naranasan ng mga tao ng Diyos, gayunman ipinangako sa kanila ng Panginoon: “Pagkatapos ng pitumpong taon, bibisitahin ko kayo at gagampanan ang Salita ko sa inyo.”


“Ako lamang ang nakaaalam ng mga panukalang inihahanda ko para sa ikabubuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap” (jeremias 29:11). Ang huling pararila ay tunay na nangangahulugan ng “Ibigay sa inyo ang matagal na ninyong hinihintay.” Nais ng Diyos na patuloy tayong manalangin para sa kanyang pagliligtas.