“At sino ang tinutukoy niya nang kanyang isumpa: “Hinding-hindi sila makapapasok at akapamamahinga sa piling ko?” Hindi ba ang mga suwail? Kaya’t alam nating hindi sila nakapasok sa lupang pangako dahil sa kawalan nila ng pananalig sa Diyos…Mga kapatid, ingatan ninyong huwag sumama ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa talikdan ang Diyos na buhay” (Hebreo 3: 18-19, 12).
Nagbabala ang Hebreo sa iglesya ng Bagong Tipan: “Bigyang pansin ang halimbawa ng Israel. Kung hindi mo gagawin, maaring mahulog ka katulad nila. Bababa ka sa maladimonyong kawalan ng pananalig. AT babaligtarin nito ang iyong buhay sa isang mahaba, patuloy na ilang.”
Isa-alang-alang kung ano ang nangyari sa mga walang paniniwalang salinlahi na bumalik sa ilang. Sinabi ng Diyos sa kanila na nakaturo, mula sa mga pinuno hanggang sa mga mahistrado at sa mga Levites hanggang pababa, na ang kanyang kamay ay magiging laban sa kanila. Mula noon, ang lahat lamang ng malalaman nila ay kasawian at kapayatan ng espiritu. Hindi nila makikita ang kaluwalhatian. Sa halip, sila ay matutuon sa kanilang mga suliranin at nilalamon ng kanilang mga kahalayan.
Iyan mismo ang nangyari sa walang pananalig na mga tao. Sila ay nauwi na nilamon ng kanilang sariling kabutihan. Wala silang pangarap, walang kamalayan sa presensiya ng Diyos, at walang buhay-pananalangin. Wala na silang paki-alam sa kanilang mga kapitbahay, o naligaw na sanlibutan, at maaring pati na sa kanilang mga kaibigan. Sa halip, ang buong pagtuon ng kanilang buhay ay sa kanilang mga suliranin, sa kanilang mga kaguluhan, sa kanilang mga karamdaman. Sila ay dumadanas ng sunud-sunod na kagipitan, nasara na sa kanilang mga pighati at pagdurusa. At ang kanilang mga buhay ay puno ng kalituhan, alitan, inggit at pagkakahati-hati.
Sa kawalan ng pananalig, di-maaari na malugod mo ang Diyos. Pagkatapos na gawing pader ng Diyos ang tubig ng Pulang-Dagat at hayaang makadaan ng ligtas ang mga Israelitas, nagsayawan sila at nagbunyi. At pagkatapos lamang ng tatlong-araw. Ang mga mismong mga Israelitas na ito ay nagrereklamo laban sa Diyos, bumubulung-bulong at naghihimutok, tinatanong ang mismong presensiya ng Diyos sa kanilang kalagitnaan.
Sa loob ng tatlumput-walong taon, si Moses ay nagmamasid habang, isa-isa, ang bawat Israelita na walang-pananalig na salinlahi ay nangamatay. Habang muli niyang tinanaw pabalik ang mga iyon na inaksaya ang kanilang mga buhay sa ilang, nakita niya na ang lahat ng babala ng Diyos ay nangyari. “Ang kamay ng Panginoon ay laban sa kanila, silang lahat ay nilipol niya” (tingnan Deuteronomo 2). Ipinagpaliban ng Diyos ang kanyang walang-hanggang layunin para sa Israel sa mga taong iyon.
Katulad ngayon, ang ibang mga Kristiyano ay nasisiyahan na basta mabuhay na lamang hanggang sa sila ay mamatay. Ayaw nilang isapalaran kahit ano, na manalig sa Diyos, na lumago o gumulang. Ayaw nilang tanggapin ang kanyang Salita, at naging matigas sa kanilang kawalan ng pananalig. Ngayon sila ay nabubuhay lamang para mamatay.