Miyerkules, Mayo 14, 2008

IHATID NINYO ANG BALITA NG KALIGTASAN

Isinulat ni Pablo, “Samantalang inihahatid ninyo sa kanila ang balita ng kaligtasan. Pagdating ni Kristo ay maipagmamalaki ko kayo sapagkat hindi nawalan ng kabuluhan ang aking pangangaral” (Filipos 2:16). Isinalalarawan ni Pablo ang araw na siya ay haharap sa presensiya ni Kristo at ang lihim ng katubusan ay ibubunyag.

Ang Kasulatan ay nagsasabi na sa araw na iyon ang mga mata natin ay mamumulat, at ating pagmamasdan ang kaluwalhatian ng Panginoon na hindi tayo pagsasabihan. Ang ating mga puso ay mag-aalab habang binubuksan niya ang lahat ng misteryo ng sansinukuban at ipapakita niya ang kanyang kapangyarihan sa likod nito. Kaginsa-ginsa’y, makikita natin ang katotohanan nang lahat na maari nating makamit sa ating mga pagsubok na pangsanlibutan: ang kapangyarihan at mga mapagkukunan sa langit, ang mga mapagtanggol na mga anghel, at ang nananahang presensiya ng Banal na Espiritu.

Habang pinagmamasdan natin ang kamangha-manghang mga bagay na ito, sasabihin ng Panginoon sa atin, “Sa lahat ng panahon, ang aking mga mandirigma ay nakahimpil sa paligid mo, ang buong sandatahan ng mga makapangyarihang tagapaghatid ay itinalaga para sa iyo. Hindi ka kailanman nalagay sa panganib mula kay Satanas. Wala kang maaring maidahilan upang ikatakot ang iyong mga kinabukasan.”

At pagkatapos ay ipakikita ni Kristo ang Ama sa atin, at isa itong magiging kamangha-manghang sandali. Habang pinagmamasdan natin ang kadakilaan ng ating Amang nasa Langit, doon natin tunay na maiisip ang kanyang pag-ibig at kalinga para sa atin, at kaginsa-ginsa’y darating sa atin ang katotohanan ng buong lakas: “Ito ang naging, at ito, at ang walang-hanggang Ama natin, ang tunay na Dakila ‘Ako.’”

Narito kung bakit “hinawakang pasulong” ni Pablo ang kanyang salita tungkol sa katapatan ng Diyos. Sa maluwalhating araw na iyon, ayaw niyang humarap sa presensiya ng Panginoon iniisip na, “Paano ako naging bulag? Bakit hindi ko lubusang pinagtiwalaan ang mga layunin ng Panginoon? Ang lahat ng aking mga pag-aalala at mga katanungan ay walang kabuluhan.” Hinihikayat tayong mabuti ni Pablo: “ Nais kong magalak sa araw na iyon, kapag ang aking mga mata ay lubos ng mamulat. Nais kong ikalugod ang bawat pahayag na alam na ako’y nanalig sa kanyang mga pangako, na hindi ako nagpatuloy sa aking mga paghihirap na puno ng mga pagdududa. Nais kong malaman na aking inihatid ang Balita ng kaligtasan sa lahat ng aking mga katugunan sa aking mga paghihirap, na ako’y nakipaglabang mabuti, na napatunayan ko na ang aking Panginoon ay matapat.

At ito ay pinagsama-sama ni Pablo sa salitang: “Hindi ko ipinalagay na natupad ko na ang mga bagay na ito. Ang ginagawa ko ngayo’y nililimot ang nakaraan at sinisikap na makamtan ang nasa hinaharap” (Filipos 3:13). Sa madaling sabi, naisip niya na hindi-maari na ilagay niya ang kanyang kinabukasan sa kamay ng Panginoon kung hindi muna ipagkakaloob ang kanyang nakalipas.