May dumarating na pagkakataon sa mga mananampalataya—maging sa iglesya—na kung saan ay inilalagay tayo ng Diyos sa kahuli-hulihang pagsubok ng ating pananalig. Ito ay katulad na pagsubok na kinaharap ng Israel sa ilang na bahagi ng Jordan. Ano ang pagsubok?
Ito ay ang tumingin sa mga nakaambang panganib na darating—ang mga higanteng usapin na kinakaharap natin, ang matataas na pader ng kagipitan, ang mga may kapangyarihan na nais na durugin tayo—at ang ipukol ang ating mga sarili ng lubusan sa mga pangako ng Diyos. Ang pagsubok ay ang ipagtiwala natin ang ating mga sarili sa habang-buhay na pagtitiwala at pananalig sa kanyang Salita. Ito ay ang pangako ng pagtitiwala na ang Diyos ay higit na mas malaki kaysa sa lahat ng ating mga suliranin at mga kaaway.
Ang ating Amang nasa langit ay hindi naghahanap ng pananalig na humaharap sa suliranin ng paisa-isa sa bawat pagkakataon. Ang hinahanap niya ay ang pang habang-buhay na pananalig, isang pang habang-buhay na panagako ng pagtitiwala na manalig sa kanya para sa mga imposible. Ang uri ng ganyang pananalig ay nagdadala ng pagkamahinahon at kapahingahan sa ating espiritu, kahit na ano pa ang ating kalagayan. At mayroon tayong pagkamahinahon sapagkat naipagkasundo na natin ng tuluyan na, “Ang Diyos ko ay mas malaki. Kaya niya akong iligtas sa lahat at anumang kagipitan.”
Ang ating Panginoon ay mapagmahal at matiisin, ngunit hindi hahayaan ang kanyang mga tao na mamuhay sa kawalan ng pananalig. Maaring ikaw ay sinubok ng paulit-ulit sa maraming pagkakataon at ngayon ay dumating na ang panahon para sa iyo upang ikaw ay magpasiya. Nais ng Diyos ang pananalig na kayang mapagkatatag sa kahuli-hulihang pagsubok, isang pananalig na hindi papayagan ang anuman para mayugyog ka sa pagtitiwala at pananalig sa kanyang katapatan.
Masyadong maraming teolohiya na pumapalibot sa paksa ng pananalig. Sa payak na palagay, hindi natin masalamangka ito. Hindi natin kayang likhain ito sa pauli-ulit na, “Ako’y nananalig, tunay na ako’y nananalig…” Wala, ang pananalig ay isang pangako na ating ginawa upang sumunod sa Diyos. Ang pagsunod ay sumasalamin sa pananalig.
Habang humaharap ang Israel sa Jerico, ang mga tao ay pinagsabihan na huwag magsalita ng kahit ano, kundi ang patuloy na lumakad. Ang mga matapat na mananampalatayang ito ay hindi bumulong sa kanilang sarili, “Tulungan mo akong manalig, Panginoon. Nais ko talagang manalig.” Hindi, sila ay nakatuon sa isang bagay na siyang hiniling ng Diyos sa kanila: na sundin ang kanyang Salita at magpatuloy pasulong.
Iyan ang pananalig. Iyan ay ang ipagkasundo ang iyong puso na sumunod sa lahat ng nakasulat sa Salita ng Diyos, na hindi nagtatanong o parang ginagawa ito na magaan lamang. At alam natin na kapag ang ating puso ay tunay na hangad na sumunod, sisiguruhin ng Diyos na ang kanyang Salita ay malinaw sa atin, walang pagkalito. Higit pa doon, kapag inutusan niya tayo na gawin ang isang bagay, bibigyan niya tayo ng kapangyarihan at lakas para sumunod: “Pati ang mahihina ay makipaglaban” (Joel 3:10). “Sa wakas, magpakatibay kayo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa Panginoon at sa tulong ng dakilang kapangyarihan niya” (Efeso 6:10).