Lunes, Hunyo 30, 2008

BIGYANG-KALUGURAN ANG IYONG SARILI SA PANGINOON

Ang ating kapayapaan at kasiyahan ay laging nakasalalay sa ating pagsuko sa mga kamay ng Diyos, kahit anupaman ang ating kalagayan. Isinulat ng mang-aawit, “Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtam” (Awit 37:4).

Kapag lubos mong isinuko ang iyong sarili sa mga kamay ng Diyos, magkagayon ay kaya mong maging matatag kahit ano pa at sa lahat ng mga paghihirap. Ang nais ng iyong Ama para sa iyo ay patuloy mong maharap ang pang-araw-araw mong gawain ng walang takot at pagkabalisa, lubos na nananalig sa kanyang pangangalaga. At ang pagsuko mo sa kanya ay mayroong mabisang kagamitan sa iyong buhay. Kapag lubos mong isinuko ang sarili sa pangangalaga ng Diyos at pag-iingat, ay lalo mong ipagwawalang-bahala anuman ang kalagayan ng kapaligiran mo.

Kapag ikaw ay sumuko sa kanya, hindi mo pirmihang iisipin kung ano ang gagawin mong susunod na hakbang. Hindi ka matatakot sa mga nakakasindak na balita na pumapainog sa kapaligiran mo. Hindi ka madadaig habang iniisip mo ang mga araw na darating sapagkat ipinagtiwala mo ang iyong buhay, mag-anak at kinabukasan sa ligtas at mapagmahal na kamay ng iyong Panginoon.

Gaano kabalisa o nakababahala kung iisipin mong ang mga tupa habang sumusunod sa kanilang pastol? Hindi man lang sila nababalisa, sapagkat sila ay lubos na nagtitiwala sa pangunguna nila. Kahalintulad, tayo ang mga tupa ni Kristo, ang ating dakilang Pastol. Kaya, bakit pa tayo mababahala, mananahimik o mag-aalala tungkol sa ating mga buhay at kinabukasan? Ganap na alam niya kung paano pag-iingatan at pangangalagaan ang kanyang kawan sapagkat ina-akay niya tayo sa pag-ibig!

Sa aking sariling buhay, natutunang kong magtiwala sa Diyos sa bawat suliranin sa bawat sandali: Paano kong masasabing nananalig ako sa Diyos sa lahat ng bagay, kung hindi ko kayang patunayan na nagtitiwala ako sa kanya sa isang bagay? Sinasabi lamang ang mga salitang, “Lubos akong nananalig sa Panginoon,” ay hindi sapat. Kailangan kong patunayan ito ng paulit-ulit sa aking buhay, sa maraming pagkakataon at sa mga pang-araw-araw na mga bagay.

Maraming tao na nabubuhay ngayon ay nagsabi, “Ako’y sumuko, aking ipinagtiwala, ako’y nananalig,” doon lamang sa mga pagkakataon na pagkatapos nilang sabihin na wala nang pag-asa ang kanilang kalagayan. Ngunit ang tunay na pagsuko, ang uri na nakalulugod sa Diyos, ay walang pumipigil at kusang ginawa, bago pa mangyari na tayo’y mawalan na ng pag-iisip. Kailangan na tayo ay kumilos na may pagkaka-isa sa Panginoon, katulad ng ginawa ni Abram, ibinigay ang buhay niya ng lubusan, at hinayaang punuin ito ng Panginoon.

Biyernes, Hunyo 27, 2008

PANALANGIN SA PANAHON NG KAGIPITAN

Sa mapanganib na panahon katulad nito, ang iglesya ba ay walang kapangyarihan upang may magawa? Tayo ba’y uupo na lamang at maghihintay sa pagbabalik ni Kristo? O tayo ba’y tinawag upang gumawa at kumilos ng marahas? Kapag sa lahat ng paligid natin ang sanlibutan ay nayayanig, sa puso ng mga kalalakihang sumuko sa takot, tayo ba’y tinawag upang kumuha ng espirituwal na sandata at makipaglaban sa kaaway?

Ang propetang si Joel ay nakita ang kahalintulad na araw na padating sa Israel, isang “makapal na kadiliman at kalungkutan.” Ayon kay Joel, ang araw ng kadiliman na padating sa Israel ay isang pangyayari na hindi pa nakita sa kanilang kasaysayan. Tumangis ang propeta, “Malapit na ang Araw ni Yahweh at magaganap ang pagkawasak na likha ng kanyang kamay. Kalagim-lagim ang araw na yaon” (Joel 1:15).

Ano ang ipinayo ni Joel sa Israel sa oras ng kadilimang yaon? “Gayunman,” wika ni Yahweh, “mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin, kayo’y mag-ayuno, manangis at magdalamhati. Magsisi kayo ng taos sa puso, hindi pakitang-tao lamang. Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos. Siya’y may magandang-loob at puspos ng awa, magpahinuhod at tapat sa kanyang pangako; laging handang magpatawad at hindi magpaparusa. Maaring lingapin kayo ni Yahweh at bigyan ng masaganang ani. Kung magkagayon, mahahandugan natin siya ng haing butil at alak.”

Habang binabasa ko ang talatang ito, ako ay hinambalos ng dalawang salita: “Maging sa ngayon.” Habang binabalot ng kadiliman ang Israel, nakiusap ang Diyos sa kanyang mga tao: “Maging ngayon sa oras ng aking paghihiganti---nang ipinagtulakan ako palabas ng lipunan, nang wala nang kahabagan, nang tinuya ng sangkatauhan ang aking mga babala, nang binalot ng takot at kalungkutan ang lupa---maging sa ngayon, hinihikayat ko kayong manumbalik sa akin. Matagal bago ako magalit, kilala ako na pinipigilan ko ang aking mga paghuhusga sa isang panahon, katulad na ginawa ko kay Josias. Ang mga tao ko ay maaring manalangin at hilingin ang aking kahabagan. Ngunit ang sanlibutan ay hindi magsisisi kung sasabihin mong walang kahabagan.”

Nakikita mo ba ang mensahe ng Diyos sa atin sa mga ito? Bilang kanyang mga tao, maari tayong makiusap sa panalangin at pakikinggan niya tayo. Maari tayong humiling sa kanya at alam natin na tutugunin niya ang matapat, mabisa, taimtim na panalangin ng kanyang mga banal.

Huwebes, Hunyo 26, 2008

TAKOT AT SINDAK

Ang mga propeta ay nagbabala sa atin na kapag nakita natin ang Diyos na niyayanig ang mga bansa, at mapanganib na panahon ay mangyari sa atin, ang ating kalikasang tao ay masisindak ng matindi. Itinanong ni Ezekiel, “Tingnan ko lang kung matatagalan ninyo ang gagawin ko sa inyo. Akong si Yahweh ang may sabi nito at ito’y gagawin ko” (Exekiel 22:14).

Nang ang Diyos ay nagbabala kay Noe sa padating na paghatol at sinabi sa kanya na magbuo ng arko, si Noe ay “nayanig sa takot” (Hebreo 11:7). Maging ang walang-takot at matapang na si David ay nagsabi na, “dahil sa ‘yo ang damdam ko’y para akong natatakot, sa hatol mong igagawad, natatakot akong lubos” (Awit 199:120). At nang ang propetang si Habacuc ay nakita ang mapamuksang araw na padating, tumangis siya, “narinig ko ito at ang aking buong katawan ay nanginig, nangatal ang mga labi ko, nanghina ang aking mga buto, at naging mabuway ang aking paghakbang. Mapayapa kong hihintayin ang takdang panahon ang pagpaparusa ng Diyos sa umapi sa akin” (Habacuc 3:16).

Mangyari na itala habang binabasa mo ang mga talatang ito: Ang takot na dumating sa mga maka-diyos na taong ito ay hidi takot sa laman, kundi isang mapitagang sindak sa Panginoon. Ang mga banal na ito ay hindi natatakot sa kaaway ng mga kaluluwa ngunit kinatatakutan nila ang makatuwirang hatol ng Diyos. At iyan ay sapagkat nauunawaan nila ang ang kasindak-sindak na kapangyarihan na nasa likod ng padating na kalamidad. Hindi nila kinatatakutan ang kalalabasan ng bagyo, kundi ang kabanalan ng Diyos!

Kahalintulad nito, bawat isa sa atin ay makadaranas ng nakagagaping takot sa padating na panahon ng pamumuksa at kapahamakan. Ngunit ang ating takot ay dapat na manggaling sa banal na pamitagan para sa Panginoon, at hindi kailanman mula sa maka-lamang pagkabagabag tungkol sa ating kapalaran. Kinamumuhian ng Diyos ang lahat na makasalanang takot sa atin, ang takot na mawala ang mga materyal na bagay, kayamanan, ang ating pamantayang pamumuhay.

Sa buong sanlibutan, ang mga tao ay puno ng ganitong takot, habang nakikita nila ang ekonomiya ng kanilang mga bansa ay unti-unting humihina. Natatakot sila sa pagbaha ng pagbagsak na ekonomiya ay walisin ang lahat na kanilang pinaghirapan sa buong buhay nila. Ganito ang tangis ng mga di-mananampalataya na walang pag-asa. Hindi ito ang dapat na tangis ng mga maka-diyos. Sa katunayan, kung ikaw ay anak ng Diyos, ang iyong makalangit na Ama ay hindi makakayanan ang kawalan ng pananalig mula sa iyo. Nagbabala si Isaias: “…Bakit ka matatakot sa kapwa mo tao? Mamamatay rin silang tulad ng damo. Bakit mo nilimot itong si Yahweh na lumikha sa iyo?...Bakit sa maghapo’y palagi kang takot sa nang-aalipin, dahil ba sila ay galit sa iyo…” (Isaias 51:12-13). “Ang makapangyarihang si Yahweh ang dapat ninyong igalang, siya ang inyong katatakutan” (8:13).

Hayaang ninyong ang Diyos ang inyong katatakutan at kasisindakan. Ang ganoong uri ng takot ay nangunguna patungo hindi sa kamatayan kundi sa buhay!

Miyerkules, Hunyo 25, 2008

SA SANDALI NG PANGANGAILANGAN

Isa-alang-alang ang isa sa pinaka makapangyarihang pangako sa lahat ng Salita ng Diyos.

Ang Diyos ang lakas natin at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan; di dapat matakot, mundo’y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok mabuwal; kahit na magngalit yaong karagatan, at ang burol mayanig, magimbal. May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo’y ligaya ang dulot. Ang tahanang-lunsod ay di-masisira; ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga. Nangingilabot din bansa at kaharian, sa tinig ng Diyos lupa ay napaparam Nasa atin ang Diyos Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan…. Maging pagbabaka ay napatitigil” (Awit 46:1-7, 9).

Isang kataka-takang salita. Nabasa ko ang talatang ito ng paulit-ulit, napakaraming beses na, at patuloy pa rin akong dinadaig nito. Ang Salita ng Diyos dito ay lubos na makapangyarihan, di-matitinag, sinasabi niya sa atin, “Hindi mo na kailangang matakot kailanman, Hindi mahalaga kung ang sanlibutan ay nagkakagulo. Ang daigdig ay maaring lindulin, ang karagatan ay maaring dumaluyong, ang mga bundok ay gumuho sa karagatan. Ang mga bagay ay maaring ganap na nagkakagulo, pangkalahatang kaguluhan sa lahat ng paligid mo.

“Ngunit dahil sa aking Salita, magkakaroon ka ng kapahingahan katulad ng ilog. Habang ang lahat ng bansa ay nagngangalit, makapangyarihang singaw ng kagalakan ay dadaloy sa aking mga tao. Pupunuin nito ng kagalakan ang kanilang mga puso.”

Sa kasalukuyan, ang sanlibutan ay nasa panahon ng katatakutan. Ang mga bansa ay nanginginig sa takot na dala ng paninindak, alam na walang rehiyon ang di-tinatablan ng mga pananakot. Pansariling kaguluhan at kagipitan ay dumarami. Gayunman, sa gitna ng lahat ng ito, ang Awit 46 ay umaalingawngaw sa mga tao ng Diyos sa sanlibutan: “Ako’y nasa kalagitnaan ninyo. Kasama ninyo ako sa lahat ng ito. Ang mga tao ko ay hindi mapupuksa o mauuga. Ako ang palagiang tulong sa aking iglesya.”

Alam ng Diyos na lahat tayo ay humaharap sa mga malalim na pangangailangan; lahat tayo ay humaharap sa kaguluhan, mga tukso, panahon ng kalituhan na nagdudulot ng pagyanig sa iyong kaluluwa. Ang kanyang mensahe sa atin sa Awit 46 ay patungkol sa ganitong kapanahunan. Sinasabi niya na kapag tayo ay dinaig ng takot, nalulumbay at puno ng kawalan-ng-pag-asa, tayo ay namumuhay na salungat sa kanyang patotoo sa ating mga buhay.

Mahalaga sa ating buhay na panghawakan natin ang sinasabi sa Awit na ito. Ang ating Diyos ay palaging nakahanda para sa atin sa lahat ng sandali, araw at gabi. Patuloy na siya ay nasa kanang kamay natin, handang makipag-usap at gumabay sa atin. At ginawa niya itong maari sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng Banal na Espiritu na naninirahan sa atin. Mismong ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na si Kristo ay nasa atin at tayo ay nasa kanya.

Martes, Hunyo 24, 2008

ANG KATAWAN NI KRISTO

Itinuro ni Apostol Pablo sa atin, “Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Kristo at bawat isa’y bahagi nito… Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng isang bahagi lamang” (1214).

Sinasabi ni Pablo sa atin, “Tingnan mo ang iyong sariling katawan. Mayroon kang mga kamay, mga paa, mga mata, mga tainga. Hindi ka lamang isang nakahiwalay na utak, na hindi nakadikit sa ibang mga bahagi. Kaya, to’y katulad ng kay Kristo. Hindi lamang siya ang ulo. Mayroon siyang katawan, at tayo ay bumubuo sa bawat mga bahagi nito.”

Pagkatapos ay tinukoy ng apostol, “Gayon din naman, tayo’y marami ngunit nabubuo sa iisang katawan ni Kristo, at isa’t isa’y bahagi ng iba” (Roma 12:5). Sa ibang salita, hindi lamang tayo kaugnay kay Hesus na ating ulo. Tayo rin ay magkakasama sa bawat isa. Ang katunayan ay, hindi tayo maaring iugnay sa kanya kung hindi rin magkaka-isa sa bawat kapatiran kay Kristo.

Tinukoy ni Pablo ito ng deretsuhan, sinasabi na, “Hindi ba’t ang pag-inom natin sa saro ng pagpapala na ating pingpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Kristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinagpipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan? Kaya nga, yamang isa lamang ang tinapay, tayo’y iisang katawan bagamat marami, sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay” (1 Corinto 10:16-17). Sa madaling sabi, tayo ay pinakain ng iisang pagkain: si Kristo, ang bumaba mula sa langit. “Sapagkat ang pagkaing bigay ng Diyos ay yaong bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay sa sanlibutan” (Juan 6:33).

Si Hesus ay nakikipag-usap sa kanyang mga disipulo sa pamamagitan ng mga talinghaga at ang bawat talinghaga ay naglalaman ng nakatagong katotohanan ng Diyos. Ang mga lihim na ito ay ibinahagi ng Ama, Anak, at ng Banal na Espiritu mula ng likhain ang sanlibutan: “Magsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga, ihahayag ko sa kanila ang mga bagay na nalilihim mula nang likhain ang sanlibutan” (Mateo 13:35). Nagpatotoo si Hesus na ang mga nakatagong lihim ay ihahayag lamang doon sa mga may panahong hanapin ito.

Nagpahayag si Hesus, “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay…ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit…ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin” (Juan 16:35, 51, 57). Ang larawan ng pagkain dito ay mahalaga. Sinasabi ng Panginoon sa atin, “Kapag lumapit ka sa akin, ikaw ay pakakainin. Ikaw ay ikakabit sa akin, bilang bahagi ng aking katawan. Dahil doon, makatatanggap ka ng lakas mula sa nagbibigay-buhay na nagmumula sa akin.” Sa katunayan, bawat bahagi ng kanyang katawan ay kumukuha ng lakas mula sa isang pinanggagalingan: si Kristo ang ulo. Lahat ng kailangan natin na mangunguna sa pagtatagumpayang buhay ay dumadaloy sa atin mula sa kanya.

Ang pagkain ay ang nagpapakilala sa atin bilang bahagi ng kanyang katawan. Tayo ay inihiwalay mula sa sangkatauhan sapagkat tayo ay nakikibahagi sa nag-iisang tinapay: si Hesu-Kristo. “Kaya nga, yamang isa lamang ang tinapay, tayo’y iisang katawan bagamat marami, sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay” (Corinto 10:17).

Lunes, Hunyo 23, 2008

ANG LUPANG IPINANGAKO

Naniniwala ako na ang Awit 46 ay larawan ng “lupang pangako” sa Bagong Tipan. Sa katunayan, ang Awit 46 ay kumakatawan sa banal na kapahingahan na tinutukoy sa Hebreo: “Samakatuwid, may kapahingahan pang nakalaan sa mga nananalig sa Diyos” (Hebreo 4:9). Ang Awit na ito ay naglalarawan sa kapahingahang ito ng mga tao ng Diyos. Tinutukoy nito ang kanyang palagiang lakas, ang kanyang tulong sa panahon ng kagipitan, ang kanyang kapayapaan sa gitna ng mga kaguluhan. Ang presensiya ng Diyos ay nasa atin sa lahat ng sandali at ang kanyang tulong ay laging dumarating sa tamang panahaon.

Tinanggihan ng Israel ang kapahingahang ito: “Ang lupang-pangarap na ipinangako’y kusang tinanggihan, dahilan sa sila’y hindi naniwala sa pangakong tipan” (Awit 106:24). Nakalulungkot, ang mga iglesya ngayon ay kahalintulad din ng Israel. Kahit na may dakilang pangako ang Diyos sa atin---ang katiyakan ng kanyang kapahingahan, tulong at puno ng panustos---hindi pa rin tayo lubos na nananalig. Sa halip, tayo’y dumadaing, “Nasaan ang Diyos sa aking mga pagsubok? Kasama ko ba siya o hindi? Nasaan ang katunayan ng kanyang presensiya? Bakit hinahayaan niyang ang mga pahirap na ito ay nagpapatong-patong sa akin?”

Ngayon, narinig ko ang Diyos na tinatanong ang kanyang iglesya, “Naniniwala ka ba na hanggang-ngayon ako ay nakikipag-usap sa aking mga tao? Tunay ka bang nananalig na nais kong makipag-usap sa iyo araw-araw, oras-oras, sa bawat sandali?” Ang ating katugunan ay dapat na katulad ng kay David. Ang maka-diyos na taong iyon ay niyanig ang impiyerno nang ipinahayag ang tungkol sa Panginoon: “Ang buong daigdig sa kanyang salita ay pawang nayari, lumitaw na bigla” (Awit 33:9).

Narito ang pangako ng Diyos sa bawat salin-lahi na nananalig sa kanyang Salita na ninanais niyang makipag-usap sa atin: “Ngunit ang mga panukala ng Diyos, ay mamamalagi’t walang pagkatapos” (33:11). Ang Lumikha ng sansinikuban ay nais na ibahagi ang kayang isipan sa atin!

Niliwanag ng Kasulatan: Ang ating Diyos ay nakipag-usap kanyang mga tao sa nakalipas, nakikipag-usap siya sa kanyang mga tao ngayon, at patuloy siyang makikipag-usap sa atin hanggang sa huling sandali ng panahon. Higit pa dito, nais ng Diyos na makipag-usap sa iyo tungkol sa iyong suliranin ngayon. Maari niya itong gawin sa pamamagitan ng kanyang Salita, sa pamamagitan ng maka-diyos na kaibigan, o sa pamamagitan ng Espiritu hanggang ngayon, maliit na tinig na bumubulong, “Ito ang daan, lakaran mo ito”.

Kahit anupaman ang kanyang gamitin, makikilala mo ang kanyang tinig. Alam ng tupa ang tinig ng kanilang Pastol. At siya ang “(nag-iingat) sa buhay ng mga lingkod; ililigtas niya sila sa kamay ng mga buktot” (Awit 97:10).

Biyernes, Hunyo 20, 2008

PANGINOON HESUS, BILISAN MO ANG PAGBABALIK, HALIKA KA NA!

Sa pahayag, ibinalita ni Hesus, “Makinig kayo!” wika ni Hesus. “Darating na ako! Mapalad ang tumutupad sa mga hulang nilalaman ng aklat na ito!” (Pahayag 22:7). Pagkatapos ng limang talata sinabi ni Kristo, “Makinig kayo!” wika ni Hesus. “Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa!” (22:12).

Narito ang mga tangis ng mga nakatinging umaasa sa pagbabalik ni Hesus: “Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal. ‘Halika’” (22:17). Ito ay tumutukoy sa babaing ikakasal kay Kristo, na kumakatawan sa lahat ng mananampalataya na pumapailalim sa kanya. Ang lahat ng mga lingkod na ito ay muling-isinilang, nilinis ng dugo na mga mananampalataya.

Maari mong itanong, “Nauunawaan ko na ito ang tangis ng puso ng mga mananampalataya. Ngunit bakit ang Espiritu ay tumatangis din kay Hesus, ‘Halika!’ Sapagkat ito ang huling panalangin ng Banal na Espirtu, alam na ang kanyang gawain sa sanlibutan ay malapit nang matapos. Katulad ni Pablo o Pedro na nasabihan ng Diyos na ang kanilang oras ay maiksi na, ang Espiritu ay tumangis din, “Halika, Panginoong Hesus.”

Kaya, saan natin naririnig ang tangis ng Espiritu ngayon? Dumarating ito sa pamamagitan ng mga nakaupo kasama si Kristo sa mala-langit na kalagayan, na nabubuhay at naglalakad kasama ang Espiritu, ang kanilang katawan ang templo ng Banal na Espiritu. Tumatangis ang Espiritu at sa pamamagitan nila, “Bilisan mo, Panginoon, halika.”

Kailan ang huling sandali na nanalangin ka, “Panginoon Hesus, bilisan mo ang pagbabalik, halika na”? Sa aking sarili, hindi ko matandaan ang panalangin na ganito. Hindi ko nalaman na maari kong madaliin ang pagbabalik ni Kristo sa pagpapaubaya sa Espiritu na idalangin ang panalanging ito sa pamamagitan ko. Gayunman si Pedro ay nagbigay ng katunayan ng di-kapani-paniwalang katotohanang ito: “Samantalang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos. Magsikap kayong mabuti upang madali ang pagdating ng Araw na iyon—araw ng pagkatupok ng kalangitan at pagkatunaw sa matinding init ng mga bagay na naroon” (2 Pedro 3:12). Sa Griyego, ang pariralang “pagmamadali…ang pagdating ng araw na iyon” ay nangangahulugan “na madaliin, patuloy na manghikayat.” Sinabi Pedro na ang mga umaasang mga panalangin natin ay nagmamadali, nagbubumilis, hinihikayat ang Ama na ipadala na ang kanyang Anak ng mabilisan.

Ang mahabaging pagtitiyaga ng Panginon ay ang nagdidikta ng tamang pagkakataon ng kanyang pagbabalik. Kaya, nangangahulugan ba na hindi na natin ipapanalangin ang kanyang pagbabalik? Hindi, si Kristo mismo ang nagsabi sa atin, “Sapagkat sa panahong iyon ang mga tao’y magdaranas ng napakalaking kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, at hindi na mararanasan pa kahit kalian. Kung hindi paiikliin ng Diyos ang panahong iyon, walang maliligtas; ngunit alang-alang sa kanyang mga hinirang, paiikliin niya iyon” (Marcos 13:19-20). Isipin kung ano ang mangyayari kung, sa buong sanlibutan, ang ikakasal kay Kristo ay gigising at mananalangin sa Espiritu, “Hesus, halika.”

Miyerkules, Hunyo 18, 2008

WALANG PAG-AATUBILI

Kaya’t huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos at doo’y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito” (Hebreo 4:16). “Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makalalapit tayo sa Diyos nang panatag ang loob” (Efeso 3:12). Ang mga talatang ito ay nangungusap na walang takot na lumapit sa Diyos tungkol sa ating mga matitinding pangangailangan, na nakalulugod sa kanya.

Kapag ang Diyos ay nagsabi sa atin na huwag mag-atubiling lumapit sa kanyang trono, na may pananalig, ito ay hindi mungkahi. Ito ang higit na ninanais niya, at ito ay dapat pag-ingatan. Kaya, saan natin makukuha ang walang pag-aatubiling ito, itong daan na may pananalig, para sa panalangin?

“Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isat-isa, upang kayo’y gumaling” (Santiago 5:16). Ang salitang “mabisa” dito ay nanggagaling sa salitang ugat na Griyego na nangangahulugan na “isang matatag na katayuan.” Ito ay nagpapahiwatig ng isang di-matitinag, di-mayayanig na pag-iisip. Katulad din, “mataimtim” ay nangungusap ng walang-pag-aatubili na itinatag mula sa isang matibay na katibayan, ganap na katunayan na umaayon sa iyong kahilingan. Pagsamahin ang dalawang salitang ito---“mabisang mataimtim”—ay nangangahulugan nang paglapit sa korte ng Diyos lubos ang pananalig na ikaw ay mayroong matatag na nakahandang kaso. Ito ay higit pa sa madamdamin, maingay, nag-aalab na damdamin.

Ang ganitong panalangin ay nanggagaling lamang mula sa isang naglilingkod na nagsasaliksik sa Salita ng Diyos at lubos ang pananalig na ang Panginoon ay tutupad dito. Gayunman, mahalaga na walang-isa man sa atin ang lalapit sa presensiya ng Diyos na hindi natin pinanghahawakan ang kanyang Salita. Nais ng Panginoon na dala natin ang kanyang mga pangako, ipinapa-alala ito sa kanya, itinatali siya dito at pinaninidigan ito.

Nakita natin na ito ay inilarawan sa Gawa 10, nang si Pedro ay binigyan ng isang pangarap. Sinabi ng Diyos sa aspostol, “Mayroong mga kalalakihan na tutungo sa iyong tahanan, at hihikayating kang sumama sa kanila. Ipinadala ko ang mga kalalakihang ito, Pedro, kaya nais ko na sumama sa kanila ng walang pagdududa.”

Ano ang sinasabi ng talatang ito sa atin? Sinasabi nito na kapag ang Diyos ay nagpahayag ng isang bagay na tunay, tayo ay dapat na manalig at manindigan dito, na hindi nagdududa. Hindi natin basta maaring sukatin ang pagka-mapagkakatiwalaang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa ating katayuan o sa ating pagiging-karapt-dapat. Kapag ginawa natin ito, mauuwi lang tayo na makita ang sarili natin na hindi karapat-dapat. At mangungusap tayo sa ating sarili na ating inaangkin ang kanyang Salita at itatakda ito.

Gayunman, binigyan tayo ng tulong na makalapit sa trono ng Diyos na mahabagin. Sinasabi ng Bibliya na tayo ay mga humihiling sa kanyang trono, at si Kristo ay nandoon bilang ating taga-pamagitan o tagataguyod. Nasa atin din ang Banal na Espiritu na nakatayo sa tabi natin sa korte ng Ama. Ang Espiritu ay ang ating “espiritu santo,” isang tumatayo na ating tagapayo. Katabi natin siya na nagpapa-alala sa atin ng mga walang-hanggang batas at banal na saligang-batas na bumubuo sa Salita ng Diyos.

Kaya nasa atin ang mga di-kapani-pahiwala, mga pangako—ng isang tagataguyod at tagapayo, na nakatayo sa tabi natin—upang magbigay sa atin ng walang-pag-aatubili at katiyakan sa paglapit sa trono ng Diyos.

Martes, Hunyo 17, 2008

HANDANG SAKLOLO SA BAWAT SANDALI

Ipinangako ng Diyos sa atin, “Ang Diyos ang lakas natin ang kanlungan at handang saklolo kung may kaguluhan” (Awit 46:1).

Ang pararilang “nasa-lahat-ng-lugar” ay nangangahulugan ng “laging nandito, laging nakahanda, laging bukas na daanan.” Sa madaling sabi, ang palagiang pesensiya ng Panginoon ay laging nasa atin. At kung siya’y laging nasa atin, kung gayon ang nais niya ay patuloy na pakikipag-usap sa atin. Nais niyang kausapin natin siya saan man tayo naroon: sa trabaho, kasama ang pamilya, kasama ang mga kaibigan, maging kasama ang mga hindi-mananampalataya.

Hindi ko tinatanggap ang kasinungalingan ni Satanas na kanyang isinaksak sa mga tao ng Diyos sa panahong ito: na ang Panginoon ay tumigil na sa pakikipag-usap sa kanyang mga tao. Nais ng kaaway na isipin natin na hinayaan ng Diyos si Satanas na lumago ang kapangyarihan at inpluensiya, ngunit hindi niya binigyan ang sarili niyang mga tao ng malaking kapangyarihan. Hindi, hindi kailanman! Sinasabi ng Kasulatan, “Tulad ng rumaragasang baha, darating si Yahweh, tulad ng bugso ng hangin” (Isaias 59:19). Hindi mahalaga anuman ang dalhin ng diyablo laban sa atin. Ang kapangyarihan ng Diyos sa kanyang mga tao ay higit pa sa panunuligsa ni Satanas.

Ang talatang ito mula sa Isaias ay iniuugnay sa tagapagdala ng bandila na nangungunang nakasakay sa unahan ng hukbo ng Israel. Ang Panginoon ay laging pinagungunahan ang kanyang mga tao sa digmaan sa likod ng kanyang makapangyarihang pamantayan. Katulad ngayon, ang Diyos ay may dakilang hukbo ng makalangit na hukbo na nakasakay pasugod sa ilalim ng kanyang bandila, nakahanda na ipatupad ang kanyang planong pandigma para sa atin.

Maari mong itanong, “Kaya paano nagdadala ng tulong ang Diyos sa atin sa ating kagipitan?” Ang kanyang tulong ay dumarating sa atin sa handog ng kanyang Banal na Espiritu, na naninirahan sa atin at gumaganap sa kalooban ng Ama sa ating mga buhay. Pauli-ulit na sinasabi ni Pablo sa atin na ang ating katawan ay templo ng Banal na Espiritu. Tayo pinanahanan ng Panginoon sa sanlibutan. Oo nga, inuulit natin madalas ang katotohanang ito, sa ating pagsamba at mga patotoo. Gayunman, marami pa rin sa atin ay hindi ito binibigyang halaga. Hindi natin basta maunawaan ang kapangyarihan na nananahan sa katotohanang ito. Kung ito ay panghahawakan natin at mananalig dito, hindi na tayo kailanman matatakot o masisindak.

Ako man ay hindi lubos na nakapanghawak sa aral na ito ng buo. Kahit na sa lahat ng mga taon ng aking ministeryo, natutukso pa rin ako na isipin na gumamit ng damdamin upang makarinig mula sa Diyos. Hindi, sinasabi ng Panginoon, “Hindi mo kailangang maghintay ng maraming oras para sa akin. Naninirahan ako sa iyo. Ako ay nasa iyo, gabi at araw.”

Makinig sa patotoo ni David, “Pinupuri ko si Yahweh na sa akin ay patnubay. Kahit gabi diwa niya ang sa aki’y umaakay. Nababatid ko na siya’y kasama ko oras-oras, sa piling n’ya kailanman’y hindi ako matitinag (Awit 16:7-8). Ipinapahayag ni David, “Ang Diyos ay laging nasa akin. At ako ay nakapagpasiya na kupkupin siya sa aking isipan. Tapat siya na ako’y akayin araw at gabi. Hindi kailanman ako dapat maguluhan.”

Lunes, Hunyo 16, 2008

ANG KAHABAGAN NG DIYOS AY HINDI KAILANMAN MABIBIGO

Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na ang Panginoon ay hindi namimitagan ng mga tao. At sapagkat hindi siya nagpapakita ng may-kinikilingan—sapagkat ang kanyang mga pangako ay hindi nagbabago sa bawat salin-lahi—maari nating hilingin sa kanya na ibigay sa atin ang katulad na kahabagan na ipinakita niya sa kanyang mga tao sa buong kasaysayan. Si Haring Manasseh ay nagkasala na higit pa sa kanino mang hari gayunman nang siya ay nagsisi, siya ay pinanumbalik (tingnan ang 2 Hari 21:1-18).

Ang kahabagan ng Panginoon ay hindi maaring mabigo, at ang nauna niyang halimbawa ng mga nakalipas na kahabagan ay makapagbibigay sa bawat isa sa atin ng walang-takot na katiyakan na madala ang ating mga kahilingan sa kanya. Kaya, mga minamahal na banal, kapag kayo’y natakot sa madalas na pagkakasala laban sa kahabagan ng Panginoon…kapag naisip mo na lumampas ka sa guhit, at ang Diyos ay sumuko na sa iyo…kapag nawalan ka na ng pag-asa, pinanghinaan sa kabiguan o sa hindi-maka-Kristong kilos…kapag nagtaka ka kung ibininbin ka ng Diyos, o kaya’y pinipigilan niya ang pag-ibig niya sa iyo dahilan sa iyong mga nakalipas na pagkakasala—kapag may tunay kang pusong nagsisisi, kung gayon ay panghawakan mo ang kanyang katotohanan: ANG DIYOS AY HINDI NAGBABAGO.

Itali mo ang Diyos sa kanyang Salita. Isulat mo ang bawat alaala ng bawat bagay na ginawa niya sa iyo sa mga nakalipas ng mga taon. Pagkatapos ay magtungo sa Kasulatan at hanapin ang ibang pangyayari ng kanyang mga “naunang kahabagan” sa kanyang mga tao. Dalhin mo ang listahang ito sa harap ng Panginoon at ipa-alala sa kanya: “O Diyos hindi mo maaring itanggi ang iyong sariling Salita. Ikaw ay katulad kahapon, ngayon at bukas.”

Hinihikayat ko kayo, huwag pabayaang gawin ito. Madalas tayo ay nagmamadali sa presensiya ng Diyos ginagawa ang ating mga kahilingan ng may masimbuyong damdamin at masigasig. Ngunit tayo ay naluluoy sa sandali ng ating panalangin, sapagkat hindi tayo pumupunta sa kanyang trono ng nakahanda. Dapat na mayroon taong tiyak na katayuan kapag tayo ay humarap sa Diyos. Ang tunay na kawalang-takot ay hindi nagmumula sa pagiging madamdamin; nagsisimula ito kapag tayo ay ganap na nahikayat. Kaya’t dapat nating patatagin ang ating katayuan hindi lamang para humarap sa Diyos, kundi upang palakasin ang sariling pananalig.

Ngayon mayroon tayo ng bagay na ang mga banal ng Lumang Tipan ay sa pangarap lang makakamit. At iyon ay ang sariling Anak ng Diyos na nakaupo sa kanang kamay ng Amang-Hukom. Kilala natin ang Anak, sapagkat siya ang ating kapatid na kasundo-sa dugo, sa pamamagitan ng pag-ampon. At kaya nating angkinin ang ating pagiging isang dugo sa kanya kung kailan man tayo tatayo sa harap ng Hukom at itali siya sa sarili niyang mga katuwiran: “Ama, wala akong madadala sa iyo kundi ang sarili mong Salita. Ipinangako mo na ako’y magiging ganap kay Kristo, na ako ay hindi mo hahayaang mahulog, at si Hesus ang aking magiging taga-pamagitan. Ipinangako mo na bubuksan mo ang iyong pandinig sa aking mga kahilingan at tutustusan ang lahat ng aking mga pangangailangan. O, Panginoon, mahabag at ipagkaloob ang iyong biyaya sa akin ngayon, sa sandali ng aking pangangailangan. Amen!”

Nananalig ako na ng Diyos ay kahanga-hangang nalulugod kapag tayo ay lumapit sa kanyang trono na may ganitong walang-takot. Itinatali siya sa kanyang sariling Salita. Ito ay para bang sinasabi niya sa atin, “ Sa wakas, nakuha mo rin. Nilugod mo ako!”

Huwebes, Hunyo 12, 2008

ANG NALALAPIT NA PAGDATING NI KISTO

Isinulat ni Pablo, “Tungkol naman sa pagparito ng ating Panginoong Hesu-Kristo at sa pagtitipon niya sa atin, ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na huwag kayong magugulat agad o mababahala sa balitang dumating na ang Panginoon” (2 Tesalonica 2:1-2).

Ipinakikita ng mga mangungutya, “Nakita ninyo, mayroon sa mga naunang iglesya ang yumanig sa mga mananampalataya na may pahayag na si Kristo ay padating na. At sinabi ni Pablo sa kanila, ‘Hindi, huwag kayong mag-alala tungkol dito. Huwag ninyong hayaang makabahala o makabalisa ito sa inyo.’”

Ngunit hindi iyon ang isiniwalat ng orihinal na Griyego. Ang ugat na salita ay “[huwag mayanig]…na ang araw ng Diyos ay dumating na.” Ang nakabahala sa mga taga Tesalonica ay yaong inisip nilang si Kristo ay dumating na at ito ay di nila nakita. Muling tiniyak ni Pablo sa kanila sa sumunod na kapitulo, “Sa anumang paraan, huwag kayong padadaya kaninuman. Ang araw ng Panginoon ay hindi darating hangga’t di nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail, ang itinalaga sa walang katapusang kaparusahan” (2:3). Si Pablo ay nangungusap lamang sa kanilang mga takot nang sinabi niya , “Huwag kayong mag-alala sapagkat mayroon munang dalawang bagay na dapat mangyari.”

Kaya, ano ang pangunahing teolohiya ni Pablo sa tungkol sa pagdating ni Kristo? Natagpuan natin ito sa dalawang daanan: “Dapat ninyong gawin ito sapagkat alam ninyong panahon na upang gumising kayo sa pagkakatulog. Ang paglilgtas sa atin ay higit na malapit ngayon kaysa noong tayo’y magsimulang manalig sa kanya” (Roma 13:11-12). “Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kagandahang loob. Malapit nang dumating ang Panginoon” (Filipos 4:5). Si Pablo ay tumangis, “Gumising kayo! Lampas na ang hating-gabi. Ang pagdating ni Kristo ay malapit na, kayat gumising kayo. Huwag kayong maging batugan. Si Hesus ay darating para sa mga umaasa sa kanya.”

Maaring tanungin ng mga mapangila, “Ngunit paano ang mismong salita ni Pablo? Sinabi niya na may dalawang bagay na dapat munang mangyari bago dumating si Kristo. Una, hindi darating si Kristo hanggang hindi nangyayari ang matinding pagbalikwas. Pangalawa, ang anti-Kristo ay babangon muna at ihahayag ang sarili na siya ang Diyos. Kailangang makita natin ang anti-Kristo na nakaupo sa templo, hinihingi na siya ay sambahin, bago dumating si Hesus.”

Bago ang lahat, kailangang munang payag kang magbulag-bulagan upang hindi makita ang nagngangalit na pagbalikwas ay mahigpit na nakahawak sa sanlibutan. Kawalan ng pananalig ay tumatagas sa gitna ng mga nasyon, na ang mga mananampalataya ay nahuhulog palayo sa pananalig sa lahat ng kapaligiran. Ang pagbalikwas na binanggit ni Pablo ay maliwanag na dumating na.

Maaring sabihin ng iba, “maliwanag na sinabi ni Pablo na hindi darating si Hesus hanggang wala ang anti-Kristo sa kapangyarihan.” Isa-alang-alang ang sinabi ng Kasulatan: “Sino nga ang sinungaling? Hindi ba ang tumatangging si Hesus ang Kristo? Ito nga ang anti-Kristo: ang ayaw kumilala sa Ama at Anak” (1 Juan 2:22). Ayon kay Juan, ang anti-Kristo ay ang itinatanggi ang Ama at Anak. At higit pa, sinabi niya, ang pagdami ng mga anti-Kristo ay patunay na tayo ay namumuhay sa mga huling-araw. Sa madaling sabi, wala nang pumipigil pa sa pagbabalik ni Kristo!

GUMAGAMIT NG TAO ANG DIYOS

Ang Diyos ay gumagamit ng tao upang palakasin ang ibang tao. Ini-ibig niya ang ministeryong ito na ginamit niya ang propetang si Malakias upang magpahayag tungkol dito bilang mahalagang gawain sa mga nalalabing araw. Isinalarawan ni Malakias kung paano, noong panahon niya, ang mga tao ng Diyos ay nagpapalakasan sa bawat isa sa pamamagitan ng isa sa isang paghuhubog budhi: “Pagkatapos ay nag-usap-usap ang mga taong may takot kay Yahweh. Narinig niya ang kanilang usapan, kaya ipinatala niya sa isang aklat ang kanilang pangalan” (Malakias 3:16).

Kailan talaga ito nangyari? Ang mga salita ni Malakias ay dumating sa panahon ng laganap na kawalan ng pagiging makadiyos, nang ang “mamumuksa” ay winasak ang maramimg bunga sa lupa. Ang mga tao ng Diyos ay nagsimula nang masuya at nagsimula ng magduda na ang lumakad kasama ang Diyos ay makabuluhan. Inisip nila, “Sinabihan tayo na mapalad ang maglingkod sa Diyos, sumunod sa Salita niya at pasanin ang kabigatan niya. Ngunit habang minamasdan natin ang kapaligiran ang mga palalo at mga nakikipagkasundo, ay siyang lumalabas na mga maligaya sa buhay. Nagpapatuloy sila sa karangyaan, namumuhay na walang-ingat, at lubusang nagtatamasa.

Ang Banal na Espiritu ay nagsimulang kumilos sa Israel, at kasunod nito ang takot sa Panginoon ay dumating sa mga gutom sa Diyos. Kaginsa-ginsay halos lahat sa Israel, bata at matanda, ay naging solo-solong misyonaryo. Sa panghihikayat ng Espiritu, ang mga tao ay nag-usap-usap sa bawat isa, nagpapalaguang-budhi sa bawat isa at nagpapalakasan at ina-aliw ang lahat sa kapaligiran nila.

Naniniwala ako na ang salita ni Malakias tungkol sa ministeryong ito ay sumasalamin sa pangkasalukuyang panahon. Ibinigay niya ang larawan ng pagbuhos ng Banal na Espiritu sa mga huling araw, at ang mga tao ng Diyos ay huminto sa tsismisan at paghihimutok at sa halip ay nangaral ng pagpapalakasan. Nangyayari ito sa pamamagitan ng telepono, ng liham, sa makabagong-liham (e-mail), at harap-harapan. At ang Diyos ay ganap na naulugod sa ministeryong ito, sinabihan tayo na isinulat niya ang lahat. Bawat mabuting salita na winika, bawat tawag na ginawa, bawat liham na isinulat, bawat pagsisikap na aliwin ang mga nanghihina ay nakatala sa isang “aklat ng gunita.” At sinabi ng Bibliya na ang bawat isa sa atin na ang ginawa ay naitala ay mahalaga sa kanya: “Sila’y magiging akin, sabi ni Yahweh. Sa araw na ako’y kumilos, lubusan silang magiging akin. Kaaawaan ko sila, tulad ng pagkalinga ng isang ama sa anak na naglilingkod sa kanya” (Malakias 3:17).

Maging katulad ni Tito sa isang pinanghihinaan ng espiritu. Manalangin na magkaroon ng espiritu ni Onesiporo, na hinanap ang mga nagdurusa upang maakay sa pagpapagaling. Isipin ito: Binigyan ka ng lahat ng kapangyarihan ng langit upang palakasin ang nagdurusang mananampalataya, isang nangangailangan ng palubag-loob na bukod-tanging ibinigay sa iyo. Oo, mayroong mga tao na kailangan ka at ang Panginoon ay nagtangka na ang iyong nakaraang palubag-loob ay magamit para palakasin sila. Tawagan ang taong iyon ngayon at sabihin, “Kapatid, nais kong ipanalangin at buhayin ang loob mo. Mayroon akong magandang sasabihin sa iyo.”

Miyerkules, Hunyo 11, 2008

DAAN PATUNGO SA DIYOS

Hinanap ko ang Panginoon sa pananalangin at tinanong ko siya, “Ano ang pinakamahalagang sangkap ng paggawa mo sa amin bilang iyong templo?” Ito ang dumating sa akin: daanan na may kasamang katapangan at pananalig. Sinabi ni Pablo tungkol kay Kristo, “Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makalalapit tayo sa Diyos na panatag ang loob” (Efeso 3:12).

Sa templo ng mga Hudyo, maliit lamang ang daan patungo sa Diyos. Sa katunayan, ang daang ito ay nakalaan lamang sa mga namumunong ministro, at ito ay minsan isang taon lamang. Kapag dumating ang panahon, ang ministro ay papasok sa presensiya ng Diyos na may takot at panginginig. Alam niya na siya ay maaring mabugbog sa paglapit sa luklukan ng kapatawaran na may kasalanang di-mapatawad sa kanyang puso.

Ngayon ang Diyos ay lumitaw mula sa maliit, na ipinagbabawal na silid. At siya ay dumating sa atin ng tuwiran sa ating kahihiyan at katiwalian. Sinasabi niya sa atin, “Ako’y dumating upang manahan sa iyo. Hindi mo kailangang ikubli ang iyong dumi at kawalan ng pag-asa mula sa akin. Pinili kita sapagkat gusto kita at aking gagawing tahanan ang iyong katawan, aking tirahan, aking tahanan.

“Aking ipadadala ang aking Banal na Espiritu, na sasantipikahin ka. Lilinisin niya at wawalisin ang bawat silid, upang ihanda ang iyong puso bilang akin ngunit hindi yaon lamang. Pauupuin kita sa aking tabi at hihikayatin kitang lumapit ng may tapang sa aking trono, na may pananalig. Nakita mo, nais ko na humiling ka sa akin ng kapangyarihan, grasya, lakas, lahat ng kailangan mo. Ibinaba ko ang langit sa iyong kaluluwa, upang ikaw ay magkaroon ng daan sa lahat ng ito. Ikaw ay mayaman, ngunit hindi mo ito alam. Ikaw ay isang tagapagmana nang lahat ng aking kaluwalhatian

Ang tanging dahilan kung bakit ang iyong katawan ay banal ay sapagkat ang Banal na Espiritu ay naninirahan doon. At ito ay pinanatiling banal dahil lamang sa kanyang patuloy na presensiya at kapangyarihan. Hindi mo ito magagawa. Ikaw ay naging isang nerbiyoso dahil lamang sa pagsisikap na bantayan ang lahat ng papasukan. Nawawalan ka ng pag-asa kapag nabigo ka na pigilan ang pagpasok ng alikabok at dumi na dala ng hangin papasok. Ikaw ay napapagal sa pagtakbo sa bawat silid, nagwawalis at nagpupunas, nagsisikap na pagandahin ang mga bagay dito.

Ang bawat Kristiyano ay dapat na magalak sa katotohanang ito. Ang Diyos ay nasa iyo! At siya ay laging nasa iyo, kaya’t sino ang sasalungat sa iyo?

Martes, Hunyo 10, 2008

PAGPAPALAKI NG PUSO

Ang mga ebanghelistang sina George Whitefield at John Wesley ay dalawa sa mga dakilang mangangaral sa kasaysayan. Ang mga lalaking ito ay nangaral sa libu-libo sa mga lawad na pagtitipon, sa kalsada, sa mga liwasan at mga piitan, at sa pamamagitan ng kanilang ministeryo marami ang nadala kay Kristo. Ngunit may pagtatalong katuruan ang namuo sa pag-itan ng dalawang lalaking ito tungkol sa kung paano ang isang tao masantipika. Ang bawat doktrinal na kampo ay ipinaglaban ng mahigpit ang kanilang paninindigan, at nagkaroon ng palitan ng mga mababagsik na salita, na ang mga tagasunod ng dalawang lalaki ay nagtatalo sa di-angkop na pag-uugali.

Isang tagasunod ni Whitefield ang nagtungo sa kanya isang araw at nagtanong, “Makikita kaya natin si John Wesley sa langit?” Itinatanong niya, na may kakanyahan, “Paano maliligtas si Wesley kung nangangaral siya ng mali?”

Sumagot si Whitefield, “Hindi, hindi natin makikita si John Wesley sa langit. Siya ay lubos na papaitaas malapit sa trono ni Kristo, sobrang lapit sa Panginoon, na hindi natin makikita.”

Tinawag ni Pablo ang uri ng espiritung ito na“pagpapalaki ng puso.” At ito ay nasa kanya rin ng sumulat siya sa mga taga Corinto, isang iglesya na kung saan ang ilan ay inakusahan siya ng katigasan at mga nanuya sa kanyang pangangaral. Tiniyak ni Pablo sa kanila, “Tapatan ang pagsasalita ko sa inyo, mga taga Corinto. Kung ano angnasa loob ko ay siya kong sinasabi” (2 Corinto 6:11).

Kapag pinalaki ng Diyos ang iyong puso, kaginsa-ginsay maraming hangganan at hadlang ang natatanggal. Hindi ka na nakakakita sa maliit na lente lamang. Sa halip makikita mo ang sarili mo na inaakay ng Banal na Espiritu doon sa mga nagdurusa. At ang mga nagdurusa ay hinihila palapit sa iyong mahabaging espiritu sa pamamagitan ng pang-akit ng Banal na Espiritu.

Kaya, mayroon ka bang malambot na puso kapag nakakakita ka ng mga taong nagdurusa? Kapag nakakita ka ng isang kapatiran na natisod sa kasalanan o may mga suliranin, ikaw ba’y natutukso na sabihin kung ano ang mali sa buhay nila? Sinabi ni Pablo na ang mga nagdurusa ay kailangan maipanumbalik sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at kahinahunan. Kailangan nila na matagpuan ang Espiritu ni Hesus na kanyang ipinamalas.

Narito ang tangis ng aking puso sa mga natitira ko pang mga araw: “O Diyos, alisin mo ang kakiputan ng aking puso. Nais ko ang espiritu ng iyong kahabagan para doon sa mga nagdurusa…ang iyong espiritu ng pagpapatawad kapag nakakakita ako ng isang nawalan ng puri… ang iyong espiritu ng pagpapanumbalik, upang maalis ang kanilang pagsisisi.

“Alisin mo ang lahat ng pagsasarili mula sa aking puso, at palakihin ang aking kakayahan na ibigin ang aking mga kalaban. Kapag lumapit ako sa isang tao na nagkakasala, huwag mo akong hayaan na humusga. Sa halip, hayaan mo na ang balon ng tubig na dumadaloy sa akin ay maging ilog ng banal pag-ibig para sa kanila. At hayaang ang pag-ibig na ipinamalas sa kanila ay magningas na pag-ibig para sa iba.”

Lunes, Hunyo 9, 2008

INI-IBIG NG DIYOS ANG IGLESYA

Ang tunay na iglesya ni Hesu-Kristo ay ang kina-aaliwan ng mga mata ng Panginoon. Gayunman mula sa simula, ang kanyang iglesya ay dumanas ng pagbabalikwas at mga huwad na mangangaral. Ang mga naunang iglesya—yaong mga apostolikong katawan na itinatag ni Pablo at nang mga apostol—ay mayroong kapunuan ng pagpapayo ng Diyos na ipinangaral sa kanila. Walang “nakamit na paglago at katatagan” ang itinago mula sa mga taga-sunod ni Kristo. Iginawad ang katotohanan sa kanila, hindi lamang sa salita kundi sa pagpapatunay at kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

Nagbabala si Pablo kay Timoteo na darating ang panahon na ang ilang mga tao ng Diyos “Sapagkat darating ang panahong hindi na nila pakikinggan ang wastong aral; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Mangangalap sila ng mga gurong walang ituturo kundi ang mga bagay lamang na gusto nilang marinig (ang tinatawag na mahiwagang-katotohanan)” (2 Timoteo 4:3-4).

Ang kasaysayan ay nagtala na ito ay naganap na katulad ng hula ni Pablo. Pagkamatay ng apostol—at ang salin-lahing umupo sa ilalim ng kanilang katuruan ay pumanaw—isang sapakatan ng makasalanang pagkakamali ay bumaha sa iglesya. Ang mga mananampalataya ay tinukso ng mga kakatwang mga katuruan—at agham at pilosopiya na nagpa-agnas sa katotohanan ng Magandang Balita ni Kristo.

Isa-alang-alang ang sinabi ni Pablo sa kadalisayan ng iglesya ni Kristo: “Si Kristo…inihandog niya ang kanyang buhay para rito, upang ang iglesiya’y italaga sa Diyos matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita. Ginawa niya ito upang maiharap sa kanyang sarili ang iglesya, marilag, banal, walang batik, at walang anumang dungis o kulubot” (Efeso 5:25-27).

Ang mahalagang ikinababahala ng Diyos ay hindi tungkol sa iglesyang bumalikwas. Maging ang pagbalikwas ay hindi kayang patayin o puksain ang iglesya ni Hesu-Kristo. Kahit na ano ang mga suliraning ito, ang lahat ay nasa pangangalaga ng Diyos, at ang kanyang mahiwaga, hindi nakikita, nangingibabaw na iglesya ay hindi mamamatay. Sa halip, ang ilog ng Banal na Espiritu ay dumadaloy patungo sa “patay na dagat” ng mga bumalikwas na iglesya, nagbunyag ng mga di-makatarungan at panlalamig. At ito ay nagbigay dahilan sa bagong buhay na maglitawan.

Yaong mga tumalikod mula sa kamatayan, walang buhay ay maaring mga bakas na lamang. Gayunman, ipinahayag ni Hesus: “ang bukirin ay hinog na upang anihin. At mayroon pang panahon ang mga manggagawa na magpatuloy.” Wala sa anumang bahagi ng Kasulatan na nagsabi na ang Banal na Espiritu ay lumisan sa tagpo, iniwan ang mga natuyong ani. Ang Espiritu ng Diyos ay patuloy sa gawain, nagpapatunay, humihikayat, at inaakay ang mga ligaw kay Kristo, kasama yaong mga bumalikwas.
Ang ulap ng mga maka-langit na saksi ay nagsasabi na huwag tumingin sa paghuhusga, huwag tumuon sa “paghawak sa moog.” Ito pa rin ang panahon ng Banal na Espiritu, na naghihintay na punuan ang bawat nagnanais na sisidlan.

Ini-ibig pa rin Diyos ang kanyang iglesya, may mga dungis at lahat!

Biyernes, Hunyo 6, 2008

MAGING HANDA

Sa Mateo 24 gumamit si Hesus ng parabola upang mangaral tungkol sa pagiging handa sa kanyang pagbalik: “Kaya maging handa kayo lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan. Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alipin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayon sa pagbabalik ng kanyang panginoon. Sinasabi ko sa inyo; pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian.

Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, ‘Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon, at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at isasama sa mga mapag-paimbabaw. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin” (Mateo 24: 44-51).

Itala na si Hesus ay nangungusap tungkol sa mga lingkod dito, pakahulugang mga mananampalataya. Isang alipin ay tinawag na tapat at isa ay masama. Ano ang dahilan bakit tinawag na masama ang huli sa mata ng Diyos? Ayon kay Hesus, ito ay isang bagay na “sasabihin niya sa kanyang puso” (24:48). Ang aliping ito ay hindi nagsasabi sa kanyang isipan at hindi niya ito ipinangangaral. Ngunit iniisip niya ito. Ipinagbili niya ang kanyang puso sa mala-dimonyong kasinungalingan, “Ipinagpaliban ng Panginoon ang kanyang pagbabalik.” Pansinin hindi niya sinabi, “Ang Panginoon ay hindi darating,” ngunit ipinagpaliban niya ang pagbalik.” Sa ibang salita, “Si Hesus ay hindi biglaang darating o kaya’y hindi inaasahan. Hindi siya babalik sa aking panahon.”

Ang “masamang aliping ito” ay malinaw na isang uri ng mananampalataya, marahil isa sa ministeryo. Siya ay inutusan na “magbantay” at “maging handa,” “sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan” (Mateo 24:44). Gayunman ang lalaking ito ay pinagaan ang kanyang budhi sa pagtanggap ng kasinungalingan ni Satanas.

Ipinakita ni Hesus sa atin ang bunga ng ganitong uri ng pag-iisip. Kapag ang isang alipin ay naniniwala na ipinagpaliban ng Panginoon ang kanyang pagbabalik, kung gayon ay wala siyang nakikitang dahilan upang mamuhay na matuwid. Hindi niya kailangan na makipag-isa at mamuhay ng mapayapa kasama ang kapwa alipin. Hindi niya nakikita ang pangangailangan na mapag-ingatan ang pagkaka-isa sa kanyang tahanan at trabaho, sa iglesya. Maari niyang pagmalupitan ang kapwa alipin, akusahan sila, magtanim ng sama ng loob, siraan ang kanilang puri. Katulad ng sabi ni Pedro, ang lalaking ito ay dinadala ng kahalayan. Nais niyang mamuhay sa dalawang mundo, ang mamuhay na makasalanan habang naniniwala na siya ay ligtas mula sa makatuwirang paghuhusga.

Huwebes, Hunyo 5, 2008

ANG MGA KASINUNGALINGAN NG KAAWAY

Sa mga sandali ng ating mga pagsubok at tukso, si Satanas ay dumarating sa atin na dala ang mga kasinungalingan: Napaliligiran ka at wala ka nang malalabasan. Mga mas magagaling na lingkod ay lumisan sa katayuang mahigit pa dito. Ngayon pagkakataon mo naman para bumaba. Ikaw ay bigo, kung hindi, di mo pagdadaanan ang mga ito. Mayroong mga bagay na mali sa iyo at ang Diyos ay hindi nalulugod.

Sa gitna ng kanyang pagsubok, tinanggap ni Hezekias ang kanyang kahinaan. Napag-isipan ng hari na wala siyang lakas na pigilan ang tinig na nagngangalit sa kanya, tinig ng kawalan ng pag-asa, pananakot at mga kasinungalingan. Alam niya na hindi niya kayang iligtas ang sarili niya sa pakikipaglaban, kayat hinanap niya ang Panginoon upang humingi ng tulong. At sumagot ang Diyos sa pamamagitan ng pagsugo ng propetang Isaias na dala ang mensaheng: “Narinig ng Diyos ang iyong tangis. Ngayon, sabihin kay Satanas na nasa iyong tarangkahan, ‘Ikaw ang babagsak. Sa daanang pinasukan mo, ang siya mo ring lalabasan.’”

Si Hezekias ay muntik nang nahulog sa panlilinlang ng kaaway. Ang katunayan ay, kung hindi tayo maninindigan sa kasinungalingan ni Satanas—kung sa oras ng kagipitan, hindi tayo sasandal sa pananalig at panalangin, kung hindi tayo kukuha ng lakas mula sa pangako ng Diyos na kaligtasan—ang diyablo ay susugurin ang nanghihina nating pananalig at lalong palalakasin ang kanyang pagsugod.

Si Hezekias ay nakakuha ng katapangan sa salita na kanyang natanggap, at nasabi niya kay Sennacherib sa di-tiyak na katawagan: “Diyablong hari, hindi mo ako nilait, Ikaw mismo ang nagsinungaling sa Diyos. Ililigtas ako ng Panginoon ko. At sapagkat nilait mo siya, haharapin mo ang kanyang poot!”

Sinabi ng Bibliya sa atin na kahima-himalang iniligtas si Hezekias at Judas sa gabing yaon: “Nang gabing yaon, pinasok ng anghel ni Yahweh ang kampo ng mga taga-Asiria at napatay niya ang 125,000 kawal. Kinabukasan, nang bumangon ang mga hindi napatay, nakita nilang naghambalang ang mga bangkay” (2 Hari 19:35).

Ang mga mananampalataya ngayon ay naninindigan hindi lamang sa pangako kundi maging sa pagbubuhos ng dugo ni Hesu-Kristo. At sa dugong iyon may tagumpay tayo sa bawat kasalanan, tukso at pakikipaglaban na ating kakaharapin. Maaring ikaw ay nakatanggap ng liham mula sa diyablo kamakailan lamang. Tanong ko sa iyo: naniniwala ka ba na alam ng Diyos ang mga padating mong pagsubok? Nang mga kahangalan mong kilos? Ang bawat pagdududa mo at takot? Kung ganon, mayroon kang halimbawa ni David sa harap mo, na nanalangin, “ang abang lalaking ito ay tumangis at iniligtas siya ng Panginoon.” Gagawin mo rin ba iyon?

Miyerkules, Hunyo 4, 2008

KAPAYAPAAN AT BANAL NA ESPIRITU

Kanino iginagawad ni krsito ang kanyang kapayapan? Maari mong isipin, “Hindi ako karapatdapat na mabuhay sa kapayapaan ni Kristo. Marami akong paghihirap sa aking buhay. Lubos na mahina ang aking pananalig.”

Marapat mong gawin na isaalang-alang ang mga kalalakihan na kung kanino iginawad ni Kristo ang kanyang kapayapaan. Walang sinuman sa kanila ang karapatdapat, at walang sinuman ang may karapatan dito. Marapat mong gawin na isaalang-alang ang mga kalalakihan na kung kanino iginawad ni Kristo ang kanyang kapayapaan. Walang sinuman sa kanila ang karapatdapat, at walang sinuman ang may karapatan dito.

Isipin mo si Pedro. Igagawad na ni Hesus ang kanyang kapayapaan sa isang ministro ng Magandang Balita na sa nalalapit ay magbubuga ng panglalait at blaspemya. Si Pedro ay masigasig sa pag-ibig ni Kristo, ngunit siya ay itatatwa nito.

At nandoon din si Santiago at ang kanyang kapatid na si Juan, na may palabang espiritu, laging nagsisikap na makilala. Hiniling nilang maupo sa kanan at kaliwa ni Hesus nang siya ay pumaitaas sa kanyang trono ng kaluwalhatian.

Ang ibang disipulo ay hindi rin naging makatuwiran. Sumusulak ang galit nila kay Santiago at Juan dahilan sa kanilang pakikipag-agawan ng pansin. Nandoon si Tomas, tao ng Diyos na nagduda. Lahat ng disipulo ay nagkulang sa pananalig, ikinagulat at nakahapit ito kay Hesus. Sa katunayan, sa mga oras ng kaguluhan ni Kristo, silang lahat ay iiwan siya at tatakas. Maging pagkatapos ng Muling-pagkabuhay, kapag kumalat ang balita na si “Hesus ay muling nabuhay,” ang mga disipulo ay hindi basta naniwala.

Ngunit mayroong mas higit pa doon. Sila ay mga naguguluhang ring mga kalalakihan. Hindi nila nauunawan ang pamamaraan ng Diyos. Sila ay naguguluhan sa kanyang mga talinghaga. Pagkatapos ng Pagpapako sa Krus, nawala ang kanilang mga kamalayan ng pagkaka-isa, nagkawatak-watak sa ibat-ibang patutunguhan.

Nakakagulat na paglalarawan: Ang mga lalaking ito ay punung-puno ng takot, kawalan ng pananalig, pagkawatak-watak, kalungkutan, kaguluhan, paglalaban-laban, pagmamalaki. Gayunman dito rin sa mga naguguluhang mga lingkod na ito sinabi ni Hesus, “Ibibigay ko sa inyo ang aking kapayapaan.”

Ang mga disipulo ay hindi pinili sapagkat sila mabuti o makatuwiran; ang mga iyon ay malinaw. O dahil sila ay mayroong talino o mga kakayahan. Sila ay mga mangingisda at mga pangkaraniwang manggagawa, matiisin at mapagpakumbaba. Tinawag ni Kristo at pinili ang mga disipulo sapagkat may nakita siya sa kanilang mga puso. Habang nakatingin siya sa kanila, alam niya na ang bawat isa ay susuko sa Banal na Espiritu.

Sa puntong ito, ang lahat lamang na mayroon ang mga disipulo ay ang pangako ng kapayapaan ni Kristo. Ang kapunuan ng kapayapaang iyon ay ibibigay pa lamang sa kanila, sa Pentekostes. At iyon ang panahon na darating ang Banal na Espiritu at mananahan sa kanila. Natanggap natin ang kapayapaan ni Kristo mula sa Banal Espiritu. Ang kapayapaang ito ay dumarating sa atin habang inihahayag ng Espiritu si Kristo sa atin. Kung higit mong hinahanap si Hesus, higit rin na ipakikita siya ng Banal na Espiritu—at higit pang tunay na kapayapaan ang makakamit mo.

Martes, Hunyo 3, 2008

ANG MAHALAGANG BAGAY NA NAKABABAHALA ANG DIYOS

Sa gitna nitong pansalibutang “pagyanig ng lahat ng bagay,” ano ang mahalaang bagay na nakababahala sa Diyos sa lahat ng ito? Ito ba’y ang mga pangyayari sa Gitnang-Silangan? Hindi. Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na ang Ang paninging ng Diyos ay nakatuon sa kanyang mga anak: “Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig ay kinakalinga” (Awit 33:18).

Batid ng Panginoon ang bawat galaw sa sanlibutan, ng lahat ng bagay na buhay. At gayunman ang kanyang pagtingin ay nangungunang nakatuon sa maayos na kalagayan ng kanyang mga anak. Nakapirmi ang kanyang mga mata sa mga kirot at pangangailangan ng bawat bahagi ng kanyang espirituwal na katawan. Sa madaling sabi, anuman ang nakasasakit sa atin ay nakababahala sa kanya.

At upang patunayan ito sa atin, sinabi ni Hesus, “Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan sa impiyerno” (Mateo 10:28). Maging sa gitna ng mga digmaang pandaigdig, ang pangunahing pansin ng Diyos ay hindi sa mga mang-aapi. Ang kanyang pansin ay nakatutok sa bawat kalagayan ng buhay ng kanyang mga anak.

Sinabi ni Hesus sa sumunod na kapitulo: “Hindi ba ipinagbibili ang maya ng dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama” (Mateo 10:29). Sa panahon ni Kristo, ang maya ay ang karne ng mahihirap at ipinagbibili ng dalawa isang pera. Gayunman, sinabi ni Hesus, “kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama.”

Ang paggamit ni Hesus sa salitang “nahulog” sa kapitulong ito ay nagpapahayag ng higit pa sa kamatayan ng ibon. Ang pakahulugan nito sa Aramaic ay “magliwanag sa lupa.” Sa ibang salita, “nahulog” dito ay nagpapamalas ng bawat pagtalon na ginagawa ng ibon.

Sinasabi ni Kristo sa atin, “Ang paningin ng Ama ay nasa maya hindi lamang kapag ito ay namatay ngunit maging sa pagliwanag nito sa lupa. Habang natututunan ng maya ang paglipad, nahulog ito mula sa pugad at nagsisimulang tumalon-talon sa lupa. At nakikita ng Diyos ang bawat pagsusumikap nito. Siya ay nababahala sa bawat munting bahagi ng buhay nito.”

At idinagdag pa ni Hesus, “kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya” (10:31). Sa katunayan, sinabi niya, “Maging ang buhok ninyo ay bilang na lahat” (10:30). Sa madaling sabi, Siya na lumikha at nagbilang ng lahat na bituin—siyang nakamatyag sa bawat kilos ng kaharian ng Roma, siya na nangangalaga sa pag-ikot ng galaksiya—ang pansin ay nakatuon sa iyo. At itinanong ni Hesus, “Hindi ba mas mahalaga ka sa kanya?”

Lunes, Hunyo 2, 2008

KAHANGA-HANGANG KAPAYAPAAN!

Binigyan tayo ni Hesus ng higit pa sa isang dahilan kung bakit kailangan natin ang kanyang kapayapaan. Sinabi ni Kristo sa kanyang mga disipulo sa Juan 14:30, “Dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito.” Ano ang kahulugan ng kanyang pahayag? Kasasabi lang niya sa labindalawa, “Hindi na ako pakahahaba ng pagsasalita sa inyo” (14:30). Pagkatapos ay ipinaliwanag niya: “Dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito.”

Alam ni Hesus na si Satanas ay kumikilos ng mga oras iyon. Si Hudas ay nahikayat na ng diyablo na ipagkanulo siya. At alam ni Kristo na ang mga relihiyosong namumuno sa Herusalem ay nabigyan na ng kapangyarihan ng mga mapangyarihan sa impiyerno. At batid niya rin na ang mga taong-bayan na may mala-diyablong sigla ay padating na upang siya ay dakpin bilang isang bihag. At iyon ang kalagayan ng sinabi ni Hesus sa mga disipulo, “Si Satanas, isang buhong, ay padating na. kaya’t hindi na ako makikipag-usap sa inyo.”

Alam ni Hesus na kailangan niya ng panahon kasama ng Ama upang mapaghandaan ang padating na hidwaan. Siya ay malapit nang ibigay sa kamay ng mga buhong, katulad ng kanyang sinabi. At alam niya na ginagawa lahat ni Satanas upang yanigin ang kanyang kapayapaan. Ang diyablo ay ginugulo at tinatangka na mawalan siya ng pag-asa, lahat upang durugin ang pananalig ni Kristo sa Ama—lahat upang maiiwas siya sa Krus.

Maaring ikaw ay ligalig, iniisip, “Tapos na ang lahat, hindi ko na kakayanin.” Ngunit sinabi ni Hesus “Alam ko ang pinagdadaanan mo. Lumapit at inumin ang aking kapayapaan.”

Sa mga sandaling ito maaring dumaranas ka ng matinding kagipitan na hindi mo pa nararanasan. Maaring ang buhay mo ay wala sa ayos at ang mga bagay ay mukhang wala nang pag-asa. Mukhang wala ka nang patutunguhan at bawat lugar na iyong puntahan ay lalong lumalala ang iyong kagipitan, kaguluhan at kapaguran

Hindi mahalaga ang iyong pinagdadaanan. Ang buhay mo ay maaring animo ay dinaanan ng bagyo. Maaring matagalan mo ang mga pagsubok na naging dahilan upang tingnan ka ng iba bilang makabagong Job. Ngunit sa gitna ng iyong mga kagipitan, kapag tinawag mo ang Banal na Espiritu na binyagan ka sa kapayapaan ni Kristo, gagawin niya ito.

Ituturo ka ng mga tao at sasabihing, “Ang mundo ng taong iyon ay lubos na nadurog. Gayunman siya ay ganap na nagtitiwala sa Salita ng Diyos. Mabuhay o mamatay. Paano niya nagagawa ito? Paano niya nakakayanan ito? Dapat ay matagal na siyang sumuko. Gayunman siya ay hindi sumusuko. At sa gitna ng lahat ng ito, hindi niya isinubo ang lahat ng kanyang pinaniniwalaan. Isang kahanga-hangang kapayapaan! Ito’y higit pa sa pang-unawa ninuman.”