Huwebes, Hunyo 12, 2008

GUMAGAMIT NG TAO ANG DIYOS

Ang Diyos ay gumagamit ng tao upang palakasin ang ibang tao. Ini-ibig niya ang ministeryong ito na ginamit niya ang propetang si Malakias upang magpahayag tungkol dito bilang mahalagang gawain sa mga nalalabing araw. Isinalarawan ni Malakias kung paano, noong panahon niya, ang mga tao ng Diyos ay nagpapalakasan sa bawat isa sa pamamagitan ng isa sa isang paghuhubog budhi: “Pagkatapos ay nag-usap-usap ang mga taong may takot kay Yahweh. Narinig niya ang kanilang usapan, kaya ipinatala niya sa isang aklat ang kanilang pangalan” (Malakias 3:16).

Kailan talaga ito nangyari? Ang mga salita ni Malakias ay dumating sa panahon ng laganap na kawalan ng pagiging makadiyos, nang ang “mamumuksa” ay winasak ang maramimg bunga sa lupa. Ang mga tao ng Diyos ay nagsimula nang masuya at nagsimula ng magduda na ang lumakad kasama ang Diyos ay makabuluhan. Inisip nila, “Sinabihan tayo na mapalad ang maglingkod sa Diyos, sumunod sa Salita niya at pasanin ang kabigatan niya. Ngunit habang minamasdan natin ang kapaligiran ang mga palalo at mga nakikipagkasundo, ay siyang lumalabas na mga maligaya sa buhay. Nagpapatuloy sila sa karangyaan, namumuhay na walang-ingat, at lubusang nagtatamasa.

Ang Banal na Espiritu ay nagsimulang kumilos sa Israel, at kasunod nito ang takot sa Panginoon ay dumating sa mga gutom sa Diyos. Kaginsa-ginsay halos lahat sa Israel, bata at matanda, ay naging solo-solong misyonaryo. Sa panghihikayat ng Espiritu, ang mga tao ay nag-usap-usap sa bawat isa, nagpapalaguang-budhi sa bawat isa at nagpapalakasan at ina-aliw ang lahat sa kapaligiran nila.

Naniniwala ako na ang salita ni Malakias tungkol sa ministeryong ito ay sumasalamin sa pangkasalukuyang panahon. Ibinigay niya ang larawan ng pagbuhos ng Banal na Espiritu sa mga huling araw, at ang mga tao ng Diyos ay huminto sa tsismisan at paghihimutok at sa halip ay nangaral ng pagpapalakasan. Nangyayari ito sa pamamagitan ng telepono, ng liham, sa makabagong-liham (e-mail), at harap-harapan. At ang Diyos ay ganap na naulugod sa ministeryong ito, sinabihan tayo na isinulat niya ang lahat. Bawat mabuting salita na winika, bawat tawag na ginawa, bawat liham na isinulat, bawat pagsisikap na aliwin ang mga nanghihina ay nakatala sa isang “aklat ng gunita.” At sinabi ng Bibliya na ang bawat isa sa atin na ang ginawa ay naitala ay mahalaga sa kanya: “Sila’y magiging akin, sabi ni Yahweh. Sa araw na ako’y kumilos, lubusan silang magiging akin. Kaaawaan ko sila, tulad ng pagkalinga ng isang ama sa anak na naglilingkod sa kanya” (Malakias 3:17).

Maging katulad ni Tito sa isang pinanghihinaan ng espiritu. Manalangin na magkaroon ng espiritu ni Onesiporo, na hinanap ang mga nagdurusa upang maakay sa pagpapagaling. Isipin ito: Binigyan ka ng lahat ng kapangyarihan ng langit upang palakasin ang nagdurusang mananampalataya, isang nangangailangan ng palubag-loob na bukod-tanging ibinigay sa iyo. Oo, mayroong mga tao na kailangan ka at ang Panginoon ay nagtangka na ang iyong nakaraang palubag-loob ay magamit para palakasin sila. Tawagan ang taong iyon ngayon at sabihin, “Kapatid, nais kong ipanalangin at buhayin ang loob mo. Mayroon akong magandang sasabihin sa iyo.”