Ipinangako ng Diyos sa atin, “Ang Diyos ang lakas natin ang kanlungan at handang saklolo kung may kaguluhan” (Awit 46:1).
Ang pararilang “nasa-lahat-ng-lugar” ay nangangahulugan ng “laging nandito, laging nakahanda, laging bukas na daanan.” Sa madaling sabi, ang palagiang pesensiya ng Panginoon ay laging nasa atin. At kung siya’y laging nasa atin, kung gayon ang nais niya ay patuloy na pakikipag-usap sa atin. Nais niyang kausapin natin siya saan man tayo naroon: sa trabaho, kasama ang pamilya, kasama ang mga kaibigan, maging kasama ang mga hindi-mananampalataya.
Hindi ko tinatanggap ang kasinungalingan ni Satanas na kanyang isinaksak sa mga tao ng Diyos sa panahong ito: na ang Panginoon ay tumigil na sa pakikipag-usap sa kanyang mga tao. Nais ng kaaway na isipin natin na hinayaan ng Diyos si Satanas na lumago ang kapangyarihan at inpluensiya, ngunit hindi niya binigyan ang sarili niyang mga tao ng malaking kapangyarihan. Hindi, hindi kailanman! Sinasabi ng Kasulatan, “Tulad ng rumaragasang baha, darating si Yahweh, tulad ng bugso ng hangin” (Isaias 59:19). Hindi mahalaga anuman ang dalhin ng diyablo laban sa atin. Ang kapangyarihan ng Diyos sa kanyang mga tao ay higit pa sa panunuligsa ni Satanas.
Ang talatang ito mula sa Isaias ay iniuugnay sa tagapagdala ng bandila na nangungunang nakasakay sa unahan ng hukbo ng Israel. Ang Panginoon ay laging pinagungunahan ang kanyang mga tao sa digmaan sa likod ng kanyang makapangyarihang pamantayan. Katulad ngayon, ang Diyos ay may dakilang hukbo ng makalangit na hukbo na nakasakay pasugod sa ilalim ng kanyang bandila, nakahanda na ipatupad ang kanyang planong pandigma para sa atin.
Maari mong itanong, “Kaya paano nagdadala ng tulong ang Diyos sa atin sa ating kagipitan?” Ang kanyang tulong ay dumarating sa atin sa handog ng kanyang Banal na Espiritu, na naninirahan sa atin at gumaganap sa kalooban ng Ama sa ating mga buhay. Pauli-ulit na sinasabi ni Pablo sa atin na ang ating katawan ay templo ng Banal na Espiritu. Tayo pinanahanan ng Panginoon sa sanlibutan. Oo nga, inuulit natin madalas ang katotohanang ito, sa ating pagsamba at mga patotoo. Gayunman, marami pa rin sa atin ay hindi ito binibigyang halaga. Hindi natin basta maunawaan ang kapangyarihan na nananahan sa katotohanang ito. Kung ito ay panghahawakan natin at mananalig dito, hindi na tayo kailanman matatakot o masisindak.
Ako man ay hindi lubos na nakapanghawak sa aral na ito ng buo. Kahit na sa lahat ng mga taon ng aking ministeryo, natutukso pa rin ako na isipin na gumamit ng damdamin upang makarinig mula sa Diyos. Hindi, sinasabi ng Panginoon, “Hindi mo kailangang maghintay ng maraming oras para sa akin. Naninirahan ako sa iyo. Ako ay nasa iyo, gabi at araw.”
Makinig sa patotoo ni David, “Pinupuri ko si Yahweh na sa akin ay patnubay. Kahit gabi diwa niya ang sa aki’y umaakay. Nababatid ko na siya’y kasama ko oras-oras, sa piling n’ya kailanman’y hindi ako matitinag (Awit 16:7-8). Ipinapahayag ni David, “Ang Diyos ay laging nasa akin. At ako ay nakapagpasiya na kupkupin siya sa aking isipan. Tapat siya na ako’y akayin araw at gabi. Hindi kailanman ako dapat maguluhan.”