Ang mga ebanghelistang sina George Whitefield at John Wesley ay dalawa sa mga dakilang mangangaral sa kasaysayan. Ang mga lalaking ito ay nangaral sa libu-libo sa mga lawad na pagtitipon, sa kalsada, sa mga liwasan at mga piitan, at sa pamamagitan ng kanilang ministeryo marami ang nadala kay Kristo. Ngunit may pagtatalong katuruan ang namuo sa pag-itan ng dalawang lalaking ito tungkol sa kung paano ang isang tao masantipika. Ang bawat doktrinal na kampo ay ipinaglaban ng mahigpit ang kanilang paninindigan, at nagkaroon ng palitan ng mga mababagsik na salita, na ang mga tagasunod ng dalawang lalaki ay nagtatalo sa di-angkop na pag-uugali.
Isang tagasunod ni Whitefield ang nagtungo sa kanya isang araw at nagtanong, “Makikita kaya natin si John Wesley sa langit?” Itinatanong niya, na may kakanyahan, “Paano maliligtas si Wesley kung nangangaral siya ng mali?”
Sumagot si Whitefield, “Hindi, hindi natin makikita si John Wesley sa langit. Siya ay lubos na papaitaas malapit sa trono ni Kristo, sobrang lapit sa Panginoon, na hindi natin makikita.”
Tinawag ni Pablo ang uri ng espiritung ito na“pagpapalaki ng puso.” At ito ay nasa kanya rin ng sumulat siya sa mga taga Corinto, isang iglesya na kung saan ang ilan ay inakusahan siya ng katigasan at mga nanuya sa kanyang pangangaral. Tiniyak ni Pablo sa kanila, “Tapatan ang pagsasalita ko sa inyo, mga taga Corinto. Kung ano angnasa loob ko ay siya kong sinasabi” (2 Corinto 6:11).
Kapag pinalaki ng Diyos ang iyong puso, kaginsa-ginsay maraming hangganan at hadlang ang natatanggal. Hindi ka na nakakakita sa maliit na lente lamang. Sa halip makikita mo ang sarili mo na inaakay ng Banal na Espiritu doon sa mga nagdurusa. At ang mga nagdurusa ay hinihila palapit sa iyong mahabaging espiritu sa pamamagitan ng pang-akit ng Banal na Espiritu.
Kaya, mayroon ka bang malambot na puso kapag nakakakita ka ng mga taong nagdurusa? Kapag nakakita ka ng isang kapatiran na natisod sa kasalanan o may mga suliranin, ikaw ba’y natutukso na sabihin kung ano ang mali sa buhay nila? Sinabi ni Pablo na ang mga nagdurusa ay kailangan maipanumbalik sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at kahinahunan. Kailangan nila na matagpuan ang Espiritu ni Hesus na kanyang ipinamalas.
Narito ang tangis ng aking puso sa mga natitira ko pang mga araw: “O Diyos, alisin mo ang kakiputan ng aking puso. Nais ko ang espiritu ng iyong kahabagan para doon sa mga nagdurusa…ang iyong espiritu ng pagpapatawad kapag nakakakita ako ng isang nawalan ng puri… ang iyong espiritu ng pagpapanumbalik, upang maalis ang kanilang pagsisisi.
“Alisin mo ang lahat ng pagsasarili mula sa aking puso, at palakihin ang aking kakayahan na ibigin ang aking mga kalaban. Kapag lumapit ako sa isang tao na nagkakasala, huwag mo akong hayaan na humusga. Sa halip, hayaan mo na ang balon ng tubig na dumadaloy sa akin ay maging ilog ng banal pag-ibig para sa kanila. At hayaang ang pag-ibig na ipinamalas sa kanila ay magningas na pag-ibig para sa iba.”