Sa mga sandali ng ating mga pagsubok at tukso, si Satanas ay dumarating sa atin na dala ang mga kasinungalingan: Napaliligiran ka at wala ka nang malalabasan. Mga mas magagaling na lingkod ay lumisan sa katayuang mahigit pa dito. Ngayon pagkakataon mo naman para bumaba. Ikaw ay bigo, kung hindi, di mo pagdadaanan ang mga ito. Mayroong mga bagay na mali sa iyo at ang Diyos ay hindi nalulugod.
Sa gitna ng kanyang pagsubok, tinanggap ni Hezekias ang kanyang kahinaan. Napag-isipan ng hari na wala siyang lakas na pigilan ang tinig na nagngangalit sa kanya, tinig ng kawalan ng pag-asa, pananakot at mga kasinungalingan. Alam niya na hindi niya kayang iligtas ang sarili niya sa pakikipaglaban, kayat hinanap niya ang Panginoon upang humingi ng tulong. At sumagot ang Diyos sa pamamagitan ng pagsugo ng propetang Isaias na dala ang mensaheng: “Narinig ng Diyos ang iyong tangis. Ngayon, sabihin kay Satanas na nasa iyong tarangkahan, ‘Ikaw ang babagsak. Sa daanang pinasukan mo, ang siya mo ring lalabasan.’”
Si Hezekias ay muntik nang nahulog sa panlilinlang ng kaaway. Ang katunayan ay, kung hindi tayo maninindigan sa kasinungalingan ni Satanas—kung sa oras ng kagipitan, hindi tayo sasandal sa pananalig at panalangin, kung hindi tayo kukuha ng lakas mula sa pangako ng Diyos na kaligtasan—ang diyablo ay susugurin ang nanghihina nating pananalig at lalong palalakasin ang kanyang pagsugod.
Si Hezekias ay nakakuha ng katapangan sa salita na kanyang natanggap, at nasabi niya kay Sennacherib sa di-tiyak na katawagan: “Diyablong hari, hindi mo ako nilait, Ikaw mismo ang nagsinungaling sa Diyos. Ililigtas ako ng Panginoon ko. At sapagkat nilait mo siya, haharapin mo ang kanyang poot!”
Sinabi ng Bibliya sa atin na kahima-himalang iniligtas si Hezekias at Judas sa gabing yaon: “Nang gabing yaon, pinasok ng anghel ni Yahweh ang kampo ng mga taga-Asiria at napatay niya ang 125,000 kawal. Kinabukasan, nang bumangon ang mga hindi napatay, nakita nilang naghambalang ang mga bangkay” (2 Hari 19:35).
Ang mga mananampalataya ngayon ay naninindigan hindi lamang sa pangako kundi maging sa pagbubuhos ng dugo ni Hesu-Kristo. At sa dugong iyon may tagumpay tayo sa bawat kasalanan, tukso at pakikipaglaban na ating kakaharapin. Maaring ikaw ay nakatanggap ng liham mula sa diyablo kamakailan lamang. Tanong ko sa iyo: naniniwala ka ba na alam ng Diyos ang mga padating mong pagsubok? Nang mga kahangalan mong kilos? Ang bawat pagdududa mo at takot? Kung ganon, mayroon kang halimbawa ni David sa harap mo, na nanalangin, “ang abang lalaking ito ay tumangis at iniligtas siya ng Panginoon.” Gagawin mo rin ba iyon?