Kaya’t huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos at doo’y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito” (Hebreo 4:16). “Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makalalapit tayo sa Diyos nang panatag ang loob” (Efeso 3:12). Ang mga talatang ito ay nangungusap na walang takot na lumapit sa Diyos tungkol sa ating mga matitinding pangangailangan, na nakalulugod sa kanya.
Kapag ang Diyos ay nagsabi sa atin na huwag mag-atubiling lumapit sa kanyang trono, na may pananalig, ito ay hindi mungkahi. Ito ang higit na ninanais niya, at ito ay dapat pag-ingatan. Kaya, saan natin makukuha ang walang pag-aatubiling ito, itong daan na may pananalig, para sa panalangin?
“Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isat-isa, upang kayo’y gumaling” (Santiago 5:16). Ang salitang “mabisa” dito ay nanggagaling sa salitang ugat na Griyego na nangangahulugan na “isang matatag na katayuan.” Ito ay nagpapahiwatig ng isang di-matitinag, di-mayayanig na pag-iisip. Katulad din, “mataimtim” ay nangungusap ng walang-pag-aatubili na itinatag mula sa isang matibay na katibayan, ganap na katunayan na umaayon sa iyong kahilingan. Pagsamahin ang dalawang salitang ito---“mabisang mataimtim”—ay nangangahulugan nang paglapit sa korte ng Diyos lubos ang pananalig na ikaw ay mayroong matatag na nakahandang kaso. Ito ay higit pa sa madamdamin, maingay, nag-aalab na damdamin.
Ang ganitong panalangin ay nanggagaling lamang mula sa isang naglilingkod na nagsasaliksik sa Salita ng Diyos at lubos ang pananalig na ang Panginoon ay tutupad dito. Gayunman, mahalaga na walang-isa man sa atin ang lalapit sa presensiya ng Diyos na hindi natin pinanghahawakan ang kanyang Salita. Nais ng Panginoon na dala natin ang kanyang mga pangako, ipinapa-alala ito sa kanya, itinatali siya dito at pinaninidigan ito.
Nakita natin na ito ay inilarawan sa Gawa 10, nang si Pedro ay binigyan ng isang pangarap. Sinabi ng Diyos sa aspostol, “Mayroong mga kalalakihan na tutungo sa iyong tahanan, at hihikayating kang sumama sa kanila. Ipinadala ko ang mga kalalakihang ito, Pedro, kaya nais ko na sumama sa kanila ng walang pagdududa.”
Ano ang sinasabi ng talatang ito sa atin? Sinasabi nito na kapag ang Diyos ay nagpahayag ng isang bagay na tunay, tayo ay dapat na manalig at manindigan dito, na hindi nagdududa. Hindi natin basta maaring sukatin ang pagka-mapagkakatiwalaang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa ating katayuan o sa ating pagiging-karapt-dapat. Kapag ginawa natin ito, mauuwi lang tayo na makita ang sarili natin na hindi karapat-dapat. At mangungusap tayo sa ating sarili na ating inaangkin ang kanyang Salita at itatakda ito.
Gayunman, binigyan tayo ng tulong na makalapit sa trono ng Diyos na mahabagin. Sinasabi ng Bibliya na tayo ay mga humihiling sa kanyang trono, at si Kristo ay nandoon bilang ating taga-pamagitan o tagataguyod. Nasa atin din ang Banal na Espiritu na nakatayo sa tabi natin sa korte ng Ama. Ang Espiritu ay ang ating “espiritu santo,” isang tumatayo na ating tagapayo. Katabi natin siya na nagpapa-alala sa atin ng mga walang-hanggang batas at banal na saligang-batas na bumubuo sa Salita ng Diyos.
Kaya nasa atin ang mga di-kapani-pahiwala, mga pangako—ng isang tagataguyod at tagapayo, na nakatayo sa tabi natin—upang magbigay sa atin ng walang-pag-aatubili at katiyakan sa paglapit sa trono ng Diyos.