Ang tunay na iglesya ni Hesu-Kristo ay ang kina-aaliwan ng mga mata ng Panginoon. Gayunman mula sa simula, ang kanyang iglesya ay dumanas ng pagbabalikwas at mga huwad na mangangaral. Ang mga naunang iglesya—yaong mga apostolikong katawan na itinatag ni Pablo at nang mga apostol—ay mayroong kapunuan ng pagpapayo ng Diyos na ipinangaral sa kanila. Walang “nakamit na paglago at katatagan” ang itinago mula sa mga taga-sunod ni Kristo. Iginawad ang katotohanan sa kanila, hindi lamang sa salita kundi sa pagpapatunay at kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Nagbabala si Pablo kay Timoteo na darating ang panahon na ang ilang mga tao ng Diyos “Sapagkat darating ang panahong hindi na nila pakikinggan ang wastong aral; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Mangangalap sila ng mga gurong walang ituturo kundi ang mga bagay lamang na gusto nilang marinig (ang tinatawag na mahiwagang-katotohanan)” (2 Timoteo 4:3-4).
Ang kasaysayan ay nagtala na ito ay naganap na katulad ng hula ni Pablo. Pagkamatay ng apostol—at ang salin-lahing umupo sa ilalim ng kanilang katuruan ay pumanaw—isang sapakatan ng makasalanang pagkakamali ay bumaha sa iglesya. Ang mga mananampalataya ay tinukso ng mga kakatwang mga katuruan—at agham at pilosopiya na nagpa-agnas sa katotohanan ng Magandang Balita ni Kristo.
Isa-alang-alang ang sinabi ni Pablo sa kadalisayan ng iglesya ni Kristo: “Si Kristo…inihandog niya ang kanyang buhay para rito, upang ang iglesiya’y italaga sa Diyos matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita. Ginawa niya ito upang maiharap sa kanyang sarili ang iglesya, marilag, banal, walang batik, at walang anumang dungis o kulubot” (Efeso 5:25-27).
Ang mahalagang ikinababahala ng Diyos ay hindi tungkol sa iglesyang bumalikwas. Maging ang pagbalikwas ay hindi kayang patayin o puksain ang iglesya ni Hesu-Kristo. Kahit na ano ang mga suliraning ito, ang lahat ay nasa pangangalaga ng Diyos, at ang kanyang mahiwaga, hindi nakikita, nangingibabaw na iglesya ay hindi mamamatay. Sa halip, ang ilog ng Banal na Espiritu ay dumadaloy patungo sa “patay na dagat” ng mga bumalikwas na iglesya, nagbunyag ng mga di-makatarungan at panlalamig. At ito ay nagbigay dahilan sa bagong buhay na maglitawan.
Yaong mga tumalikod mula sa kamatayan, walang buhay ay maaring mga bakas na lamang. Gayunman, ipinahayag ni Hesus: “ang bukirin ay hinog na upang anihin. At mayroon pang panahon ang mga manggagawa na magpatuloy.” Wala sa anumang bahagi ng Kasulatan na nagsabi na ang Banal na Espiritu ay lumisan sa tagpo, iniwan ang mga natuyong ani. Ang Espiritu ng Diyos ay patuloy sa gawain, nagpapatunay, humihikayat, at inaakay ang mga ligaw kay Kristo, kasama yaong mga bumalikwas.
Ang ulap ng mga maka-langit na saksi ay nagsasabi na huwag tumingin sa paghuhusga, huwag tumuon sa “paghawak sa moog.” Ito pa rin ang panahon ng Banal na Espiritu, na naghihintay na punuan ang bawat nagnanais na sisidlan.
Ini-ibig pa rin Diyos ang kanyang iglesya, may mga dungis at lahat!