Huwebes, Hunyo 26, 2008

TAKOT AT SINDAK

Ang mga propeta ay nagbabala sa atin na kapag nakita natin ang Diyos na niyayanig ang mga bansa, at mapanganib na panahon ay mangyari sa atin, ang ating kalikasang tao ay masisindak ng matindi. Itinanong ni Ezekiel, “Tingnan ko lang kung matatagalan ninyo ang gagawin ko sa inyo. Akong si Yahweh ang may sabi nito at ito’y gagawin ko” (Exekiel 22:14).

Nang ang Diyos ay nagbabala kay Noe sa padating na paghatol at sinabi sa kanya na magbuo ng arko, si Noe ay “nayanig sa takot” (Hebreo 11:7). Maging ang walang-takot at matapang na si David ay nagsabi na, “dahil sa ‘yo ang damdam ko’y para akong natatakot, sa hatol mong igagawad, natatakot akong lubos” (Awit 199:120). At nang ang propetang si Habacuc ay nakita ang mapamuksang araw na padating, tumangis siya, “narinig ko ito at ang aking buong katawan ay nanginig, nangatal ang mga labi ko, nanghina ang aking mga buto, at naging mabuway ang aking paghakbang. Mapayapa kong hihintayin ang takdang panahon ang pagpaparusa ng Diyos sa umapi sa akin” (Habacuc 3:16).

Mangyari na itala habang binabasa mo ang mga talatang ito: Ang takot na dumating sa mga maka-diyos na taong ito ay hidi takot sa laman, kundi isang mapitagang sindak sa Panginoon. Ang mga banal na ito ay hindi natatakot sa kaaway ng mga kaluluwa ngunit kinatatakutan nila ang makatuwirang hatol ng Diyos. At iyan ay sapagkat nauunawaan nila ang ang kasindak-sindak na kapangyarihan na nasa likod ng padating na kalamidad. Hindi nila kinatatakutan ang kalalabasan ng bagyo, kundi ang kabanalan ng Diyos!

Kahalintulad nito, bawat isa sa atin ay makadaranas ng nakagagaping takot sa padating na panahon ng pamumuksa at kapahamakan. Ngunit ang ating takot ay dapat na manggaling sa banal na pamitagan para sa Panginoon, at hindi kailanman mula sa maka-lamang pagkabagabag tungkol sa ating kapalaran. Kinamumuhian ng Diyos ang lahat na makasalanang takot sa atin, ang takot na mawala ang mga materyal na bagay, kayamanan, ang ating pamantayang pamumuhay.

Sa buong sanlibutan, ang mga tao ay puno ng ganitong takot, habang nakikita nila ang ekonomiya ng kanilang mga bansa ay unti-unting humihina. Natatakot sila sa pagbaha ng pagbagsak na ekonomiya ay walisin ang lahat na kanilang pinaghirapan sa buong buhay nila. Ganito ang tangis ng mga di-mananampalataya na walang pag-asa. Hindi ito ang dapat na tangis ng mga maka-diyos. Sa katunayan, kung ikaw ay anak ng Diyos, ang iyong makalangit na Ama ay hindi makakayanan ang kawalan ng pananalig mula sa iyo. Nagbabala si Isaias: “…Bakit ka matatakot sa kapwa mo tao? Mamamatay rin silang tulad ng damo. Bakit mo nilimot itong si Yahweh na lumikha sa iyo?...Bakit sa maghapo’y palagi kang takot sa nang-aalipin, dahil ba sila ay galit sa iyo…” (Isaias 51:12-13). “Ang makapangyarihang si Yahweh ang dapat ninyong igalang, siya ang inyong katatakutan” (8:13).

Hayaang ninyong ang Diyos ang inyong katatakutan at kasisindakan. Ang ganoong uri ng takot ay nangunguna patungo hindi sa kamatayan kundi sa buhay!