Lunes, Hunyo 30, 2008

BIGYANG-KALUGURAN ANG IYONG SARILI SA PANGINOON

Ang ating kapayapaan at kasiyahan ay laging nakasalalay sa ating pagsuko sa mga kamay ng Diyos, kahit anupaman ang ating kalagayan. Isinulat ng mang-aawit, “Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtam” (Awit 37:4).

Kapag lubos mong isinuko ang iyong sarili sa mga kamay ng Diyos, magkagayon ay kaya mong maging matatag kahit ano pa at sa lahat ng mga paghihirap. Ang nais ng iyong Ama para sa iyo ay patuloy mong maharap ang pang-araw-araw mong gawain ng walang takot at pagkabalisa, lubos na nananalig sa kanyang pangangalaga. At ang pagsuko mo sa kanya ay mayroong mabisang kagamitan sa iyong buhay. Kapag lubos mong isinuko ang sarili sa pangangalaga ng Diyos at pag-iingat, ay lalo mong ipagwawalang-bahala anuman ang kalagayan ng kapaligiran mo.

Kapag ikaw ay sumuko sa kanya, hindi mo pirmihang iisipin kung ano ang gagawin mong susunod na hakbang. Hindi ka matatakot sa mga nakakasindak na balita na pumapainog sa kapaligiran mo. Hindi ka madadaig habang iniisip mo ang mga araw na darating sapagkat ipinagtiwala mo ang iyong buhay, mag-anak at kinabukasan sa ligtas at mapagmahal na kamay ng iyong Panginoon.

Gaano kabalisa o nakababahala kung iisipin mong ang mga tupa habang sumusunod sa kanilang pastol? Hindi man lang sila nababalisa, sapagkat sila ay lubos na nagtitiwala sa pangunguna nila. Kahalintulad, tayo ang mga tupa ni Kristo, ang ating dakilang Pastol. Kaya, bakit pa tayo mababahala, mananahimik o mag-aalala tungkol sa ating mga buhay at kinabukasan? Ganap na alam niya kung paano pag-iingatan at pangangalagaan ang kanyang kawan sapagkat ina-akay niya tayo sa pag-ibig!

Sa aking sariling buhay, natutunang kong magtiwala sa Diyos sa bawat suliranin sa bawat sandali: Paano kong masasabing nananalig ako sa Diyos sa lahat ng bagay, kung hindi ko kayang patunayan na nagtitiwala ako sa kanya sa isang bagay? Sinasabi lamang ang mga salitang, “Lubos akong nananalig sa Panginoon,” ay hindi sapat. Kailangan kong patunayan ito ng paulit-ulit sa aking buhay, sa maraming pagkakataon at sa mga pang-araw-araw na mga bagay.

Maraming tao na nabubuhay ngayon ay nagsabi, “Ako’y sumuko, aking ipinagtiwala, ako’y nananalig,” doon lamang sa mga pagkakataon na pagkatapos nilang sabihin na wala nang pag-asa ang kanilang kalagayan. Ngunit ang tunay na pagsuko, ang uri na nakalulugod sa Diyos, ay walang pumipigil at kusang ginawa, bago pa mangyari na tayo’y mawalan na ng pag-iisip. Kailangan na tayo ay kumilos na may pagkaka-isa sa Panginoon, katulad ng ginawa ni Abram, ibinigay ang buhay niya ng lubusan, at hinayaang punuin ito ng Panginoon.