Miyerkules, Hunyo 11, 2008

DAAN PATUNGO SA DIYOS

Hinanap ko ang Panginoon sa pananalangin at tinanong ko siya, “Ano ang pinakamahalagang sangkap ng paggawa mo sa amin bilang iyong templo?” Ito ang dumating sa akin: daanan na may kasamang katapangan at pananalig. Sinabi ni Pablo tungkol kay Kristo, “Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makalalapit tayo sa Diyos na panatag ang loob” (Efeso 3:12).

Sa templo ng mga Hudyo, maliit lamang ang daan patungo sa Diyos. Sa katunayan, ang daang ito ay nakalaan lamang sa mga namumunong ministro, at ito ay minsan isang taon lamang. Kapag dumating ang panahon, ang ministro ay papasok sa presensiya ng Diyos na may takot at panginginig. Alam niya na siya ay maaring mabugbog sa paglapit sa luklukan ng kapatawaran na may kasalanang di-mapatawad sa kanyang puso.

Ngayon ang Diyos ay lumitaw mula sa maliit, na ipinagbabawal na silid. At siya ay dumating sa atin ng tuwiran sa ating kahihiyan at katiwalian. Sinasabi niya sa atin, “Ako’y dumating upang manahan sa iyo. Hindi mo kailangang ikubli ang iyong dumi at kawalan ng pag-asa mula sa akin. Pinili kita sapagkat gusto kita at aking gagawing tahanan ang iyong katawan, aking tirahan, aking tahanan.

“Aking ipadadala ang aking Banal na Espiritu, na sasantipikahin ka. Lilinisin niya at wawalisin ang bawat silid, upang ihanda ang iyong puso bilang akin ngunit hindi yaon lamang. Pauupuin kita sa aking tabi at hihikayatin kitang lumapit ng may tapang sa aking trono, na may pananalig. Nakita mo, nais ko na humiling ka sa akin ng kapangyarihan, grasya, lakas, lahat ng kailangan mo. Ibinaba ko ang langit sa iyong kaluluwa, upang ikaw ay magkaroon ng daan sa lahat ng ito. Ikaw ay mayaman, ngunit hindi mo ito alam. Ikaw ay isang tagapagmana nang lahat ng aking kaluwalhatian

Ang tanging dahilan kung bakit ang iyong katawan ay banal ay sapagkat ang Banal na Espiritu ay naninirahan doon. At ito ay pinanatiling banal dahil lamang sa kanyang patuloy na presensiya at kapangyarihan. Hindi mo ito magagawa. Ikaw ay naging isang nerbiyoso dahil lamang sa pagsisikap na bantayan ang lahat ng papasukan. Nawawalan ka ng pag-asa kapag nabigo ka na pigilan ang pagpasok ng alikabok at dumi na dala ng hangin papasok. Ikaw ay napapagal sa pagtakbo sa bawat silid, nagwawalis at nagpupunas, nagsisikap na pagandahin ang mga bagay dito.

Ang bawat Kristiyano ay dapat na magalak sa katotohanang ito. Ang Diyos ay nasa iyo! At siya ay laging nasa iyo, kaya’t sino ang sasalungat sa iyo?