Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na ang Panginoon ay hindi namimitagan ng mga tao. At sapagkat hindi siya nagpapakita ng may-kinikilingan—sapagkat ang kanyang mga pangako ay hindi nagbabago sa bawat salin-lahi—maari nating hilingin sa kanya na ibigay sa atin ang katulad na kahabagan na ipinakita niya sa kanyang mga tao sa buong kasaysayan. Si Haring Manasseh ay nagkasala na higit pa sa kanino mang hari gayunman nang siya ay nagsisi, siya ay pinanumbalik (tingnan ang 2 Hari 21:1-18).
Ang kahabagan ng Panginoon ay hindi maaring mabigo, at ang nauna niyang halimbawa ng mga nakalipas na kahabagan ay makapagbibigay sa bawat isa sa atin ng walang-takot na katiyakan na madala ang ating mga kahilingan sa kanya. Kaya, mga minamahal na banal, kapag kayo’y natakot sa madalas na pagkakasala laban sa kahabagan ng Panginoon…kapag naisip mo na lumampas ka sa guhit, at ang Diyos ay sumuko na sa iyo…kapag nawalan ka na ng pag-asa, pinanghinaan sa kabiguan o sa hindi-maka-Kristong kilos…kapag nagtaka ka kung ibininbin ka ng Diyos, o kaya’y pinipigilan niya ang pag-ibig niya sa iyo dahilan sa iyong mga nakalipas na pagkakasala—kapag may tunay kang pusong nagsisisi, kung gayon ay panghawakan mo ang kanyang katotohanan: ANG DIYOS AY HINDI NAGBABAGO.
Itali mo ang Diyos sa kanyang Salita. Isulat mo ang bawat alaala ng bawat bagay na ginawa niya sa iyo sa mga nakalipas ng mga taon. Pagkatapos ay magtungo sa Kasulatan at hanapin ang ibang pangyayari ng kanyang mga “naunang kahabagan” sa kanyang mga tao. Dalhin mo ang listahang ito sa harap ng Panginoon at ipa-alala sa kanya: “O Diyos hindi mo maaring itanggi ang iyong sariling Salita. Ikaw ay katulad kahapon, ngayon at bukas.”
Hinihikayat ko kayo, huwag pabayaang gawin ito. Madalas tayo ay nagmamadali sa presensiya ng Diyos ginagawa ang ating mga kahilingan ng may masimbuyong damdamin at masigasig. Ngunit tayo ay naluluoy sa sandali ng ating panalangin, sapagkat hindi tayo pumupunta sa kanyang trono ng nakahanda. Dapat na mayroon taong tiyak na katayuan kapag tayo ay humarap sa Diyos. Ang tunay na kawalang-takot ay hindi nagmumula sa pagiging madamdamin; nagsisimula ito kapag tayo ay ganap na nahikayat. Kaya’t dapat nating patatagin ang ating katayuan hindi lamang para humarap sa Diyos, kundi upang palakasin ang sariling pananalig.
Ngayon mayroon tayo ng bagay na ang mga banal ng Lumang Tipan ay sa pangarap lang makakamit. At iyon ay ang sariling Anak ng Diyos na nakaupo sa kanang kamay ng Amang-Hukom. Kilala natin ang Anak, sapagkat siya ang ating kapatid na kasundo-sa dugo, sa pamamagitan ng pag-ampon. At kaya nating angkinin ang ating pagiging isang dugo sa kanya kung kailan man tayo tatayo sa harap ng Hukom at itali siya sa sarili niyang mga katuwiran: “Ama, wala akong madadala sa iyo kundi ang sarili mong Salita. Ipinangako mo na ako’y magiging ganap kay Kristo, na ako ay hindi mo hahayaang mahulog, at si Hesus ang aking magiging taga-pamagitan. Ipinangako mo na bubuksan mo ang iyong pandinig sa aking mga kahilingan at tutustusan ang lahat ng aking mga pangangailangan. O, Panginoon, mahabag at ipagkaloob ang iyong biyaya sa akin ngayon, sa sandali ng aking pangangailangan. Amen!”
Nananalig ako na ng Diyos ay kahanga-hangang nalulugod kapag tayo ay lumapit sa kanyang trono na may ganitong walang-takot. Itinatali siya sa kanyang sariling Salita. Ito ay para bang sinasabi niya sa atin, “ Sa wakas, nakuha mo rin. Nilugod mo ako!”