Isinulat ni Pablo, “Tungkol naman sa pagparito ng ating Panginoong Hesu-Kristo at sa pagtitipon niya sa atin, ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na huwag kayong magugulat agad o mababahala sa balitang dumating na ang Panginoon” (2 Tesalonica 2:1-2).
Ipinakikita ng mga mangungutya, “Nakita ninyo, mayroon sa mga naunang iglesya ang yumanig sa mga mananampalataya na may pahayag na si Kristo ay padating na. At sinabi ni Pablo sa kanila, ‘Hindi, huwag kayong mag-alala tungkol dito. Huwag ninyong hayaang makabahala o makabalisa ito sa inyo.’”
Ngunit hindi iyon ang isiniwalat ng orihinal na Griyego. Ang ugat na salita ay “[huwag mayanig]…na ang araw ng Diyos ay dumating na.” Ang nakabahala sa mga taga Tesalonica ay yaong inisip nilang si Kristo ay dumating na at ito ay di nila nakita. Muling tiniyak ni Pablo sa kanila sa sumunod na kapitulo, “Sa anumang paraan, huwag kayong padadaya kaninuman. Ang araw ng Panginoon ay hindi darating hangga’t di nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail, ang itinalaga sa walang katapusang kaparusahan” (2:3). Si Pablo ay nangungusap lamang sa kanilang mga takot nang sinabi niya , “Huwag kayong mag-alala sapagkat mayroon munang dalawang bagay na dapat mangyari.”
Kaya, ano ang pangunahing teolohiya ni Pablo sa tungkol sa pagdating ni Kristo? Natagpuan natin ito sa dalawang daanan: “Dapat ninyong gawin ito sapagkat alam ninyong panahon na upang gumising kayo sa pagkakatulog. Ang paglilgtas sa atin ay higit na malapit ngayon kaysa noong tayo’y magsimulang manalig sa kanya” (Roma 13:11-12). “Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kagandahang loob. Malapit nang dumating ang Panginoon” (Filipos 4:5). Si Pablo ay tumangis, “Gumising kayo! Lampas na ang hating-gabi. Ang pagdating ni Kristo ay malapit na, kayat gumising kayo. Huwag kayong maging batugan. Si Hesus ay darating para sa mga umaasa sa kanya.”
Maaring tanungin ng mga mapangila, “Ngunit paano ang mismong salita ni Pablo? Sinabi niya na may dalawang bagay na dapat munang mangyari bago dumating si Kristo. Una, hindi darating si Kristo hanggang hindi nangyayari ang matinding pagbalikwas. Pangalawa, ang anti-Kristo ay babangon muna at ihahayag ang sarili na siya ang Diyos. Kailangang makita natin ang anti-Kristo na nakaupo sa templo, hinihingi na siya ay sambahin, bago dumating si Hesus.”
Bago ang lahat, kailangang munang payag kang magbulag-bulagan upang hindi makita ang nagngangalit na pagbalikwas ay mahigpit na nakahawak sa sanlibutan. Kawalan ng pananalig ay tumatagas sa gitna ng mga nasyon, na ang mga mananampalataya ay nahuhulog palayo sa pananalig sa lahat ng kapaligiran. Ang pagbalikwas na binanggit ni Pablo ay maliwanag na dumating na.
Maaring sabihin ng iba, “maliwanag na sinabi ni Pablo na hindi darating si Hesus hanggang wala ang anti-Kristo sa kapangyarihan.” Isa-alang-alang ang sinabi ng Kasulatan: “Sino nga ang sinungaling? Hindi ba ang tumatangging si Hesus ang Kristo? Ito nga ang anti-Kristo: ang ayaw kumilala sa Ama at Anak” (1 Juan 2:22). Ayon kay Juan, ang anti-Kristo ay ang itinatanggi ang Ama at Anak. At higit pa, sinabi niya, ang pagdami ng mga anti-Kristo ay patunay na tayo ay namumuhay sa mga huling-araw. Sa madaling sabi, wala nang pumipigil pa sa pagbabalik ni Kristo!