Miyerkules, Setyembre 15, 2010

TUNAY NA PAKIKIPAG-ISA

Maraming Kristiyano ang nagsasalita tungkol sa kapalagayang-loob sa Panginoon, naglalakad kasama siya, kilala siya, at may pakipag-isa sa kanya. Ngunit hindi tayo maaring magkaroon ng tunay na pakikipag-isa sa Diyos hangga’t hindi natin tinatanggap sa ating mga puso ang tunay na kabuuan ng pagpapahayag ng kanyang pag-ibig, grasya at kahabagan.

Ang pakikipag-isa sa Diyos ay kinapapalooban ng dalawang bagay:

1. Ang pagtanggap sa pag-ibig ng Ama, at
2. Ibalik ang pag-ibig sa kanya

Maaring gumugol ka ng mahabang mga oras sa bawat araw sa pananalangin, sinasabi sa Panginoon kung gaano mo siya iniibig, ngunit hindi iyan pakikipag-isa. Kung hindi mo pa tinatanggap ang pag-ibig niya, ay wala ka pang pakikipag-isa sa kanya. Hindi mo basta maibabahagi ang pakikipag-isa sa Panginoon hangga’t hindi ka nakasisiguro sa kanyang pag-ibig sa iyo.

Alam ko kapag lumalapit ako sa aking Panginoon, hindi ako lumalapit sa isang matigas, galit, mapaghanap na Ama. Hindi niya ako hinihintay na may galit na pagmumukha, balisa na hatawin ako sa likod. Hindi niya ako sinusundan, hinihintay na ako’y magkamali para sabihin sa akin, “Huli ka!”

Hindi, lumalapit ako sa isang Ama na ipinahayag ang kanyang sarili bilang dalisay, walang kondisyon ang pag-ibig. Siya ay mabuti at may mapagmahal na puso, puno ng grasya at kahabagan, balisang akuin ang aking mga alalahanin at mga dalahin. At alam ko na hindi niya ako tatanggihan kapag tumawag ako sa kanya.

Kung kaya’t lumalapit ako sa kanyang harapan na may pagpupuri at pasasalamat sapagkat nagpapasalamat ako sa aking Diyos. Inaalala niya ang lahat tungkol sa akin! (tingnan Awit 100).

Ang propetang si Zofonias ay may sinabing di-kapani-paniwala tungkol sa pag-ibig ng Diyos sa atin, “Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, parang bayaning nagtagumpay; makikigalak siya sa iyong katuwaan, babaguhin ka ng kanyang pag-ibig; at siya’y masayang aawit sa laki ng kagalakan” (Zofonias 3:17).

Ang talatang ito ay may sinasabi sa atin na dalawang mahahalagang mga bagay tungkol sa kung paano tayo iniibig ng Diyos:

1. Ang Diyos ay nagpapahinga sa kanyang pag-ibig para sa kanyang mga tao. Sa Hebreo, ang pahayag na “magpapahinga siya sa kanyang pag-ibig” ay mababasa ng,”magiging tahimik siya dahil sa kayang pag-ibig.” Sinasabi ng Diyos na may kakanyahan, “Natagpuan ko ang tunay kong pag-ibig, at ako’y ganap na nasisiyahan! Hindi ko na kailangan pang tumingin sa iba, sapagkat wala akong idinadaing. Ganap ko nang naisakatuparan ang aking pakikipag-isang ito, at hindi ko babawiin ang aking pag-ibig. Ang pag-ibig ko ay naipagkasundo na!”
2. Ang Diyos ay nakakuha ng dakilang kaluguran mula sa kanyang mga tao. Pinatunayan ni Zofonias “nagsasaya siya na umaawit.” Sinasabi niya, “Ang pag-ibig ng Diyos sa iyo ay lubos na dakila, na ito’y naglalagay ng awitin sa kanyang mga labi!”

Ang malugod ay nangangahulugan na “magkaroon ng kagalakan at kasiyahan.” Ito ay isang panlabas na pagpapadama ng panloob na kasiyahan. Ito rin ang pinakamataas na pagpapadama ng pag-ibig. Ang salitang Hebreo na ginamit ni Zofonias para sa “kaluguran” dito ay tripudiare ay nangangahulugan na “lumundag, habang napagtagumpayan ng isa ng may lubos na kagalakan.”

Maisasalarawan mo ba ang iyong Amang nasa langit na lubos na umiibig ay maglulundag ng may kagalakan sa pag-iisip lamang tungkol sa iyo? Matatanggap mo ba ang kanyang salita na iniibig ka niya bago pa man nilikha ang sanlibutan, bago pa man nagkaroon ng sankatauhan, bago ka pa man isinilang? Matatanggap mo ba na inibig ka niya kahit na nahulog ka sa kasalanang katulad ng kay Adan at naging kaaway sa kanya?