Huwebes, Setyembre 9, 2010

ALAMIN, MANALIG AT MAGPATULOY SA PAGTITIWALA SA KANYANG PAG-IBIG

Ang sinuman ay maaring panatilihin ang kanyang kaaliwan kapag siya matayog na nakasakay sa Espiritu Santo, hindi sinusubukan o tinutukso. Ngunit nais ng Diyos na panatilihin natin ang ating mga sarili sa kanyang pag-ibig sa lahat ng panahon—lalo na sa sandali ng ating mga tukso.

Sinasabi sa atin ni apostol Juan ng simple lamang kung paano natin mapananatili ang ating mga sarili sa pag-ibig ng Diyos: "Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos" (1 Juan 4:16). Sa madaling sabi, kapag "nanahan tayo sa pag-ibig ng Diyos," nananatili tayo sa Diyos.

Ang salitang nanahan dito ay nangangahulugan na "manatili sa estado na inaasahan." Sa ibang salita, nais ng Diyos na asahan natin na pinanariwa niya ang kanyang pag-ibig sa atin araw-araw. Kailangang mabuhay araw-araw sa kaalamang palagi tayong iniibig ng Diyos, at patuloy na iibigin pa.

Sa katunayan, marami sa atin ay humahagibis papasok at palabas sa pag-ibig ng Diyos ayon sa ating emosyonal na damdaming pababa at pataas. Damdam nating ligtas lamang tayo sa pag-ibig niya kung maganda ang ating ginagawa. Ngunit hindi tayo nakatitiyak sa pag-ibig niya kapag tayo ay tinutukso o sinusubukan, o sa panahong binigo natin siya. Iyan mismo ang sandali na nararapat na magtiwala sa kanyang pag-ibig. Sinasabi niya sa mga talatang ito, "Anuman ang pagsubok na hinaharap mo, hindi mo dapat kailanman pagdudahan ang pag-ibig ko sa iyo. Kung aktibo kang nagtitiwala sa aking pag-ibig, kung ganon ay nabubuhay ka ayon sa pamamaraan na nais kong mabuhay ka.

Ang Jeremias 31 ay nagmumungkahi ng isang kahanga-hangang pagsasalarawan ng pag-ibig ng Diyos. Ang Israel ay nasa estado ng pagkakasala. Ang mga tao ay nagtabaan at nagsiyaman at nagpalayaw sa lahat ng uri ng kasamaan.

At kaginsa-ginsay, ang kanilang mga pagtatamasa at kahalayan ay biglang umasim. Silang lahat ay nawalan ng kasiyahan sa pagsasagawa ng kanilang mga kagutuman. Di nagtagal sila'y tumatangis, "Panginoon kami'y naligaw. Kailangan ka namin para kami ay makabalik." Narinig ng Diyos ang kanilang tangis ng pagsisisi, at ang kanyang mapagmahal na puso ay nagtungo sa kanila. Kinastigo niya ang mga tao ng kanyang pamalo ng pagtatama—at tumangis ang Israel, "Pinarusahan ninyo kami…ibalik ninyo kami nang kami'y gumaling…Tumalikod kami sa inyo nguint ngayo'y nagsisisi na" (Jeremias 31:18-19).

Makinig sa salita ng Diyos sa puntong ito: "…Kung gaano kadalas ko siyang pinarurusahan, gayon ko siya nagugunitang may pagkahabag. Hinahanap ko siya at, at ako'y nananabik sa kanya…" (v. 20). "…iniibig ko na sila at patuloy kong ipinagmamalaki" (v. 3).

Narito ang dapat mong malaman tungkol sa pag-ibig ng Diyos: sinasabi g Diyos sa kanyang mga tao, "Kailangang paluin at itama kayo at magsalita ng matitigas na salita ng katotohanan sa inyo. Gayunman kahit na kayo ay nagkasala laban sa akin, ginawa pa rin kahit na sa mga grasya at kahabagan na ibinahagi ko sa inyo. Bumaliktad kayo laban sa aking pag-ibig, tinanggihan ako. Gayunman, ang aking habag ay nayanig ng malalim para sa inyo, natandaan ko kayo sa inyong paghihirap—at tinitiyak ko na kahahabagan ko kayo. Bukas-palad na patatawarin kayo at muli ko kayong ibabalik."