"Dahil dito, ang Tartan, Rabsarisas ang Rabsaces, kasama ang maraming kawal ay inutusan ni Senaquerib kay Haring Ezequias sa Jerusalem" (2 Hari 18:17). Kinakatawan ng Asiria ngayon "ang gabay sa karangyaan." Ipaparada ng diyablo ang kanyang hukbo sa paligid ng iyong mga pader: ang mga tao na makapangyarihan, maganda at mga tagumpay sa lahat ng kanilang ginagawa. Kapag nakita mo sila, madarama mo na ikaw ay nakulong na parang isang bilanggo!
Ang unang panlilinlang ng tao ng kasalanan ay tanungin ang pakikipagkasundo ng isang mananampalataya na magtiwala sa Panginoon ng lubos. Si Rabsaces, na ang pangalan ay nangangahulugan ng "lasing na sugo," ay ang sugo ng hari. Tinutuya niya ang mga makadiyos na may pangkukutya (tingnan 2 hari 18:19-20). Ang akusasyon ay, "Hindi ka ililigtas ng Diyos sa ganitong gulo. Babagsak ka na! Ikaw ay nasa tunay na pagdurusa, at ang iyong pananampalataya ay hindi gagana."
Idinagdag pa ni Satanas ang isa pang pagkapilipit; sasabihin niya sa iyo ang Diyos ang nasa likod ng lahat ng iyong mga kapighatian. Inangkin ng mensahero ng Asiria, "Siya pa nga ang may sabi sa aking salakayain ko ito at lupigin" (2 Hari 18:25). Hihikayatin ka ni Satanas na ang Diyos ay gaganti sa iyo, na siya ay galit sa iyo. Ito ay kanyang mapanlinlang na kasinungalingan! Papapaniwalain ka niya na ikaw ay pinabayaan na ng Diyos at iniwan na sa kaguluhan at kalungkutan. Nais niya na isipin mo na ang lahat ng iyong suliranin ay bunga ng parusa ng Diyos sa mga nakalipas mong mga kasalanan. Huwag mong paniwalaan ito! Si Satanas ay nais kang wasakin.
Ang ating Panginoon ay isang tagapagligtas, isang sandigan. Sinabi ni Isaias darating siya, "Upang ang tumatangis na mga taga-Sion ay paligayahin, sa halip ng lungkot, awit ng pagpuri yaong aawitin. Ang Diyos na si Yahweh iingatan sila at kakalingain. Sila ay uunlad na parang halamang itinanim at ang bawat isa ay pawang matuwid ang siyang gagawin, sa kanyang ginawa siya'y pupurihin" (Isaias 61:3).
Hindi, mahal na mga banal, hindi ka babagsak. Ikaw ay sadya lamang inaatake, hindi tinatantanan ng kasinungalingan ng kaaway sapagkat itinakda mo na ang iyong puso ng tunay sa Panginoon. Si Satanas ay sinusubukang wasakin ang iyong pananalig sa Diyos.