Martes, Setyembre 14, 2010

MATALINO SA PAKIKIPAGLABAN

Tuwing lumalabas ang kaaway, ang grasya ng Diyos ay lumalakas sa atin. Isipin ang tungkol sa kung ano ang nangyayari sa isang puno kapag matinding hinahampas ito ng isang bagyo. Ang hangin ay nagbabanta na hugutin ang mga ugat at hipang palayo ang mga supang nito. At kapag tapos na ang bagyo, ang mga bagay ay mukhang wala ng pag-asa.

Gayunman, tingnan ng malapit; ang parehong bagyo na nagbukas ng bitak sa lupa sa paligid ng katawan ng puno ay nakatulong para sa ugat na lalong lumalim. Ang puno ngayon ay mayroon nang daanan, mas malalim na panggagalingan ng pagkain at tubig. At inalisan ito ng lahat na patay na mga sanga. Ang mga supang ay maaring wala na, ngunit ang iba ay tutubo pang muli higit na madami. Sinasabi ko sa inyo, ang puno ngayon ay mas malakas, lumalago sa hindi nakikitang paraan. At hintayin hanggang sa pag-aani—sapagkat magbubunga ito ng maraming prutas.

Maaring nasa gitna kayo ng bagyo sa mga sandaling ito. Ang hangin ay humahagupit ng malakas, marahas na nakakayanig, at iniisip mo na babagsak ka na. Minamahal, huwag matakot! Kailangang malaman mo na sa gitna ng bagyo, ikaw ay naglalagay ng malalim na espirituwal na mga ugat. Ikaw ay binubuo ng Diyos sa malalim na pagpapakumbaba, isang dakilang pagdadalamhati at kalungkutan sa kasalanan, tumatayog na gutom para sa kanyang kadalisayan.

Ginagawa kang isang bihasang kawal ng Krus—sanay sa pakikipaglaban, ngunit matalino sa pakikipaglaban at matapang. Maaring bumagsak ka sa sarili mo minsan—ngunit ang Panginoon ay hindi kailanman. Ang katunayan ay, maari siyang kumilos ng may kapangyarihan anumang sandali para iligtas ka sa iyong pagdurusa. Ngunit hindi niya ginawa—sapagkat nakita niya na ito ay nagbubunga sa iyo ng isang dakilang pagkauhaw sa kanya!

Sinasabi ng Roma 5:3, “Ang pagbabata ay nagbubunga ng pagtitiyaga.” Ang salitang nagbubunga ay nangangahulugan ng “para matupad.”

Sa 2 Corinto 4:17 nabasa natin, “Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas ko ngayon ay magbubunga ng kaligayahang walang hanggan at walang katulad.” Ang salitang nagbunga sa talatang ito ay tulad ng sa Roma 5:3.