Miyerkules, Setyembre 8, 2010

ANG LUMAKAD SA KALUWALHATIAN

Ang isang bagay na nagbibigay lakas sa atin sa pagharap ng padating na kahirapan ay ang pang-unawa sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngayon, maaring may tunog itong katulad ng mataas, matayog na kaisipan para sa iyo, isa na dapat iwan sa mga teolohiko. Ngunit naniniwala ako na ang paksa ng kaluwahatian ng Diyos ay may tunay, praktikal na kahalagahan sa bawat tunay na mananampalataya. Sa pagsunggab dito, nabuksan natin ang pintuan para sa nangingibabaw na buhay.

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay isang pahayag ng kalikasan at katauhan ng ating Panginoon. Matatandaan mo sa Lumang Tipan na nasiglawan ni Moses ang kaluwalhatian ng Diyos. Bago pa doon, ipinadala ng Diyos si Moses ng walang paliwanag ng sarili niya maliban sa salitang, "Ako." Ngunit ninais ni Moses na makilala ng higit pa ang Diyos. Kaya't nakiusap siya sa kanya, "Panginoon, ipakita mo sa akin ang kaluwalhatian."

Tumugon ang Diyos sa pamamagitan ng pagsama kay Moses at inilagay siya sa biyak na bato. Pagkatapos ay, sinabi ng Kasulatan, ipinahayag ng Diyos ang sarili niya kay Moses sa buong kaluwalhatian niya (tingnan Exodo 34:6-7). Ang paraan ng Diyos para malaman natin ang kaluwalhatian niya ay sa pamamagitan ng pagpapahayag ng dakila niyang pag-ibig para sa sanlibutan. At iyan mismo ang inihayag niya kay moses.

Naniniwala ako na ang talatang ito ay lubos na pinakamahalaga para sa pang-unawa natin kung sino talaga ang ating Panginoon. Madalas kapag iniisip natin ang tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos, iniisip natin ang kanyang kadakilaan at ningning, ang kanyang kapangyarihan, o kapahayagan sa kanyang mga tao. Ang lahat ng mga bagay na ito ay bunga ng pagkakakita sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit hindi ito ang kaluwalhatian na nais niya na makilala natin siya. Amg Panginoon ay habang buhay na naghihintay para maipakita sa atin ang kanyang pag-ibig, para mapatawad tayo, para ambunan tayo ng kanyang kahabagan at mapanumbalik tayo sa kanya.

Ang pahayag ng Diyos ay may makapangyarihang epekto doon sa mga tumanggap dito at nanalangin ng pang-unawa nito. Hanggang sa mga sandaling ito, ang tingin ni Moses sa Panginoon ay isang Diyos ng batas at poot. Nanginginig siya sa takot sa presensiya ng Panginoon, humihiling sa kanya, tumatangis sa kanya, nakikiusap sa kanya para sa kapakanan ng Israel. Ito ang basehan ng kanyang harap-harapang relasyon sa Panginoon.

Gayunman ngayon, sa unang tanaw ng kaluwalhatian ng Diyos, hindi na takot si Moses sa Panginoon. Sa halip, siya ay nayanig sa pagsamba: "Nanikluhod si Moses at sumamba kay Yahweh" (Exodo 34:8). Nakita na ang Diyos ay hindi lamang kulog, kidlat at makatudlang trumpeta na naging dahilan ng kanyang takot. Sa kabilang dako, ang Diyos ay pag-ibig at ang kalikasan niya isang may kabutihan at may mapagmahal na kahabagan!

Nakita mo ba ang di-kapani-paniwalang katotohanan ng Kasulatan na ipinakikita sa atin dito? Ang tunay na pagsamba ay ayon sa mga puso na pinangibabawan ng larawan ng di-makatarungang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ito ay galing sa pahayag na ibinigay ng Diyos sa atin para sa sarili niya, kanyang kabutihan, kanyang kahabagan, kanyang kahandaang magpatawad. Kaya't kung tayo ay magpupuri sa Diyos sa espiritu at katotohanan, ang ating pagsamba ay maaring ayon sa kanyang kamangha-manghang katotohanan tungkol sa kanya.

Kapag natanggap na natin ang pahayag ng kaluwalhatian ng Diyos, ang ating pagsamba ay nakalaang magbago. Bakit? Ang makita ang kanyang kaluwalhatian ay binabago ang pamamaraan ng pamumuhay natin! Apektado nito ang ating kalooban at pag-aasal, binago tayo mula sa "kaluwalhatian patungo sa kaluwalhatian," ginagawa tayong kawangis niya. Ang bawat bagong pahayag ng kanyang pag-ibig at kahabagan ay nagdadala ng sobrenatural na pagbabago.