Miyerkules, Setyembre 22, 2010

HARAPIN MO ANG IYONG TAKOT AT KAWALAN NG PANANALIG

Nalulong ang Israel sa pagsamba sa diyus-diyusan. Ngunit ang ugat ng kasalanan nila ay ang kawalan ng pananalig pa rin, nagbunga ng lahat ng uri ng takot! At nagpadala ng propeta ang Diyos sa kanila para ibunyag ang ugat ng kanilang kasalanan.

Sinabi sa kanila ng propeta sa maraming salita, “Nang marinig ni Yahweh ang daing ng mga Israelita dahil sa pahirap ng mga Madianita, sila’y pinadalhan niya ng propeta, at ipinasabi ang ganito: Inialis ko kayo sa Egipto. Iniligtas ko kayo sa kanilang pang-aalipin, at sa lahat ng inyong kaaway. Nalupig ninyo sila at ibinigay sa inyo ang kanilang lupain. Sinabi ko sa inyo na ako si Yahweh, lakip ang habiling huwag kayong sasamba sa diyus-diyusan ng mga Amorreo, ngunit hindi kayo nakinig” (tingnan mga Hukom 6:7-10).

Maraming Kristiyano ay natatakot na pupuksain sila ng diyablo. Natatakot sila na magkamali o mabalik sa pagkakasala, at magagawa ng diyablo ang gusto niya. Ngunit iyan ay kasinungalingan galing sa ilalim ng impiyerno! Sinabi ng Bibliya na hindi kayo dapat matakot sa inyong paglalakad sa buhay na ito!

Nang pinanghawakan ninyo ang takot, ito’y nakahahawa. Ang lahat sa paligid mo ay mahahawahan nito! Nang inipon ni Gedeon ang kanyang hukbo, sinabi ng Diyos na pauwiin ang lahat ng kawal na takot: “Kaya, sabihin mo sa kanila na lahat ng natatakot ay maari nang umuwi” (mga Hukom 7:3).

Ang Diyos ay nangungusap ng tulad na pahayag sa kanyang iglesya ngayon. Tinatanong niya, “Bakit kayo natatakot? Bakit kayo nagkakasala sa pamamagitan ng kawalan ng pananalig na mabigyan ko kayo ng tagumpay sa inyong buhay? Ipinangako ko na pupuksain ko ang bawat maladimonyong kapangyarihan na darating laban sa iyo!”

Ang ama ni Gedeon na si Joas, ay nagtayo ng sagradong poste ni Baal at Ashera, gawa sa malalaking bato. Ang katuwiran niya ay, “Binigyan ni Baal ng kapangyarighan ang Madianita laban sa atin, kaya kung sasambahin natin ang diyos nila ay bibigyan din tayo ng kapangyarihan.” Maraming tao ang nagdatingan na milya ang pinaggalingan para sumamba doon, kasama na ang mga Madianita at Moabitas; isa itong makapangyarihang, maladimonyong humahawak sa Israel.

Sinabi ng Diyos kay Gedeon, “Hindi ko ililigtas ang Israel hanggang hindi mo naaalis ang idolong ito na tumatayo sa pagitan natin. Itumba mo ito—putul-putulin ito!” Kaya sa gitna ng gabi “isinama ni Gedeon ang sampu sa kanyang mga bataan at ginawa ang iniutos sa kanya” (mga Hukom 6:27). Kumuha siya ng toro at gumamit ng lubid para hilahin pabagsak ang sagradong poste ni Baal at Ashera!

Ang Diyos ay nagbigay ng parehong mensahe ngayon na katulad ng mensahe na ibinigay niya kay Gedeon: “Ibig ko kayong tulungan—ngunit hindi ko magagawa kung hindi kayo mananalig sa akin. Puno kayo ng takot. At bago ako magdala ng kaligtasan, kailangang iwaksi ninyo ang matinding humahawak sa inyo, itong batbat na kasalanan! “Iwaksi natin ang kasalanan, at anumang balakid na pumipigil sa atin” (Hebreo 12:1). Kailangang ibagsak natin ang lahat na nakasasakal na takot at kasalanan!

Ibinagsak ni Gedeon ang maladimonyong humahawak gamit ang isang malakas na toro. Ngunit binigyan tayo ng sandata na higit na makapangyarihan kaysa na kay Gedeon (tingnan 2 Corinto 10:4-5).

Ang tagumpay ay dumarating kapag nanalangin na may pananampalataya. Hindi ito nangangahulugan nang malamig, walang laman na pananalangin kundi dalangin sa Espiritu, dalangin na may pananalig na sasagutin ng Diyos: “Ang lahat ng ito’y gawin ninyo sa pamamagitan ng mga panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu” (Efeso 6:18).