Biyernes, Setyembre 17, 2010

ANG KABILANG PANIG NG PAKIKIPAG-ISA

Ang maglakad sa kaluwalhatian ng Diyos ay hindi lamang nangangahulugan na tinanggap natin ang pag-ibig ng Ama, kundi ibinabalik din natin sa kanya ang pag-ibig na ito. Ito ay tungkol sa magkatuwang na pagmamahalan, parehong nagbibigay at tumatanggap ng pag-ibig. Sinasabi ng Bibliya sa atin, “Ibigin ninyo siya ng buong puso, kaluluwa at lakas” (Deutoronomo 6:5).

Sinabi ng Diyos sa atin, “ Anak, makinig kang mabuti sa akin at tularan mo ang aking pamumuhay” (Kawikaan 23:26). Ang kanyang pag-ibig ay naghahanap na kailangan natin itong ibalik, ang ibalik ang pag-ibig na ganap, walang kahati, hinihingi ang buong puso natin, kaluluwa, isipan at lakas.

Gayunpaman, sinasabi sa atin ng walang pasubali, “Hindi mo maaring kitain ang aking pag-ibig. Ang pag-ibig na ibinibigay ko sa iyo ay hindi nababayaran!” Isinulat ni Juan, “Ito ang pag-ibig: hindi sa iniibig natin ang Diyos kundi tayo ang iniibig niya at sinugo ang kanyang Anak upang maging handog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan” at “Tayo’y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin” (1 Juan 4:10, 19).

Habang ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay may marka ng kapahingahan at pagsasaya, ganoon din ang pag-ibig natin sa kanya ay dapat na mayroon din katulad na dalawang mga elementong ito:

1. Ipinahayag ni David ang kapahingahan ng pag-ibig niya sa Diyos nang isinulat niya , “Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, at maging sa lupa’y aking kailangan” (Awit 73:25). Ang puso na umiibig sa Diyos ay ganap nang hindi naghahanap ng kaaliwan sa iba. Sa halip, natagpuan na nito ang ganap na kaligayahan sa kanya. Sa umiibig na ito, ang mapagmahal na kabutihan ay higit pa sa buhay mismo!

2. Ang pusong ganito ay nagdidiwang din sa pag-ibig nito sa Diyos. Umaawit ito at nagsasayaw na may ganap na kagalakan sa Panginoon. Kapag alam ng anak ng Diyos kung gaano siya iniibig ng Ama, nagbibigay ito ng kasiyahan sa kaluluwa niya!

Hayaan ninyong bigyan ko kayo ng isa sa pinakamakapangyarihang talata sa kabuuan ng Kasulatan. Ibinigay sa atin ng Kawikaan ang hinulaang salita ni Kristo: “Ako’y lagi niyang kasama at katulong sa gawain, ako ay ligaya niya at sa akin siya’y aliw. Ako ay nagdiwang nang daigdig ay matapos, dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay nalubos” (Kawikaan 8:30-31).

Mga minamahal, tayo ang mga anak na tinutukoy dito! Mula sa pinagmulan ng daigdig, nakita ng Diyos ang isang samahan ng mga mananampalatya na sumama sa kanyang Anak. At maging ang Ama ay naaliw at nagdiwang sa mga anak na ito. Pinatunayan ni Hesus, “Ako ang kaaliwan ng Ama, ang kagalakan ng kanyang katauhan. At ngayon ang lahat na lumalapit sa kanya ay kaaliwan din sa kanya!”

Kaya, paano natin maibabalik ang pag-ibig kay Hesus? Sinagot ni Juan, “Sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay yaong tumutupad ng kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos” (1 Juan 5:3).

Ano ang kanyang mga utos? Sinabi ni Hesus, na may kakanyahan, mayroong dalawa at “Sa dalawang utos na ito nakasasalalay ang lahat ng Kautusan ni Moises at ang mga turo ng mga propeta” (Mateo 22:40). Ang una at ang pinakamahalaga ay ang ibigin ang Panginoon ng buong puso, kaluluwa at isip. Wala tayong itatago sa kanya. At ang pangalawa ay ang ibigin ang ating kapuwa ng katulad ng pag-ibig natin sa ating mga sarili. Ang dalawang simpleng at di mahirap sunding mga utos na ito ay siyang bumubuo sa lahat ng kautusan ng Diyos.

Sinasabi ni Hesus dito na hindi tayo maaring makipag-isa sa Diyos o maglakad sa kanyang kaluwalhatian kung mayroon tayong sama ng loob na dinadala kaninuman. Kung ganoon, ang ibigin ang Diyos ay nangangahulugan na ibigin ang bawat kapatiran na katulad ng pag-ibig ng Diyos sa atin.