Huwebes, Setyembre 23, 2010

MATUTONG MANINDIGAN AT LUMABANG NAG-IISA

Kailangang matutunan mong makipaglaban sa sarili mong laban. Hindi ka maaring umasa sa iba para sa kaligtasan mo!

Maaring mayroon kang mananalanging kaibigan na maari mong tawagin at sabihing, “Mayroon akong pinaglalabanan ngayon. Maari mo ba akong ipanalangin? Alam ko na malakas ka sa Diyos!” Iyan ay nasa Kasulatan—ngunit hindi iyan ang ganap na kalooban ng Diyos para sa iyo! Ibig ng Diyos na ikaw ay maging mandirigma! Ibig niyang matuto kang manindigan laban sa diyablo.

Ipinangako ng Diyos kay Gedeon, “Maililigtas mo ang Israel pagkat tutulungan kita. Lulupigin mo ang mga Madianitang ito na para ka lang pumatay ng isang tao” (mga Hukom 6:16). Sinabi ng Diyos sa kanya, “Isinugo kita—sasamahan kita!”

Ngunit ang mga tao ng lunsod ay hinanap ang tao na nagpabagsak ng kanilang mga idolo (tingnan mga Hukom 6:28-30). Nasaan si Gedeon? Siya ay nagtatago—hindi nakasisiguro sa pangako ng Diyos, patuloy na nag-iisip kung kasama niya ang Diyos. Sinabi ni Gedeon: “Bakit ganito ang pamumuhay namin kung sumasaamin si Yahweh? Bakit wala siyang ginagawang kababalaghan ngayon, tulad noong ialis niya sa Egipto ang aming mga ninuno, ayon na rin sa kwento nila sa amin?” (13). At iyon ay katulad din ng marami sa atin! Ipinangako ni Hesus sa atin, “Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan” (Mateo 28:20). Gayunpaman, hindi pa rin natin natututunan ang manindigan sa kanyang Salita at lumaban!

Ang mga bagay ay magsisimulang magbago—sa sandaling ikaw ay ganap nang nahikayat na ang Diyos ay nasa iyo. Na nangungusap siya sa iyo at ipakikita niya ang lahat ng dapat mong malaman!

Ikaw ay malakas ng higit pa sa iniisip mo! Katulad ni Gedeon maaring iniisip mo, “Paano ako makipaglalaban? Ako’y lubhang nanghihina, walang karanasan. “ Ngunit sinabi ng Diyos kay Gedeon, “Lumakad ka at gamitin mo ang buong lakas mo” (6:14). “Ano ang maaring mangyari?” tanong mo. Ang lakas ni Gedeon ay nakatali sa salita ng Diyos sa kanya: “Tiyak na sasamahan kita.”

Minamahal, ang parehong salita na iyan—“Ako’y kasama mo”—ay ang iyong lakas! At matatanggap mo ang lakas na iyan nananalig na iyan ay totoo—at sa pagkilos dito!