Martes, Setyembre 21, 2010

PAANO MANINDIGAN AT MAKIPAGLABAN

Sa lahat ng pinag-uusapan sa iglesya tungkol sa espirituwal na pakikipaglaban, ang mga Kristiyano ay hindi pa rin natututo paano makipaglaban sa kaaway. Tayo ay pinagtutulak-tulakan lamang ng diyablo!

Hindi ako naniniwala na ang bawat kasawian na nagpapabagsak sa isang Kristiyano ay nanggagaling sa diyablo. Mali nating siyang inaakusahan para sa marami nating sariling kapabayaan, hindi pagsunod, at katamaran.

Madaling sisihin ang diyablo para sa ating mga kamalian. Sa ganoong paraan, hindi na natin kailangang harapin ito. Ngunit mayroong tunay na diyablo na nandito ngayon sa sanlibutan—at siya ay abalang kumikilos!

Hayaan ninyong sabihin ko sa inyo ang isang bagay na pamamaraan ni Satanas. Kung hindi niya kayang hilahin paalis ang Pinakamakapangyarihan sa kanyang trono, susubukin niyang punitin ang imahe ng Diyos sa iyo! Gagawin niyang mga bumubulung-bulong at walang-pakundangan ang mga mananamba.

Hindi kayang umatake ni Satanas sa iyo ng basta gusto niya. Naglagay ng pader na apoy ang Diyos sa paligid ng bawat mga anak niya, at hindi makakapasok si Satanas sa pader na iyan ng walang pahintulot ang Diyos.

Hindi kayang basahin ni Satanas ang laman ng isipan ng isang Kristiyano. Ilang mga tao ay takot manalangin sapagkat iniisip nila na nakikinig ang diyablo sa kanila! Ang iba ay iniisip na nababasa ng diyablo ang bawat detalye ng isipan nila. Hindi maari! Ang Diyos lamang ang nasa-lahat-ng-lugar at nakaaalam ng lahat.

Iniutos ng Kasulatan sa atin na manindigan, maging malakas at makipaglaban laban sa laman at sa diyablo: “Maging handa kayo at magpakatatag sa inyong pananalig. Magpakatapang kayo at magpakatibay” (1 Corinto 16:13). “Magpakatibay kayo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa Panginoon at sa tulong ng dakilang kapangyarihan niya” (Efeso 6:10).

Kailangang mapuno na kayo sa pagkakahatak pababa ng diyablo sa inyo—nabubuhay na mababa, matamlay, walang kagalakan, hungkag, naguguluhan!

Sinabi ng aklat ng mga Hukom sa atin, “Tumalikod na naman kay Yahweh ang bansang Israel, kaya sila’y ipinasakop niya sa Madian sa loob ng pitong taon. Hindi makalaban sa mga Madianita ang mga Israelita, at napilitan silang magtago sa mga kuweba sa kabundukan” (mga Hukom 6:1-2).

Ang mga Israelita ay nasa pinakamababang punto ng katayuan nila. Napilitan silang magtago sa mga madidilim at basang kuweba, nagugutom, natatakot at nanghihina. At pagkatapos ay may nangyari. Nagmula ito kay Gedeon, at ito ay kumalat sa buong kampo: Napuno at napagod na ang Israel sa pagtatago sa mga madidilim na kuweba!

Sinabi ni Gedeon sa sarili niya, “Hanggang kailan pa tayo magtitiis sa ganitong kalagayan? Nakakapasok sila sa ating mga lupa ng walang sumasalungat. Walang naninindigan at kumikilos tungkol dito! Sinabihan tayo na may Diyos tayong kumikilos para sa ating mga ninuno. Ngunit tingnan ninyo ang mga sarili natin ngayon—tayo’y nahubaran, nanghihina. Nabubuhay tayo sa patuloy na takot!” Mayroong namuo sa kalooban ni Gedeon. At sinabi niya ang matagal nang ibig marinig ng Diyos: “Ito ay sukdulan na! Naglilingkod tayo sa isang makapangyarihan, matagumpay na Diyos. Bakit tayo nagpapatuloy, araw-araw. Na tinatanggap ang mga pang-aabusong ito?”

Ang Diyos ay walang gagawin hanggang hindi ka lubusang nasusuklam—hanggang sumawa ka na sa pagiging pagod na. Kailangang gawin mo ang ginawa ni Gedeon—dumaing ka sa Diyos! Naglilingkod tayo sa parehong Diyos na pinagligkuran ng Israel. Kung narinig niya ang daing ng Israel sa kanilang pagsamba sa diyus-diyusan, maririnig niya rin kayo—sa inyong buong katapatan.