Biyernes, Setyembre 10, 2010

MINSAN TAYO AY LUMALAGO AT HINDI NATIN NAMAMALAYAN ITO

Ilang mga mananampalataya ay makapagsasabi sa inyo tungkol sa kanilang espirituwal na paglago. At maliwanag na makikita natin ito sa mga pagbabago sa mga buhay nila. Nagpatotoo sila kung paano nagapi ng Espiritu Santo ang kaaway para sa kanila, at nakipagbunyi kayo kasama nila sa tagumpay.

Gayunman ang mga ganitong uri ng mananampalataya ay mga natatangi. Maraming mga mananampalataya ay halos walang kamalay-malay sa espirituwal na paglago sa kanilang mga buhay. Nanalangin sila, nagbabasa ng Bibliya at hinahanap ng buong puso ang Panginoon. Wakang balakid sa espirituwal na paglago sa kanila.

Ngunit hindi nila namamalayan ang anumang paglago sa mga sarili nila. Isa akong halimbawa ng ganitong uri ng mananampalataya. Alam ko na ako ay naglalakad ng matuwid kay Kristo, gayunman hindi ko namamalayan na ako'y lumalago. Sa katunayan, paminsan-minsang bumaba ako sa aking sarili kapag nakagawa ako o may nasabi na hindi maka-Kristiyano. Nagbibigay dahilan ito para mag-isip ako, "Ako'y isang Kristiyano sa maraming taon na. Bakit hindi pa rin ako natututo?"

Palagay ko'y ang mga taga-Tesalonica ay nalito ng marinig nila ang nagniningning na pagtatasa sa kanila (tingnan 2 Tesalonica 1:3). Maaring naiisip nila, "Ako, lubos na lumalago? Maaring nagbibiro lamang si Pablo."

Gayunman alam ni Pablo na ang espirituwal na paglago ay isang lihim, nakatagong bagay. Inihalintulad ito ng Kasulatan sa hindi nakikitang paglaki ng mga bulaklak at mga puno: "Ako'y matutulad sa hamog sa magpapasariwa sa Israel, at mamumulaklak siyang gaya ng liryo, mag-uugat na tulad ng matibay na punung-kahoy; dadami ang kanyang mga sanga, gaganda siyang tula ng puno ng olibo, at hahalimuyak gaya ng Libano" (Oseas 14:5-6).

Sinasabi ng Diyos sa atin, "Magtungo sa mga liryo! Pagmasdan kung paano sila lumaki. Sasabihin ko sa inyo na pagkatapos ng araw wala kang makikitang anumang paglaki. Ngunit alamin ito; dinidiligan ko ang mga liryo tuwing umaga ng hamog na aking ipinadadala—at ito'y lalago." Ito'y tunay na tulad din ng maraming espirituwal na paglago. Ito'y halos di-mapapansin ng mata ng tao!

Kapag mayroong mga tao na naligtas, hindi na sila mistulang nagpapakahirap na may tadtad na kasalanan. Nagpatotoo sila, "Sa sandaling lumapit ako kay Hesus, inalis na ng Panginoon ang tuksong iyan palayo sa akin. At ako ay napalaya mula noon." May kilala akong mga dating gumon sa bawal na droga na may tulad na karanasan.

Ngunit sa maraming mga Kristiyano, ito'y naiibang kwento. Pagkatapos ng maraming taon na sila ay ligtas na, ang dating katiwalian ay muling nagwala sa kanila—bagay na kinamumuhian nila at hindi na kailanman nais na makita pang muli. Ngunit anumang pagsusumikap na paglabanan ito, ang isang natitirang pananabik na iyan ay ayaw talagang umalis. Sa buong magdamag nawawalan sila ng pagasa. Ang espiritu nila ay tumatangis, "Gaano pa katagal, Panginoon? Kailan mapapatid ang kadenang ito?" At karaka'y darating ang diyablo sa kanila, sinasabi na, "Hindi ka magtatagumpay. Alam mo na walang paraan na lalago ka sa espirituwal sa ganitong kalagayan."

Gamitin ang puso, kaibigan—mayroon akong , magandang balita para sa iyo. Ikaw ay lumalago sa gitna ng iyong paghihirap! Sa katunayan, maaring lumalago ka ng malaki dahilan sa iyong pagsusumikap.

Magtiwala ka—kung mayroong takot sa Diyos sa iyong puso, ikaw ay lulutang mula sa bagyo ng mas malakas. Nakita mo, kapag nakikipaglaban ka sa kaaway, ikaw gumaganap at tumatawag sa lahat ng grasya at kapangyarihan ng Diyos. At kahit na nararamdaman mong nanghihina ka, ang mga grasya at mga kapangyarihan ay pinalalakas ka. Isa pa, ikaw ay higit pang nagmamadali sa iyong pananalangin. At, pangalawa, hinubaran ka ng lahat ng katigasan ng loob. Kaya't tunay na inilalagay ka ng bagyo sa "espirituwal na pagbabantay" sa lahat ng bahagi ng iyong buhay!