Miyerkules, Setyembre 29, 2010

IBUHOS MO ANG PUSO MO DITO!

Hindi tinatanggap ng Diyos ang paglilingkod na may mabigat na kalooban mula kaninuman. “Anuman ang inyong ginagawa, gawin niyo ng magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon” (Colosas 3:23). Ang magaan sa kalooban ay nangangahulugan, “ng buong puso—buong lakas, lahat ng nasa kalooban mo.”

Isinulat ni Pablo, “Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob” (2 Corinto 9:7). Ang apostol ay gumawa ng dalawang paraan ng pagbibigay na ganito: kailangang may kinalaman ito sa pagbibigay ng pananalapi—at ang pagbibigay ng sarli nating buhay sa gawain ng Diyos!
Isinulat ni Pablo na ang iglesya sa Macedonia ay literal na nakiusap sa kanya na hayaan silang kumuha ng koleksyon para sa mahihirap, na nagdudusang mga banal sa Herusalem. Ang mga taga Macedoniang ito ay buhos ang loob sa Panginoon, nagbibigay sila galing sa kanilang kahirapan!

“At higit pa sa inaasahan ko; inilaan nila ang kanilang sarili, una sa Panginoon, at pagkatapos , sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos” (2 Corinto 8:5). Sinabi ni Pablo na ang mga taga Macedonia ay nagbigay ng higit pa sa salapi. Sinabi niya sa kanila, “Narito ang aming handog. Ngayon ano ang ibig mong gawin namin? Kusang loob naming iniaalay ang aming paglilingkod para sa gawain ng Diyos!” Wala silang iniwan sa paglilingkod sa Panginoon at sa kanilang mga kapatiran! “…Sila’y kusang loob na nag-abuloy hindi lamang ayon sa kanilang kaya, kundi higit pa” (8:3). Nagbigay sila ng higit pa sa kakayanan nila—nang may lubos na pananalangin!

Kung magbibigay ka dahil lamang naniniwala ka na ito ay iniutos—o kung lagi mong iniisip, “Ang pagbibigay ba ng ikapu ay isang paglalarawang isip lamang sa Bagong Tipan, o sa Lumang Tipan lamang?”—ang saloobing puso mo ay maling lahat! Kung magbigay ka ng ikapu dahil ito’y hiningi ng pastor mo sa iyo, iyan ay mali din. Wala anuman dito ay tumatama sa pinag-uusapan—sa puso na kung ano ang kahulugan ng pagbibigay!

Kung ibibigay mo nang buo ang iyong sarili sa Panginoon at sa paglilingkod sa kanya, kailangan mo itong gawin ng may kagalakan! “…pagkat ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob” (2 Corinto 9:7).

Ako’y ganap na nahikayat ng talatang ito—pagkat madalas patuloy akong namumuhay at nagmiministeryo ng walang kagalakan sa Panginoon. Narinig ko na maraming Kristiyano ang nagsabi, “Lubos akong napapagal, hindi ko alam kung paano ko magagawa ito. O, Diyos, kailangan kita at bigyan mo ako ng lakas!” Iyan ay daing ng isang tao na karaniwan sa ating lahat. Ngunit ang ibigay ang sarili para malugod ang Diyos, kailangang manggaling ito sa isang nagagalak na espiritu—na makukuha sa ating lahat sa pamamagitan ng simpleng, parang batang pananampalataya.

Ang salitang nagagalak sa Griyego ay nangangahulugan na “masayang-maingay, masaya, magalak”—mayroong malambot na puso, pagkukusa, kagalakan; may maingay na kasiyahan. Sinasabi ng Diyos, “Anuman ang ginagawa mo sa paghihirap mo para sa akin—kung ito man ay namamagitan, sumasamba sa akin sa aking tahanan, o hinahanap ako sa inyong lihim na silid—gawin itong may kagalakan! Maging masayahin at mapagbigay sa lahat ng bagay—sa iyong pananalapi, sa iyong paglilingkod, sa iyong panahon, at sa iyong buhay!”

Tanong ko sa iyo: Ang paglilingkod ba a Panginoon ay naging nakapapagod, kumakaladkad sa iyo? Ito ba’y isang dalahin, iniiwan kang madalas na malungkot at napapagal?

Ayaw ng Diyos na dumadaing ka sa iyong dalahin—nais niyang alisin mo ang mga ito sa iyong buhay sa paghawak sa kanyang Salita!

Ang iyong tseke sa kanyang pagkukunan ng mga pangangailangan ay pananampalataya! Sinasabi niya, “Naihanda ko na ang panustos para sa iyo. Ano ang kailangan mo sa buhay na lubhang mahalaga na hindi ko kayang ipagkaloob ng higit pa sa kailangan mo?!